Tuesday, November 25, 2008

ano? go?

Posted by Gaze at 12:39 PM
"nyak wag kna mag selos ikaw lang naman gazelle sa buhay ko" -- ef
ay kasarap naman basahin nito! hay.. sa dami ng hearts na nakapaligid saken ang heart mo ang gustong gusto kong makuha! bakit nga ba gustong gusto kita? siguro kase sabi ni chamie bagay tayo.. yihee! (yun! niloko ang sarili) but seriousely i really like you.. ikaw ang pumupuyat saken sa gabi.. ikaw ang source ng kalandian ko ngayon.. ikaw ang inaabangan kong mag online sa ym.. ikaw ang nagpapangiti sa malungkot kong araw at pag kasama kita, parang pelikulang slow motion ang paligid ko.

ilang beses akong puma-pout pag nanjan ka.. automatic e hindi ko mapigilan.. para akong hayskul na simpleng nagba-blush at kinikilig pag papalapit kna. hindi ko alam ang sasabihin ko pag nanjan kna sa harap ko ang gusto ko lang gawin is i-database lahat ng encounters naten para mabilis kong ma-select pag gusto ko nang alalahanin.

"sinu inantay mo?? andi2 nman ako" -- ef
ampanget mo lang mag type! haha! ilang beses nahulog ang panty ko last friday dahil sayo! kiber kung joke joke to or seryoso! ang mahalaga nag eenjoy ako and i'm having a great time!

"hehehe pauwe napo ako mmyang 3am.! hehe il be hitting manila na soon!!" -- ef
kung alam mo lang kung gano ko inabangan ang araw ng pagbabalik mo. sana pag punta mo ng manila e pumunta kna rin saken. tara na! totohanin na natin to!


MixwitMixwit make a mixtapeMixwit mixtapes


Wednesday, November 19, 2008

wer na u?

Posted by Gaze at 4:20 PM
nagbabasa ako ng archive ko sa ym ngayon.. napatigil ako at natawa sa isang maiksing conversation namen ni "ef"..

******************
"ef": my labs
"ef": :b
gaze: yes mylabs
gaze: wer na u?
"ef": d2 pa me
******************

huu! jan ba talaga u? hindi naman! hindi ko naman ramdam.. (ok emo alert! emo alert!) bakit ba kase hindi ka pinalaking sensitive ng nanay mo? whew!

magkasama kme nung friday.. eto ang nangyare..

******************************
"ef": gaze, bakit ka umiiyak?
gaze: hindi ako umiiyak.. masakit lang puso ko.. pagalingin mo dali..
"ef": naku magaling ako jan
gaze: huu hindi rin!
narrator: pagdating sa labas ng kapihan..
"ef": gawin mo to..(yung umiikot habang tumatalon..)
gaze: ayoko madadapa ako
"ef": wag ka mag alala sasaluhin naman kita..
"ef": bakit ka pa kase sumisiksik don e nandito naman ako para saluhin ka..
gaze: hindi na ko naniniwala sa mga ganyan.. hindi totoo yan..
narrator: end of discussion.. lol!
******************************

ang galing mo sa mga ganyan.. sana kayang mong gawin yung mga sinasabi mo.. hay.. kung alam mo lang.. ikaw ang sinisigaw ng heart ko.. lol! ahahhaa! dali na kase.. magsabi ka lang.. hindi ako mahirap kausap.. bakit hindi naten itry? yun! pwede naman yon.. pag hindi nag work e di hinde.. kung nag work e di good.. e di masaya..

i-let go mo na kase si ex! sasakalin na kita e.. miss you! mwah mwah!

Friday, November 14, 2008

hay..

Posted by Gaze at 2:30 PM
hay.. ansakit ng puso ko!


Mad - Ne-Yo



"sana ako na lang.. ako na lang ulet.."

Monday, November 10, 2008

basta kalbo gago!

Posted by Gaze at 6:45 PM
lol! katext ko si daddy kahapon.. eto ang naging thread..

dad: anak, nasan kna? bakit hindi ka nagtetext?
gaze: dito na sa bahay.. nagtext ako kay mommy kanina mga 6. sakit ng ulo ko! may bukol! (oo tatanga tanga na naman ako.. nadulas ako sa cr..)
dad: ang tanga tanga mo kase. sana dika umalis may bumibisita kay yayie ngayon! nakakainis panot din cya!
gaze: a talaga? nanliligaw?
dad: oo anak bakit ba puro panot ang nagkakagusto sa inyo? kadiri!
gaze: o e ok naman ba?
dad: me istsura naman kaya lang kalbo na naman! pero naka pajero naman
gaze: o e hayaan mo na.. about time na din naman..
dad: kakainis puro nalang kalbo! bwiset!
gaze: yung angst mo naka abot hanggang makati.. ano, balita? may trabaho? anong natapos?
dad: di ako interesado
gaze: huuu! nagseselos ka lang e. nasan sila? san ka ngayon?
dad: nasa sala cla
gaze: mag isa lang nagpunta jan? binati mo ba? nginitian mo sana..
dad: sinamahan ng ate ethel mo. binati ko naman im polite and educated naman.
gaze: yun! pumo-polite! damang dama ko ang angst mo hanggang dito
dad: di naman ako affected inis lang ako sa kalbo
gaze: huuu! aminin na kase.. nagseselos ka lang
dad: naku hindi naiinis lang ako sa kalbo ano!
gaze: bakit ba ang laki ng galit mo sa mga kalbo?
dad: DAHIL KALBO ANG NAGPAIYAK SAYO
gaze: aaawww... eto naman.. hayaan mo na.. magkaiba naman sila.. malay mo ok sya..
dad: BASTA KALBO GAGO!

***
aaww.. natach talaga ko.. now i understand kung bakit ka naghihigpit saken.. many thanks sa nonstop mong love at sa pagpapalit ng nasira kong bowl sa banyo.. hehe!

ikaw pa rin ang number 1 man sa buhay ko..

Tuesday, November 04, 2008

read receipt

Posted by Gaze at 5:53 PM
nagkaron ako ng phenomenal response from God regarding my email. yun lang ang binigay saken ni God is multiple choice.. siguro sabi ni God, "gaze, just choose the correct answer from the choices below: (yun naman.. feelingera lang.. gusto ko lang iblog..)"

a. MR SSH - matagal na akong chinechever ni MR SSH, magaling sya sa linux(a plus factor) and mahilig din sya sa web stuffs. parehas kme ng interes at nag "may i go out" na kme once and ok naman sya.. yun lang may sabit..

b. MR. MASUGID - define masugid and that is him! OA mag text, OA mag chat, OA din tumawag.. talagang maka-Dyos si MR. MASUGID.. hindi ko na kinakaya ang pagka banal nya.. Minsan na nya akong binasahan ng bible verse and talagang nakirinig ako ng busy tone sa tenga ko.. nag "may i go out" na din kme ni MR. MASUGID pero maaga akong napagod.. humihingi ng second chance si MR. MASUGID pero pinag iisipan ko pa kung gusto ko ulit mag "may i go out" kasama sya.

c. MR. PAST EMPLOYEE - ok naman sya para saken. maalaga at alam mong ginagalang ka. may humor din syang tinatawag kahit na hindi nya sinasadya dahil talagang nakakatawa ang mga hirit nya. siguro kung mabibigyan ng chance, magiging ok na this time kase wala nang bisayang eepal sa paligid (yun! bitterness!) dapat nag "may i go out" kme last friday kaya lang na-stuck ako sa trabaho.. kaya yun.. next time..

d. MR. EF - yun lang.. si MR. EF period. end of share. hindi ko nga alam kung kasama sya sa choices e pinipilit ko lang isama.


dear God,
i really like MR. EF. pwede bang sya na? pwede bang isend mo na sya saken? hindi naman ako madalas humingi ng specific person sa inyo.. ngayon na lang ulit.. pramis i'll be nicer to him next time. sabi kase ni chamie lagi ko daw sya tinatabla.. pano, hindi kase ako marunong.. can you teach me kung pano ko sya i-handle? can you whisper my name to MR. EF? can you tell him na kaya kong pawiin ang kalungkutan nya?(kelangan ko lang ng praktis)

i really want to taste my new coffee.. but i'm still waiting for the perfect sugar to sweeten it.. and i want it to come from him..

shocks, am i getting there? hindi pa naman.. mga 2 months pa siguro.. lol

barbee^
 

barbee Copyright © 2010 Designed by Ipietoon Blogger Template Sponsored by Online Shop Vector by Artshare