Monday, October 29, 2007

site revamp.. (again?!)

Posted by Gaze at 7:20 PM
di ba? nagimbal din ba kayo? for the nth time mag rerevamp na naman ako ng site ko! woohoo! last friday big boss told me that not-so-shocking news.. kung baga hindi na ko masyadong nagulat.. i was expecting for it.. kase naman si bm nagpahiwatig nung nakaraang linggo about the site.. so i expected the worse.. and shoot! ayun nga!

first reaction was.. uhm.. blangko.. ewan.. na immune na siguro ko sa ganon.. it's my third time and naubos na siguro lahat ng luha ko sa site na yun.. yes mga friends.. iniiyakan ko sya dati.. syempre baby ko yun e.. maraming beses ko tong pauulit ulitin it's really a dream come true to be working on that site.. i can still remember nung college sabay pa kme ni she na nagbabasa sa forum non and of all the sites ng company ko, sya lang talaga yung vinivisit ko kahit na nung dati pa.

pangalawa.. maaantala ang mga plano ko sa buhay dahil sa revamp na yan.. shempre.. gusto kong maging maayos ang site ko bago ang lahat.. at hindi ko hahayaang iba ang hahawak ng site na yon.. my baby is my baby.. ok?

last friday hindi ko pa naabsorb lahat ng mga sinabi saken ng boss ko.. may kasalanan pa nga ako kay boss chief.. ehehe hindi ko kase nilive yung pinapalive nya saken that day.. sori naman.. feeling ko kase that time hindi na ko makahinga sa opisina so i decided na mag log out na and next week ko na lang iuup.. sori naman.. don't worry iuup ko sya first thing in the morning bukas.. hay..

am i doomed to fail? good Lord! i've worked my ass off for that site pero bakit ganon pa rin ang nangyayare? parang cycle na lang parati.. akala ko ok na then all of a sudden may mga ganong pangyayare.. hindi ako nagagalit.. nakakadown lang minsan.. :(

ganon pa man.. nag iisip pa rin ako ng something positive sa mga pangyayaring ito.. although sa ngayon hindi ko pa sya ma figure out but don't worry i'll still do my job.. syempre papabayaan mo ba ang baby mo? wag kayong mag alala hindi ako gagawa ng desisyon hanggat hindi ok ang site ko.. kelangan ko lang talaga ng maraming maraming chocolates para matabunan ang kalungkutang ito..

pag may nagtanong saken.. "ano ang favorite past time mo?" ang sagot ko.. "uhm.. mag revamp ng site??" hahaha chika lang..

Friday, October 26, 2007

big day

Posted by Gaze at 12:46 PM
ang gaan ng pakiramdam ko ngayon gabe.. nag meet kme ni madam kanina.. pinapag usapan namen ang mga magaganap bukas.. hay shet mylabs.. can't wait to see you again.. nung monday ko pa to naiisip.. hindi nga ako nakatulog nung isang araw kaka isip lang ng mga magaganap ngayong friday.. hay shet bakit ba hindi ako masyadong nakapag prepare.. pero ok lang.. ang mahalaga, maganda pa rin ako.. hahaha

ok lang naman mag maganda minsan di ba? mga pare hindi pa naman ako lumalabag sa mga batas ng sweet girls club di ba? ay sa mga hindi pa nakakaalam, ako ang PRO ng sweet girls club.. hay shet, ano kaya magaganap bukas? woohoo i can't wait..

gusto kong magsuot ng headband na color gold.. para mukhang mahinhin.. hay shet.. umeeffort ako para sayo mylabs! nakakatawa lang kase kagabi natulog akong naka headband para if ever makita kita sa panaginip ko maganda pa rin ako.. ahahaha! nagpapraktis na ko.. kase minsan sumasablay ang talent ko sa pagpapacute e.. ayoko naman umeffort ng masyado kase baka isipin mo excited ako.. hindi naman.. sing haba lang ng express way ang preparation ko para lang sa araw na to..

umaasa akong madadaan kita sa ngite at sa kuko kong kulay dilaw. minsan kase gusto kong isipin mo na dalaga na ko.. leche kase parang ako lang naman ang nagsisilbing clown ng buhay mo.. wag naman ganon kase minsan kinikilig ako pag kasama kita tapos yun naman pala in the back of your mind gusto mo lang mag laf trip! ang olats di ba?

anyway.. uuwi na ko mga chong.. marami pa akong gagawin.. ang bukas ay isang magandang araw para saken.. wish me luck!

Sunday, October 21, 2007

i'm on my way..

Posted by Gaze at 7:55 PM
hay shet.. akalain mong sa tagal ko nang blogger ngayon ko lang nalaman kung san mo iseset ang title? ang chimoi e no? hehe..

BABALA:
ANG AKDANG ITO AY PUNO NG KABADUYAN SUBALIT PUNO NG KATOTOHANAN AT DAMDAMIN.. (inuunahan ko na kayo dahil alam kong maraming magrereak jan na nakakadire lang yung post ko..)


sino pa nga ba ibblog ko? sino pa ba? e di si mylabs.. hay.. bakit hinde?

i miss you more mylabs.. para kelan lang ay magkasama tayo.. nagtatawanan.. naglalambingan (ayun naman! asa pa u gaze!) chika lang.. ilang araw pa lang ang nakakalipas at hinahanap hanap na agad kita (sabi ko sa inyo e.. nakakadire lang..) busy ka ba? umalis ka ba nung weekend? naiisip mo din ba ko? siguro sugat sugat na yung dila mo dahil ikaw parati ang bukang bibig ko e.. (yikes! erase erase!)

hay.. onti na lang.. im almost there.. isang hakbang na lang mahuhulog na talaga ko.. ayoko ng ganito dahil alam kong olats naman ako sayo.. masarap yung feeling ng nagmamahal pero di ba mas masarap yung feeling na alam mong mahal ka din ng minamahal mo? ayun lang naman.. malapit na kase yung deadline ko.. so naisip ko, kung pwede.. bago man ako humakbang paharap,pwede bang maupo muna ko sa isang tabi at ienjoy yung feeling? malapit na ko.. hindi ko alam kung anong mangyayare pag sapit ko sa finish line.. marami ako iniisip.. pag dating ko ba dun naghihintay ka ba saken para sabihin yung 3 magic words? o ang madadatnan ko lang ay isang banner na may nakasulat na "transaction unavailable, please try again later.."

sa pag upo kong ito wala akong ibang iniisip.. ineenjoy ko lang lahat.. wala akong pakielam sa iba.. basta ikaw at ako lang.. yun lang.. i don't care of whatever people think of me.. basta alam ko ok tayo.. shet para kang butong pakwan.. ang sakit mo sa ngipen.. haha! hinde joke lang.. nakaka adik ka lang.. tara na! pasok kna sa bag ko! iuuwi na kita!

Wednesday, October 17, 2007

Posted by Gaze at 12:28 PM
"why do birds suddenly appear everytime you are near.. just like me they long to be close to you.." huuu! arman namimiss na kita! naalala mo ba yang song na yan? kanina kase nagparamdam ka sa friendster.. shet nalungkot ako.. namimiss kita bigla..

lam mo armantot, nung tinitingnan ko yung friendster mo kanina biglang bumalik saken yung mga moments naten nung college.. yung mga pagtambay naten sa caf non.. yung mga times na natatalo ka sa tong its.. yung boxing sa timezone kada hapon.. yung mga kulitan moments naten sa as400 class.. yung mga times na parati tayo sabay umuuwi.. yung mga moments na tawang tawa ko dahil pinagseselosan ako ng ex mo.. yung mga times na pinapag selosan ka ng ex ko.. yung mga chat naten hanggang madaling araw.. yung mga kabaduyan conversations naten.. yung pagdadrama mo saken.. yung pagdadrama ko sayo.. yung pag ccomfort mo saken.. yung pag ccomfort ko sayo.. hay arman jay namiss ko lahat lahat sayo..

naalala ko pa yung parati mo tinatanong saken dati.. "ano kaya tayo 5 years from now.." hehe non hindi ko masagot yun e.. hindi ko kase alam isasagot.. ngayon.. eto.. ngayon na yung "5-years-from-now" mo.. eto.. chill lang.. ganon pa rin..

hay arman.. baduy man sabihen pero hindi na ko makakakita ng friend na kagaya mo.. whoo! parati ko nga sinasabi sayo dati na ikaw yung best buddy ko.. you are one of the few people na kilalang kilala ako.. shet mga tingin ko pa lang alam mo na kung naiinis ako e.. alam mo kung kelan ako mababad trip.. alam mo kung kelan ako sisinggahin ng allergy ko.. hay.. if i can only turn back time..

arman, you are the master of all masters! ikaw ang pinaka magaling na programmer sa balat ng lupa! walang stir.. wala pa ko namimeet na mas magaling or kasing galing mo! ampunin nyo na lang ako ni she.. ahahaha! sana makapag bond tayo one of these days.. kase nung last time na nagkita tayo hindi kita masyadong nakausap.. sori naman may benedict kase na nagaganap non..

basta.. alam ko naman kahit na hindi tayo masyado nakakapag usap alam ko na anjan ka lang.. one text away.. one pm away.. hay.. basta stay happy and andito lang din ako.. i love you arman jay! :D

Thursday, October 11, 2007

Posted by Gaze at 12:14 PM
nagtext saken si madam kagabi.. minsan lang ako magreak sa mga forwarded messages.. haha natawa lang ako..

madam: kung ikaw papapiliin.. kanino ka sasama? sa taong minahal ka ng lubos at gagawin lahat para sayo? o sakin na may swimming pool ng redhorse?
barbee: dun na lang ako sa may swimming pool ng redhorse! hello tinatanong pa ba yun? yung mga nagmamahal ng lubos? wala nang ganon ngayon! talk shit yang mga lalakeng yan!
madam: wow ah. yung bitterness mo pare hanggang dito. haha

-- STOP --
cut off na ng texting.. hating gabi na.. bakit? dahil bawal na magtext pag midnight..

uhm.. pwede mag reak? pasintabi na lang po sa mga natatamaan.. pero kase nakakairita na kase.. leche.. ako na rin ang magsasalita in behalf of my friends tutal parang nasa iisang sitwasyon lang naman kmeng lahat.. sa iba kong guy friends, sori naman.. kaya lang kase yung mga kauri nyo ang sarap ibalik sa chan ng mga nanay nila e.. nakakainis! paulit ulit na lang.. paulit ulit! paulit ulit! mga boys, eto lang sasabihin ko.. we wouldn't come in if you didn't opened your doors for us.. aprub? so kayo, if you don't have any plans on making everything official then don't initiate anything in the first place! nakakapagod na!

naramdaman nyo ba hanggang jan yung angst ko? don't worry long weekend ngayon.. marami akong time para chumill.. malay nyo sa monday hindi na ko ganto..

Wednesday, October 10, 2007

Posted by Gaze at 11:48 AM
hay shet nakakailang mura na ba ko ngayong araw na to? kung makapag mura ko parang wala nang bukas! waaaaaah!!!! ano ba gagawin ko para lang mabago yung mood ko? shot! shot!

7:30 PM sheryl.agtarap: oist
7:31 PM me: ei
7:33 PM sheryl.agtarap: ndi kpa uwi?
7:35 PM me: maya siguro
sama ng mood ko
sheryl.agtarap: bkt?
7:36 PM me: hindi ko alam
shet
sheryl.agtarap: bkt anong nangyri?
7:37 PM me: wala naman
wala talaga actually
yun nga e..
ewan
ayoko na
ayoko na gusto ko
sheryl.agtarap: final na yan?
me: pota
di ba parang ganito rin yung kay paul dati
kaya ayoko ng naghihintay ako ng matagal e
sheryl.agtarap: ah shet oo nga
7:38 PM me: ewan she ang sama talaga ng mood ko
shet
at eto pa
wala kase akong basis pare
i mean wala talagang nangyayare
as in wala
zero
shet
shet
shet
7:39 PM sheryl.agtarap: nku girl mhrap yan
wag mo na kaya ituloy lahat
me: alam ko
yun nga din naiisip ko e..
sheryl.agtarap: kc kaw na nagsabi na wla eh
me: shet taena
sheryl.agtarap: zero tlga
me: totoo naman e
7:40 PM wala naman talaga akong basis e
sheryl.agtarap: kaya nga..
7:41 PM me: shet eto n a naman ako
bakit ba parating ganon
bakit ba parati nauudlot
7:42 PM sheryl.agtarap: kc bka ndi cya pra syo
7:43 PM me: haha
narinig ko na naman yan sayo
7:44 PM sheryl.agtarap: hahahaha
eh di ba ganun nmn un
me: ewan
hindi ako nasasaktan
nakakabaog lang sya talaga
7:45 PM sheryl.agtarap: hahaha yaan mo cya
wag mo nlng icpn msydo
7:48 PM sheryl.agtarap: eh panu kayo ngyn?
7:49 PM me: ha? kame?
bakit may kame ba?
7:50 PM sheryl.agtarap: i mean
ung usapan nyo?
me: a.. ewan
bahala na
7:51 PM bahala na si batman
7:52 PM tangina nakakabaog talaga tong araw na to
7:53 PM sheryl.agtarap: hay nku girl
bsta enjoy ka lang
7:56 PM
me:nababaog lang talaga ko sa knya
sheryl.agtarap: bka ngyn lang yan
7:57 PM bka ndi lang good mood ngyn

Tuesday, October 09, 2007

Posted by Gaze at 4:16 PM
shet ang lungkot ko ngayon.. ano bang meron sa araw na to at biglang bagsak ng mood ko.. nasagap ko ata lahat ng kalungkutan dito sa opis leche! ikokowt ko lang ang sinabi ni madam at talaga namang ouch.. as in ouch talaga..

If someone wants to be part of your life... they'll make an effort to be in it..


yun lang ouch lang..
Posted by Gaze at 10:22 AM
"hindi kase ako kasing strong mo gaze.." hay shet ilang beses ko na naririnig yan.. yan yung parating sinasabi saken ng mga friends ko everytime nagkoconfide sila ng love problems nila saken.. oh well akala nyo lang yon. lets just say na i've been there and i've learned my lessons.

it all started when i was in college.. uhm..2003? i had a very traumatic breakup.. basta hindi ko na ikukwento yung details ayoko na alalahanin.. kinokonsider ko sya na pinakamasakit kong breakup.. imagine i had nightmares for nine months.. yes literal na nightmare talaga yung tipong gigising ako na pinapainom na ko ng tubig ni lola..feeling ko talaga non as in sobrang talo ko.. as in.. non ko naranasan yung super down.. yung sagad sagaran. gusto ko sana ipakulam yung guy e pero hindi ko tinuloy.. kakatakot e.. hehe.. antagal non bago ko naka recover.. not because i still love him but becuase i was super hurt.. that moment sinabi ko sa sarili ko na hindi ko na ulit mararamdaman yon.. and yun.. hehe ang galing promise.. he tried to win me back pero hello! may tinatawag akong utak! (FYI, hanggang ngayon kinukulit pa rin nya ko.. kaya natutunan ko ang salitang "stealth" sa ym..) basta ayoko na sya makita.. ayoko na sya makausap..basta i just dont want any connections with him.. siguro kaya kong iforgive yung iba sya lang yung hinde.. hindi naman sa nagtatanim ako ng galit pero if you'll only know what happened and kung ano naging effect saken a year after that YOU'LL SURELY UNDERSTAND!!

don't get me wrong mga pare kong mahal.. i still love boys.. in fact nagkaron pa ko ng BF a year and a half after the break up.. si mr. 11 mos and 2 weeks hehehe! yun talaga yung pinaka comedy sa lahat.. nakakatawa talaga as in.. hindi naman sa hindi ko sya mahal,mahal ko sya oo naman.. mabilis lang talaga ako naka recover.. uhm.. mga overnight lang ba? uhm hindi rin, siguro mga 2 hours.. heheheh! walang stir mga chong.. bakit? dahil ayoko ng natatalo.. ayoko ng feeling na nagmumukhang tanga.. natuto na akong lagyan ng shield ang puso ko (ayun naman o.. shet!)

so ano ba gusto iparating ng mahaba kong post? ganito kase yan.. si mylabs kase antagal.. medyo malapit na akong mainip.. actually nag set na ko ng deadline para sa sarili ko.. pag dumating na yung deadline na yon and ganito pa rin kme, matitigil na ang lahat.. pinoprotektahan ko lang ang sarili ko (shet! mga hirit ko nakakadiri lang..) ayoko lang mafall then bandang huli wala lang pala.. naalala ko yung sabi ni kuya josh before.. "kung may plans talaga sayo yung guy he'll make it a point na malaman mo kahit na hindi maging kayo agad basta he'll make sure na secured ka..basta ganon.. hindi ko na maremember yung exact words last year pa nya sinabi yan.. hehehehe!
 

barbee Copyright © 2010 Designed by Ipietoon Blogger Template Sponsored by Online Shop Vector by Artshare