Tuesday, April 29, 2008

superman

Posted by Gaze at 6:09 PM
Tamang bigat lang ng araw ko kahapon..

narrator: kakadating ko lang sa opisina.. mga bandang 10.. (ehem hindi ako late..)
gaze: (action to..) tamang chumichill..
sysad: (action din ito..) nag pm kay mark.. at sinabing "chever chever.. migration eklat eklat.."
mark: (action din ito..) kinalabit si gaze at sinabing "may migration tayo ngayon di ba?"
gaze: wow! anong migration?
mark: fn
gaze: fn?! wow hindi ko alam yun.. ok..
narrator: sa madaling salita, naubos ang buong maghapon ko kaka debug at kakabantay ng site.. kapagod! may usapan kameng magkakaibigan. kelangan namen damayan ang isa pang kaibigan. pag dating ng hapon sumakay ako ng tren papuntang q ave. wow! ang dami lang tao! ang init! ang sikip! akalain mong nakita ko yung nepa q mart na karaniwang sa bandila ko lang napapanood? bumaba ako ng q ave, hinintay sina bruno (antagal lang..) at sumakay ng jip.. malayong malayo.. hindi ko na alam kung saang place na yon.. basta ang alam ko nun lang ako nakatuntong don.. dumating kme sa paroroonan namen.. pag bukas ko ng pinto.. TENTENENEN!

Thank you Lord! may nangyaring maganda sa araw ko.. haay..

oo.. alam ko na ang sasabihin mo! wag kang mag reak.. wala kang pakelam.. kumuha ka din ng mga pictures kung gusto mo!

shocks.. likod pa lang ulam na! pahingi ngang kanin!

aileen: tabihan mo na kase
gaze: ayoko nga hindi ko kaya.. nangangatog ang tuhod ko..

lol! bakit hinde? hay budj.. ikaw talaga ang superman ng buhay ko.. tamang pampagising sa nakakaantok na araw, pampangiti sa buraot kong araw sa opisina at pampadagundong sa dibdib kong matagal nang hindi tumitibok.. tayo na kase e.. now na!

Tuesday, April 08, 2008

F U R B!!!!!

Posted by Gaze at 4:37 PM
ansakit mo lang sa mata! nakakairita ka lang! wooooohhhhhhhhhh! sasabog ang buong ortigas sa init ng ulo ko ngayon!

eto lang..

--> I DON'T LIKE YOU EITHER!

etong sayo!

FURB! 100 times!

Tuesday, April 01, 2008

ang buhay ay parang videoke lang

Posted by Gaze at 8:14 PM
wow! bagong skin! maiba lang.. hehe! matagal tagal din na hindi ako nagkukwento sa blog kong ito.. madaming nangyare saken ngayong feb and march.. sa career, sa family, sa friends at sa lovelife (wow! may lovelife pa palang nagaganap!).. marami akong natutunan and isa lang ang narealize ko.. MATANDA NA NGA PALA TALAGA AKO! eto ang mga updates ko sa buhay ko ngayon..

CAREER:
--> hmm.. wala naman akong masasabe jan ngayon.. may mga plano ko pero hindi ko pwedeng sabihen.. hehe
--> sa project ko - ok naman.. happy naman ako sa kinakalabasan.. sometimes inaadmit ko na medyo napapabayaan ko sya (may pinoproblema kase ako.. sori naman.. minsan nadadamay ang trabaho..) pero maayos naman ang takbo nya sa kabuoan. maraming salamat sa butihin kong team leader naisasa ayos ang lahat.. (wow! sana nababasa mo to chrissy! ahahaha increase increase!)
--> FemaleNetwork.com --> shet wala akong masabe.. ito talaga ang nakakapag papagod saken.. pero ok lang.. baby ko to e.. hindi ko masyadong nararamdaman yung pagod dahil gusto ko yung ginagawa ko (yahoo! 80 pogi points for dora!)

FAMILY:
--> nagtapos na din sa wakas ang kapatid ko.. ngayon alam kong nakakahinga na ng maluwag ang parents ko dahil nakapatapos na kaming lahat.
--> kahit anong mangyare alam kong mahal nila ako at kahit kelan hinding hindi nila ko papabayaan..

FLASH REPORT!
kakatext pa lang saken ni daddy. naideposit na daw nya ang kanyang sustento. yahoo!!!!!!!!!!

FRIENDS:
--> ikakasal na ang pinaka mamahal kong kaibigan.. sa wakas matitikman mo na ang tinatawag nateng ...! natatandaan ko isa yan sa mga topic naten nung college.. na dapat iinform naten ang isa't isa kung ano bang feeling.. hehe! i'm glad at malapit mo nang maranasan yan.. ehehe
--> namimiss ko na kayo mga chong..
--> nag instant tagaytay din kame.. (biglaan lang dahil wala kameng makitang u-turn sa podium..)



--> pumunta nga pala kme nina gen at madam sa bataan.. sarap!!







LOVE LIFE:
--> hmm.. wala dedma lang.. madami akong iniisip ngayon wag kang magpakalat kalat jan.

ANG AKING MGA NATUTUNAN:
(sori naman mabilisan lang ako ngayon mag blog.. wala nang masyadong effort di gaya ng dati.. uber busy lang ako sa maraming bagay..)

adult na pala talaga ako. hindi na ko pwedeng chumill na lang ng chumill parati dahil iba na ngayon --> adult na ko.. iba na ang takbo ng buhay ngayon.. hindi na FN ang nakakapag paiyak saken, ibang bagay na.. ang buhay ay parang videoke lang.. ang points ay hindi nakukuha sa ganda ng boses. nasa lakas ng boses at timing lang yan. parang sa totoong buhay, diskarte at lakasan lang ng loob yan. at ang napatunayan ko ngayon sa yugtong ito ng aking buhay, marami pala talaga akong tunay na kaibigan.. :)

ay eto! lumo-LOL ako pag napapanood ko to.. haha!

PS: walang halong epekto ng alkohol yan.. tamang trip lang..

 

barbee Copyright © 2010 Designed by Ipietoon Blogger Template Sponsored by Online Shop Vector by Artshare