Tuesday, December 30, 2008

2008 kamusta ka naman?

Posted by Gaze at 5:35 PM
bago ang lahat, ang haba ng bakasyon ko! ngayon lang ulit ako nakapag bakasyon ng ganitong kahaba! anyway, kamusta naman ang 2008 ko? hmmm..

career: hmm.. yun lang.. heheh! deh.. ok nga ang takbo ng mga bagay bagay.. bkt?
1. fn - sa wakas.. wala lang.. sobrang proud talaga ko sa site na yan.. lab na lab ko yan e.. kahit ngayon na hindi na ko konek, nirereport ko agad ang mga bugs na nakikita ko. balde baldeng luha na din ang naibuhos ko jan.. sa wakas at maganda naman ang takbo nya ngayon (sana..)
2. nakalipat na din ako ng work (at lilipat na naman ako hehe). higher position, higher salary.. yay!

target (2009):
sana tumagal na ko sa company at hindi ko na naman maisipang mag resign.. haha! namimiss ko nang magkaron ng buong 13 month pay e.. haha

family: madalas na ko nagu-goodjob nina daddy ngayon madalas na kase akong umuuwi.. oh well kase mas marami akong time after ko mag summit and mas marami rin akong pera so mas marami din akong gifts sa kanila..

target (2009): spend more time with them and try to be closer with my mom..

friends: sakto lang.. naidaos naman ng maayos ang bridal shower ni she.. namiss ko sila this year kase hindi ganon kadalas ang pag chill at pag bobonding dahil sa sched..

target (2009): wedding nina she and arman at mag enjoy at mag maganda sa bora! yahoooo!

love: at least medyo tangible naman ang love life ko this year.. salamat naman at hindi chimoi si ef hindi katulad ni ex-mylabs..

target (2009): kumarir ng bigtime! haha

my wish to my friends:
she and arman - humayo kayo at magparami.. goodjob! arman, galingan mo! haha
gen - hmm sana this year.. alam mo na.. kase magkaron kna para magkaron na din ako! haha
aiza - sana makamtan mo na ang matagal mo nang hinihintay.. keep on praying.. i'm praying with you..

***********HINDI KUMPLETO ANG 2008 KO KUNG WALA KA ********************





dude, you're such a friend.. wag kang mag alala, magkakasama tayo ulit! love you more!

Tuesday, December 23, 2008

miss you na mahal..

Posted by Gaze at 5:16 PM
sori na matagal akong hindi nag blog.. matagal kase akong bitter e..
ngayon lang ako nagkaron ng strength na mag kwento ulet..

may naganap na "bump into each other" kagabi.. hay thank you Lord! hindi
pala masyadong malungkot ang disyembre ko! haaaay.. napagod na ang mukha
ko kaka ngite pero shet i can't help it!

ef: chuva chuva.. kwento kwento..
gaze: "ef" pasayahin mo naman ang pasko ko!
ef: lika lika.. (sabay taas ng kamay para akbayan ako) hug hug hug..
(akbay)

nag-momoment kame kagabi habang nag aabang ng taxi.. nakatayo kme sa harap
ng w grill dun sa may poste.. hmm siguro mga 15 cm lang ang pagitan namen
sa isa't isa.. walang humpay na landian and body contact.. yun! body
contact! haha! kase tinutusok ko ang dede nya habang fume-flex sya nang
biglang pag angat ng mukha ko sa kanya.. tentenenen! nakatingin pala sya
saken! shet may tinginan naganap! siguro may mga 6 seconds yun.. tapos
bigla sya lumayo at napailing.. parang movie lang.. haay.. i can still
remember his face.. i can still remember his smile.. hay.. ngayon lang
ulit ako kinilig ng ganito..

ef: dito lang ako magpapasko wala naman kme probinsya
gaze: a talaga..
ef: dito lang magmumukmok.. malungkot kase ako pag pasko
gaze: aaw.. hug hug hug
ef: (smile) then hug..

finally! matagal kong pinangarap ang mayakap ka.. masarap pala.. baon ko
ang mga ala alang yan sa mahaba kong bakasyon sa probinsya.. miss you na
mahal!

Tuesday, November 25, 2008

ano? go?

Posted by Gaze at 12:39 PM
"nyak wag kna mag selos ikaw lang naman gazelle sa buhay ko" -- ef
ay kasarap naman basahin nito! hay.. sa dami ng hearts na nakapaligid saken ang heart mo ang gustong gusto kong makuha! bakit nga ba gustong gusto kita? siguro kase sabi ni chamie bagay tayo.. yihee! (yun! niloko ang sarili) but seriousely i really like you.. ikaw ang pumupuyat saken sa gabi.. ikaw ang source ng kalandian ko ngayon.. ikaw ang inaabangan kong mag online sa ym.. ikaw ang nagpapangiti sa malungkot kong araw at pag kasama kita, parang pelikulang slow motion ang paligid ko.

ilang beses akong puma-pout pag nanjan ka.. automatic e hindi ko mapigilan.. para akong hayskul na simpleng nagba-blush at kinikilig pag papalapit kna. hindi ko alam ang sasabihin ko pag nanjan kna sa harap ko ang gusto ko lang gawin is i-database lahat ng encounters naten para mabilis kong ma-select pag gusto ko nang alalahanin.

"sinu inantay mo?? andi2 nman ako" -- ef
ampanget mo lang mag type! haha! ilang beses nahulog ang panty ko last friday dahil sayo! kiber kung joke joke to or seryoso! ang mahalaga nag eenjoy ako and i'm having a great time!

"hehehe pauwe napo ako mmyang 3am.! hehe il be hitting manila na soon!!" -- ef
kung alam mo lang kung gano ko inabangan ang araw ng pagbabalik mo. sana pag punta mo ng manila e pumunta kna rin saken. tara na! totohanin na natin to!


MixwitMixwit make a mixtapeMixwit mixtapes


Wednesday, November 19, 2008

wer na u?

Posted by Gaze at 4:20 PM
nagbabasa ako ng archive ko sa ym ngayon.. napatigil ako at natawa sa isang maiksing conversation namen ni "ef"..

******************
"ef": my labs
"ef": :b
gaze: yes mylabs
gaze: wer na u?
"ef": d2 pa me
******************

huu! jan ba talaga u? hindi naman! hindi ko naman ramdam.. (ok emo alert! emo alert!) bakit ba kase hindi ka pinalaking sensitive ng nanay mo? whew!

magkasama kme nung friday.. eto ang nangyare..

******************************
"ef": gaze, bakit ka umiiyak?
gaze: hindi ako umiiyak.. masakit lang puso ko.. pagalingin mo dali..
"ef": naku magaling ako jan
gaze: huu hindi rin!
narrator: pagdating sa labas ng kapihan..
"ef": gawin mo to..(yung umiikot habang tumatalon..)
gaze: ayoko madadapa ako
"ef": wag ka mag alala sasaluhin naman kita..
"ef": bakit ka pa kase sumisiksik don e nandito naman ako para saluhin ka..
gaze: hindi na ko naniniwala sa mga ganyan.. hindi totoo yan..
narrator: end of discussion.. lol!
******************************

ang galing mo sa mga ganyan.. sana kayang mong gawin yung mga sinasabi mo.. hay.. kung alam mo lang.. ikaw ang sinisigaw ng heart ko.. lol! ahahhaa! dali na kase.. magsabi ka lang.. hindi ako mahirap kausap.. bakit hindi naten itry? yun! pwede naman yon.. pag hindi nag work e di hinde.. kung nag work e di good.. e di masaya..

i-let go mo na kase si ex! sasakalin na kita e.. miss you! mwah mwah!

Friday, November 14, 2008

hay..

Posted by Gaze at 2:30 PM
hay.. ansakit ng puso ko!


Mad - Ne-Yo



"sana ako na lang.. ako na lang ulet.."

Monday, November 10, 2008

basta kalbo gago!

Posted by Gaze at 6:45 PM
lol! katext ko si daddy kahapon.. eto ang naging thread..

dad: anak, nasan kna? bakit hindi ka nagtetext?
gaze: dito na sa bahay.. nagtext ako kay mommy kanina mga 6. sakit ng ulo ko! may bukol! (oo tatanga tanga na naman ako.. nadulas ako sa cr..)
dad: ang tanga tanga mo kase. sana dika umalis may bumibisita kay yayie ngayon! nakakainis panot din cya!
gaze: a talaga? nanliligaw?
dad: oo anak bakit ba puro panot ang nagkakagusto sa inyo? kadiri!
gaze: o e ok naman ba?
dad: me istsura naman kaya lang kalbo na naman! pero naka pajero naman
gaze: o e hayaan mo na.. about time na din naman..
dad: kakainis puro nalang kalbo! bwiset!
gaze: yung angst mo naka abot hanggang makati.. ano, balita? may trabaho? anong natapos?
dad: di ako interesado
gaze: huuu! nagseselos ka lang e. nasan sila? san ka ngayon?
dad: nasa sala cla
gaze: mag isa lang nagpunta jan? binati mo ba? nginitian mo sana..
dad: sinamahan ng ate ethel mo. binati ko naman im polite and educated naman.
gaze: yun! pumo-polite! damang dama ko ang angst mo hanggang dito
dad: di naman ako affected inis lang ako sa kalbo
gaze: huuu! aminin na kase.. nagseselos ka lang
dad: naku hindi naiinis lang ako sa kalbo ano!
gaze: bakit ba ang laki ng galit mo sa mga kalbo?
dad: DAHIL KALBO ANG NAGPAIYAK SAYO
gaze: aaawww... eto naman.. hayaan mo na.. magkaiba naman sila.. malay mo ok sya..
dad: BASTA KALBO GAGO!

***
aaww.. natach talaga ko.. now i understand kung bakit ka naghihigpit saken.. many thanks sa nonstop mong love at sa pagpapalit ng nasira kong bowl sa banyo.. hehe!

ikaw pa rin ang number 1 man sa buhay ko..

Tuesday, November 04, 2008

read receipt

Posted by Gaze at 5:53 PM
nagkaron ako ng phenomenal response from God regarding my email. yun lang ang binigay saken ni God is multiple choice.. siguro sabi ni God, "gaze, just choose the correct answer from the choices below: (yun naman.. feelingera lang.. gusto ko lang iblog..)"

a. MR SSH - matagal na akong chinechever ni MR SSH, magaling sya sa linux(a plus factor) and mahilig din sya sa web stuffs. parehas kme ng interes at nag "may i go out" na kme once and ok naman sya.. yun lang may sabit..

b. MR. MASUGID - define masugid and that is him! OA mag text, OA mag chat, OA din tumawag.. talagang maka-Dyos si MR. MASUGID.. hindi ko na kinakaya ang pagka banal nya.. Minsan na nya akong binasahan ng bible verse and talagang nakirinig ako ng busy tone sa tenga ko.. nag "may i go out" na din kme ni MR. MASUGID pero maaga akong napagod.. humihingi ng second chance si MR. MASUGID pero pinag iisipan ko pa kung gusto ko ulit mag "may i go out" kasama sya.

c. MR. PAST EMPLOYEE - ok naman sya para saken. maalaga at alam mong ginagalang ka. may humor din syang tinatawag kahit na hindi nya sinasadya dahil talagang nakakatawa ang mga hirit nya. siguro kung mabibigyan ng chance, magiging ok na this time kase wala nang bisayang eepal sa paligid (yun! bitterness!) dapat nag "may i go out" kme last friday kaya lang na-stuck ako sa trabaho.. kaya yun.. next time..

d. MR. EF - yun lang.. si MR. EF period. end of share. hindi ko nga alam kung kasama sya sa choices e pinipilit ko lang isama.


dear God,
i really like MR. EF. pwede bang sya na? pwede bang isend mo na sya saken? hindi naman ako madalas humingi ng specific person sa inyo.. ngayon na lang ulit.. pramis i'll be nicer to him next time. sabi kase ni chamie lagi ko daw sya tinatabla.. pano, hindi kase ako marunong.. can you teach me kung pano ko sya i-handle? can you whisper my name to MR. EF? can you tell him na kaya kong pawiin ang kalungkutan nya?(kelangan ko lang ng praktis)

i really want to taste my new coffee.. but i'm still waiting for the perfect sugar to sweeten it.. and i want it to come from him..

shocks, am i getting there? hindi pa naman.. mga 2 months pa siguro.. lol

barbee^

Thursday, October 23, 2008

my christmas wishlist..

Posted by Gaze at 9:15 PM
last christmas ang winish ko kay God is world peace and maraming maraming headband.. this year, eto ang christmas wishlist ko..

1. world peace and true love.. lol! bakit hinde? baka tuparin na to ni God! kase last christmas ang binigay ni God e yung maraming headband.. andami lang talaga! e oo nga naman siguro sabi ni God, nangangarap naman ako masyado kung ibibigay na yung world peace di ba?

btw may bago akong crush

dear God,
hindi naman po sya yung hinihingi ko sa inyo.. alam nyo po kung sino.. hahahaha! gusto ko po yung nagsstart sa "ef" ang pangalan.. ni-post ko lang po sya kase nakukyutan ako ng bigtime sa knya..

2. world peace and continued friendship with my programmer friends..

tayo ang 3 angels ni mark (ayun sige na nga maisingit lang..) kayo ang kinoconsider kong favorite kong colleague sa totoong buhay. siguro kase we shared the same sentiments while we were in hell.. joke! haha! hinde.. kase ewan.. we are 3 people with different personalities pero nagki-click tayo. ewan ko.. or sinasakyan nyo lang ako? chika lang! love you girls! salamat sa pagtanggap sa kaartehan ko at sa pag titiis sa hobby kong pagba-brat attack. hinding hindi ko kayo makakalimutan..

dear God,
isa pang happy hour.. sige na.. namimiss ko na yun e.. matagal ko nang hindi nagagawa yun.. sige na nga po isama nyo na si mark! hindi po kase kumpleto pag wala yung favorite kong balahurain..(apir! kaw pa rin ang da best supervisor for me!)

teka teka.. maishare ko lang.. lol ito.. naganap sa ym habang nagbblog ako..
dora: denis
dora: may question ako
dora: anong spelling ng colleague?
dora: tama ba yan?
BUZZ!!!
BUZZ!!!
Denis: Colleague
dora: yan
dora: thanks
Denis: Yap
dora: miss you
Denis: Surely

**lol!**

3. world peace and friday nights with my girlfriends..

ambabata pa namin dito.. hehe


dear God,
i really miss them.. sana.. there will be a friday night na magkaka pare parehas kme ulit ng schedule. sana there will be a time na magkakasama sama kme ulit lahat. i miss she, i miss madam, i miss banker, i miss mich and i miss aileen (hmm bru wag kang magtampo.. araw araw tayo nagkikita haha! labyu!)..

sana kahit one time lang.. mabalik naten ang tinawag nateng ritwal na komperens pag alas dos ng hapon. isa yan sa bumuhay sa nakakapagod kong araw sa dati kong work.. nakakamiss yung mga times na sumasakit ang chan ko kakapigil ng malakas kong tawa. yung pakikipag away naten sa guy guests naten sa chat.. yung mga hindi natatapos na workload dahil mas inuuna pa naten yung komperens sa ym..

sana magawa ulit naten yung friday night shot naten. sobrang namiss ko na tong gawin kasama kayong lahat.. sana dumating yung time na magkakasama sama ulit tayong lahat na walang nagmamadaling umuwi or pumasok sa trabaho sa isa sa atin. namimiss ko na ang maraming buckets of redhorse sa w.. ang pag suka ni madam at ang pag aalaga ni mich sa knya.. namimiss ko nang sikatan ng araw sa 6750 kasama kayo.. masakit mang tanggapin, alam kong may kanya kanyang buhay na tayong lahat at lahat tayo ay busy.. sana makagawa tayo ng paraan kahit one time lang.. yung wala tayong iisiping iba kundi mag enjoy lang at magpasahan lang ng baso hangga't mag suka ulit si madam. im on my happiest when im with you guys that's why kahit may sakit ako dinadamayan ko kayo sa pag kampay nyo. i miss you and sana maulit ulit ang mga times na yon.

dear God,
hindi naman po masyadong marami yung wish ko.. masyado lang po akong mapag mahal kaya ganon.. isa pa pong wish.. good health sa mommy and daddy ko.. sana po mabili na ni dad yung gusto nyang car.. hehe! yun lang.. hindi naman po ako masyadong selfish.. iniisip ko ang lahat ng tao sa buhay ko this christmas..

love you all!
barbs^

Wednesday, October 08, 2008

exam

Posted by Gaze at 10:28 PM
dear God,
sana hindi alam ni boss ang blog url ko.. please please.. gusto ko lang talaga ikwento to..

there was one time nag exam ako.. napapa lol ako habang sumasagot sa mga tanong nila. fill in the blanks ang tipo ng personality test nila. sabi ng examiner first thing that pops into your head daw.. so yun naging honest ako.. yung una talagang nag pop sa isip ko ang sinulat ko.. napapa-lol ako habang nagsasagot ng exam.. eto yung ilan sa mga natatandaan kong questions..

1. my real ambition is - to become a housewife. kidding!
2. people find me - sweet! :)
3. most women - tend to fall in love with their ears
4. at the event of - finishing my exam, i will take my lunch
5. in every office - there is an employee
6. most documentations are - done by the technical writers
7. if i have a million pesos - i would buy love.. (if i can)
8. the best supervisor for me is - MARK RENN CALUAG (pramis yan ang sinulat ko.. gusto ko nga sana pikturan e kaya lang baka mahuli ako. pramis mabaog..)
9. i have - a crush on my friend's friend
10. the worst thing is - falling and having a broken bone..
11. the best things in life - are free.

hmm sori na friends.. hindi ko masyadong karir ang post ko ngayon gusto ko lang ikwento ang naganap na yan.. kausap ko si boss kanina.. may pinapatapos.. hmm.. more meaningful posts next time i promise..

Tuesday, September 23, 2008

i

Posted by Gaze at 10:43 AM
ok sori na blogspot matagal akong hindi nag post. sa totoo lang ngayon lang ako nagkaron ng time para mag isip ng iba-blog. sa totoong buhay lang kumakartwil ako para lang mapagkasya ang lahat ng gusto kong gawin para lang mag swak sa schedule ko. i'm handling almost 5 projects at the same time so tell me about being busy and i'll tell you that is me! haha!

aside from the overflowing workload, there are other things that's running in my mind and i enjoy doing alone. (ok sabi ko nga parang loner lang..)
1. i love going to church and attending mass alone. ewan ko, mas gusto kong mag simba mag isa kesa mag simba with my fam or with my friends. im not the type who goes to church every week so siguro that's the reason why i want to attend mass alone --> to have a quality time with God.
2. my idea of a perfect weekend is to spend my "me time" in my pad watching feel good movies.
3. i enjoy walking my way home every afternoon. (ok exaj.. hanggang landmark lang.) i don't mind walking alone, actually i like it. it feels good roaming around makati with a perfect track playing on your i-pod.
4. i want to and i plan to go to a strange place, spending my precious 2-week vacation "alone" (na naman). wala lang, i just think it will be a great idea to go to a place where nobody knows you. this will be perfect for some soul searching! (naks!) hmm san kaya makapunta? sa isang country sa london! why not? haha sige libre naman mangarap..

hay, puro na lang "i"! puro na lang "me"! kelan kaya magiging "us"? kelan kaya magiging "we"? siguro sabi ni God, masyado daw akong independent lately kaya hindi pa nya pinapadala ang "yummy prince" ko. ok lang siguro, i can wait pa naman. i know and i believe that in God's perfect time, there will be someone waiting for me on the other side of the walkway with a "perfect smile" on his face, offering his hand to walk with me on my way home.. :)

Thursday, August 28, 2008

follow up

Posted by Gaze at 12:30 PM
isa sa mga paborito kong gawin pag pagod ako ay ang basahin ang blog archive ko. ewan ko.. nakaka-relax sya para saken. siguro natatawa ako sa mga katangahang sinusulat ko sa nakaraan at sa kasalukuyan. napapa-LOL ako minsan, minsan naman napapa aaawww nman ako.

as i was reading my posts, nagulat ako and ngayon ko lang na-realize na halos kalahating taon ko pala bina-blog yung hinayupak kong ex-mylabs! pakinangshet! ganon ko pala sya kagusto dati? i wonder why.. ano bang nagustuhan ko sa anak ng demonyo na yon? ngayon, naku! gustong gusto kong floor wax-an ang mukha nya para naman madagdagan ng shine ang cheeks nya sa pagka epal nya sa buhay ko..

(ok ok! enough of the bad ex-mylabs topic..)

so ayun nga.. nagbbrowse ako ng blog ko then natigilan ako dito sa post na to. shocks! onga no nag pray nga pala ko dati.. hanggang ngayon wala pa akong narereceive.. ni text or ym or email kay God wala! He seems to forgot my email address! shocks! kelangan kong mag follow up! kelangan ko na kulitin si God!

dear God,

pa-follow up naman po nung order kong yummy boyfriend.. please.. i can't wait dear God.. my life is almost perfect na, sya na lang po ang kulang. pa remind naman po si mr kupido para saken baka po kase nag-oover break na naman sya at nakakalimutan nya gawin yung assignment nya.. kung nakalimutan nyo na po yung email ko, comment na lang po kayo dito or itext ko na lang po sa inyo. i'll be more than willing to reply. thank you and i love you so much!

barbee^

Wednesday, August 20, 2008

me and my big hips! lech!

Posted by Gaze at 12:58 PM
dear God,

sana po paliitin nyo na yung big hips ko sige na po birthday gift nyo na saken.. i'm so depressed.. hindi ko nabili yung dress na gusto ko dahil sa big hips ko.. :( bakit ganon? life is so unfair! why do dresses like that comes in free sizes! wow! e pano na lang yung physically challenged women that has big hips like me?

i really want that dress..

Friday, August 15, 2008

good night taba!

Posted by Gaze at 12:21 PM
after having the latest 48-hour shitty time of my life, this one really made my heart melt. last night pagdating ko sa bahay, i texted daddy.

gaze: dito na po ako sa bahay (template yan..)
dad: bakit late kna anak?
gaze: may ni-rush pa po kase akong work.
dad: ok. kumain kna? may food kna ba? bumili ka na ba ng food mo?
gaze: kakain pa lang. yup may food na ko kakabili lang.
dad: ok. kain na!

hindi na ko nagreply.. hehe nood ako sex and the city.. nagtext na naman si daddy.

dad: anak gigisingin ka ba bukas? what time?
gaze: yup 6. gisingin nyo ko ng 6.. (i wonder.. 6 ako nagpapagising everyday.. bkt 10 pa rin ako nakakapasok? hahahaha)
dad: ok.. magpahinga kna.
gaze: oker. good night! love you!
dad: gudnite taba! love you!

aaaw.. after reading the last text napasmile ako.. alam ko mababaw pero natuwa ako. then i realized.. this is the first time that i felt good since wednesday!

dear God,
you really know how to balance things for me. thank you for giving me wonderful parents. they always love me unconditionally. sa kanila walang network timeout na nagaganap. they are always there for me kahit na madalas akong mag brat attack. parati silang naka 777 sa lahat ng kelangan ko. and kahit na hindi kme magkasama alam kong anjan sila, isang server na nakaopen 24/7 para saken. sila ang ssh ng buhay ko.

love you mom! love you dad!

-- taba

Saturday, August 09, 2008

goodmorning handsome!

Posted by Gaze at 12:11 AM
friends, meet my nililigawan:

nagsimula ang lahat ng ito sa paloko lokong chat lang.. hmm can't say if i like him.. all i know is that masarap sya kausap and gusto ko sya i-goodmorning everyday.

J.Y. : http://eddtong.tripod.com/
gaze: ano yan?
J.Y.: ano yan gallery ng mga boylets
gaze: hahahhahaa
gaze: san mo nakuha yan?
J.Y.: ewan sinend lng sakin
J.Y.: kya sinend ko syo
J.Y.: alam ko kc mahilig ka sa boylets hehehe
gaze: hahahaha
gaze: adik
gaze: dapat anjan ka para matuwa namna ako
J.Y.: hehehe anjan naman c sony
gaze: hahahahaha
gaze: hinde.. gusto ko si zaldy
gaze: hahaha
J.Y: hahaha tlgang naghanap ka pa e noh hehehe
gaze: hahahahaa
gaze: ikaw e
gaze: dapat nag send kna lang saken ng malaking picture mo para mas masaya
J.Y: hhehehe yan n lng baby pic ko hehe
J.Y: asan k n ngyon
J.Y: kala ko tutuloy ka d2
J.Y: so san k n ngyon
gaze: dito sa makati
gaze: ibang company

** dec 2006 ko nakilala si JY. bago pa lang ako sa trabaho nang nagulat na lang ako may isang doding dagang nag pop sa skype ko.. he seems friendly and when i asked him who he is, sabi nya "lingon ka sa likod mo.." pag lingon ko.. shet! ang cute nya lang.. **

gaze: si carlo madalas ko nakakachat e
J.Y: ahhhh
J.Y: astig
J.Y: officially dating n b kau hehee
gaze: hahahaha
gaze: tayo officially dating na
gaze: hahahahaha
J.Y: haha
J.Y: sa greenbelt un
J.Y: c carlo
gaze: yan kna naman e
gaze: tinatawanan mo na naman ako
gaze: ano ba yan ang hirap mo naman ligawan!
gaze: hahaha
J.Y: hehe langya 2, u are still your daddy's princess
gaze: onga
gaze: pero hindi naman bawal manligaw di ba?
gaze: dali ligawan na kita go!
gaze: hindi joke to
gaze: mag start na ko ligawan ka ngyaon tapos sagutin mo ko after 2 months
J.Y: hehhee, parang set-up ba yan
J.Y: hehehe
J.Y: 2 months
gaze: oo
gaze: hahahaha
gaze: ako naman manliligaw e wag ka mag alala
gaze: ako naman ang manliligaw ngayon.. maiba lang
gaze: ano go kna?

** ikaw kase e.. kung mabilis bilis lang ang mga pangyayare dati e di wala nang paul na naganap.. nagcecelebrate na sana tayo ng anniv ngayon.. oh well.. keri lang..**

gaze: tumaba ka
J.Y: oo nga e
J.Y: san mo nakita
gaze: sa multiply
J.Y: mascot n nga ako ng langgunisang hubad
gaze: hindi kna masyadong yummy
gaze: di ba mas gumanda ko ngayon?
gaze: para sayo yang pagpapaganda ko e
J.Y: oo nga mejo pumayat k nga ngyon
J.Y: nag jjogging ka ba
gaze: hinde.. hindi lang ako makatulog at maka kain kakaisip ayo
gaze: nag aaral na nga ako mag make up para matuwa ka naman
J.Y: hehe as if naman dati nde ka nakamakeup
J.Y: e halos punuin mo ng foundation ung mkha mo
gaze: wow hindi ako nagmmake up
gaze: natural yan
gaze: hahaha
gaze: ano ba mas gusto mo nagmemake up o hinde?
J.Y: cmpre ung nde
gaze: yay! kase hindi ako nagmemake up
gaze: wagka mag alala sweetie..
gaze: wow may pet name na tayo!
gaze: sweetie!
gaze: sweeeeeeeeeeeeeeeeeeeet!

** onga nanliligaw ako.. ano ngayon? haha! i have the guts! maiba lang! sayang ang pagka sweet ko kung hindi ko gagamitin sa magandang paraan. bakit hinde? **

gaze: sana by christmas sagutin mo na ko
J.Y: hahaha

-- haay sweetie.. sagutin mo na ko.. malinis naman ang intensyon ko sayo (yun naman!) bakit ba hindi mo sineseryoso ang offer ko? muka ba kong clown? masarap akong magmahal.. bakit hindi mo itry?


Tuesday, July 29, 2008

im bored

Posted by Gaze at 11:24 AM
shocks.. grabe na to! 2 days in a row! i've been talking with the same people and doing the same thing everyday.. wow! ilang araw pa at mababaog na ko.. nawawalan na din ako ng interes kay crush.. napagod na ako magpacute and magpaganda everday para sa knya.. tuluyan na atang nawala ang tinatawag natin magic (araw araw mo ba naman makita..)

my daily routine:
1. wake up at around 7:30
2. prepare to go to work
3. coffee with my kumpareng chamie
4. work
5. lunch
6. work
7. uwe
8. ipod/laptop
9. tulog

NAKAKABAOG!

namimiss ko na si yayie, namimiss ko na ang mga kaibigan ko, namimiss ko na ang shumat, namimiss ko na si mel at ang tumawa ng parang walang bukas!

dear God,

i want spice.. please..

Friday, July 25, 2008

can i just smile all day?

Posted by Gaze at 3:56 PM
thank you Lord! haaaaay.. ambango mo lang.. para ka lang baby..

Dear God,
sana totohanin nya na to.. sana sana sana!

Thursday, July 24, 2008

abso-fucking-lutely!

Posted by Gaze at 11:49 AM
you and your small dick! leche! araw araw na lang! onti na lang.. mauubos na ang tinatawag kong pasensya sayo! one time talaga pag hindi na ko nakapag pigil hihiritan talaga kita ng bigtime! where are your balls man? puro ka angas! puro ka salita! kelangan ko ng output dude! shet.. minsan try mo mag isip one time lang.. minsan try mong lagyan ng logic ang bloodstreams mo.. nakakapagod kna! napakayabang mo wala ka naman binatbat! naiirita talaga ko! nakakainit ka ng ulo!

boy: gaze may code ka sa anchor?
gaze: anchor?
boy: yung pag ni-click mo to dito lalabas.
gaze: a hindi kelangan ng code yun. href lang yun. link mo dun sa id ng container
boy: ok. hingi ako ng code para sa pagination.
gaze: ok eto lalagay ko dito pag aralan mo na lang. (inopen ko yung code nya.. para akong si mark, nakakairita pala talaga pag may nakikita kang mali sa markup.)
gaze: (in a nice way..) *name* pag hindi kelangan i-table wag kang magtetable. kaya tayo may css para sya yung mag ayos ng layout. tabular data lang ang dapat tinetable.
boy: ok..
gaze: saka eto.. pag mag lalagay ka ng attribute ienclose mo sa string. hindi proper yung ganyan
boy: bakit? hindi ba gumagana?
gaze: gumagana..
boy: o e gumagana naman pala e..
gaze: (iritado na..) oo nga gumagana nga pero bakit hindi mo ginagawa ng tama?

MY POINT OF VIEW:
pwede ba? wag kang humingi ng tulong kung ganyan ka! saka wag kang magalit pag sinisita kita. nasa posisyon akong gawin yon! leche! kung maka talkshit ka sa ibang tao kala mo si superman ka! natatawa na lang ako minsan pero sige hinahayaan na lang kita.. jan ka masaya e pero please! WAG MONG SIRAIN ANG ARAW KO!



-- grrrrrrrrrrrrrrr! --

Friday, July 04, 2008

small talks

Posted by Gaze at 10:07 AM
who would have thought na sa kadaldalan kong ito, maeenjoy ko ang tinatawag nating "small talk".. i like it when you call pag pag may nagaganap na something.. simpleng pag ngiti pag nakakasalubong kita.. ang pasimpleng pag sulyap pag alam kong anjan ka..

one morning you smiled at me (pero hindi ako nag smile in return.. sori na pano feeling ko ang gulo ng buhok ko e..) lumapit ka saken at ginanap mo ang tinatawag nating "small talk" shet.. i'm in heaven! ilang araw tayong magkasama pero i think the best part is the small talk itself!

Papa Jesus,

bigyan mo naman ako ulit ng another "small talk" with him.. please.. keep it short ayoko po kase ng mahabang usapan e.. hehe

Friday, June 27, 2008

dear God

Posted by Gaze at 9:34 AM
dear God,

sana pansinin ako ni crush today.. nakita ko sya kanina umaga pero hindi ko sya masyado tiningnan (onti lang)..


OMG he's so cute!

barbee^

Monday, June 02, 2008

insomnia

Posted by Gaze at 8:17 AM
sori naman sa uber late ang update ko.. this past month maraming nangyare sa buhay ko.. nag resign na ko sa summit (sa wakas! Praise the Lord!) at marami akong tasks na ginagawa.. nahirapan din akong imanage ang time ko last month.. pero ngayon may oras na ko.. ehehehe! umasa kayo ng madalas na pag uupdate ng aking blog!

iba sanang topic ang ipopost ko ngayon kaya lang may nangyare saken kaninang umaga kaya naisip ko kelangan kong ipost ito..

eto na,

hindi ako nakatulog magdamag.. literal na wala talaga akong tulog kahit mga 3 mins lang hindi ako nakahugot ng tulog.. siguro dahil sa hindi pa kase ako sanay sa bago kong schedule.. shet napatunayan kong pwede pala akong mag night shift dahil kaya ko palang gumising magdamag.. anyway.. eto na..

narrator: struggle talaga sa akin ang matulog gabi gabi kaya naman parati akong late sa summit.. ilang oras na akong nakahiga pero ganon pa rin.. pilit na bumubukas ang aking mga mata.. naisipan kong mag text ng mga tao.. hehe para naman hindi ako mainip..

mga katext at tinetext ko kaninang umaga:
* chamie (sunday afternoon pa lang katext ko na sya.. secret kung anong sinabi ko sa knya.. hehe)

* alex rivera : forwarded a mushy quote
(i replied..)
* gaze: gising ka pa? ako rin! hehe!
* alex: kakagising ko lang.. paluwas ako ngayon.. magkikita ba tayo mamaya?
* gaze: text kita chong kung ngayon or bukas.. parang hindi ko kase kaya na pumunta mamaya ng shang. hindi pa ako nakakatulog..

--- send to many (mark, rodjay and puset ni madam) ---
* gaze: sir gisingin mo ko bukas pagkagising mo.. dali na.. dilat na dilat pa rin ako ngyn e bka hindi ako magising ng maaga bukas.. goodjob in advance! hehe

2nd text
* gaze (to puset ni madam): shetness! hindi pa rin ako nakakatulog! gising kna dali tapos pasok tyo ng maaga..
* gaze (to puset ni madam): wow ang hirap mo naman gisingin! gising na dali mamayang gabi na lang ako matutulog.. maliligo nko para maaga sa first day high..

--- kung sino sino pang ibang tao ang tinext ko.. (chamie and iba't iba pa)---

narrator: umabot na ang 5:41 ng umaga.. napagod na ako sa kaka try na matulog.. kahit anong concentration ang gawin ko hindi tlga ako makahugot ng tulog nakatingin lang ako sa kisame ng aking kwarto then i gave up! ok fine! kung ayaw ng mga mata kong matulog e di gigising na lang ako! naisipan kong magtawag ng mga tao.. hehe (concerned lang.. dahil bawal ang late pag monday!)

--- first attempt (puset ni madam) ---
hala may sumagot na babae shempre bad vibes! shet patay ako.. ehehehe!

narrator: ginising ko si gen at si madam sa sobrang gulat ko.. alam ko kaseng nang aaway ang babaeng yon.. ilan na din yung mga inaway nya sa mga kaibigan kong babae..

* girlie: what do you need? do i need to wake puset ni madam up? im his wife!
(huwaaw! as expected.. magtetext sya ng ganyan..)
* gaze: oh.. sorry to wake you up.. i didnt mean to bother u. nagbabakasakali lang na magising ko si puset ni madam para makapasok kame ng maaga..
* girlie: does he care if you cannot sleep?
(oo nga naman..)
* gaze: chill! nagpapagising lang.. easy!
* girlie: bkit alarm clock ba za ha!
(ewness! ang panget mo lang magtext..)
* gaze: ok sori na my fault..

sa aking palagay lamang......

oo na.. alam ko na yung sinasabi nilang "kung ayaw mong matulog, magpatulog ka!" pero kase.. hehehe kung kayo rin naman ang nasa sitwasyon ko, magtetext din kayo sa mga tao.. ehehehe ang hirap lang yung ilang oras kang walang ginagawa..

hmmm bakit ba sila yung mga taong tinext ko?

kase.. yung iba katext ko na ng maaga pa.. yung iba naman nagtetext talaga saken ng mga ganong oras so alam kong gising pa sila.. nagpagising naman ako sa mga taong inutusan kong gisingin ako dahil sa..

kay mark --> 2 taon kong katabi si mark.. alam kong tuwing monday lang yan maaga kaya alam kong gigising sya ng maaga..

kay rodjay --> hay ewan ko ba! parang 24 hrs yang gising.. 24/7 kung mag text sa akin e!

kay puset ni madam --> hay eto girlie.. kung hindi mo nalalaman, araw araw akong ginigising ng boypren mo sa kadahilanang alam nyang tanghali akong gumising.. (ganon lang..)

para kay girlie..
kaano ano mo ba si onyok velasco? ang warfreak mo lang! sori na.. wala naman akong intensyon pramis.. saka kung nagseselos ka, sasabihin ko lang sayo na "HINDI KO TYPE YANG BOYPREN MO! AT HINDI KAME TALO!"

at para kay puset ni madam..
sori na.. hindi ko naman alam na jan natutulog ang mommy mo! ehehehe! sensya na talaga.. wala akong intensyon pramis..

yun lang..

"let there be peace on earth!"

Tuesday, April 29, 2008

superman

Posted by Gaze at 6:09 PM
Tamang bigat lang ng araw ko kahapon..

narrator: kakadating ko lang sa opisina.. mga bandang 10.. (ehem hindi ako late..)
gaze: (action to..) tamang chumichill..
sysad: (action din ito..) nag pm kay mark.. at sinabing "chever chever.. migration eklat eklat.."
mark: (action din ito..) kinalabit si gaze at sinabing "may migration tayo ngayon di ba?"
gaze: wow! anong migration?
mark: fn
gaze: fn?! wow hindi ko alam yun.. ok..
narrator: sa madaling salita, naubos ang buong maghapon ko kaka debug at kakabantay ng site.. kapagod! may usapan kameng magkakaibigan. kelangan namen damayan ang isa pang kaibigan. pag dating ng hapon sumakay ako ng tren papuntang q ave. wow! ang dami lang tao! ang init! ang sikip! akalain mong nakita ko yung nepa q mart na karaniwang sa bandila ko lang napapanood? bumaba ako ng q ave, hinintay sina bruno (antagal lang..) at sumakay ng jip.. malayong malayo.. hindi ko na alam kung saang place na yon.. basta ang alam ko nun lang ako nakatuntong don.. dumating kme sa paroroonan namen.. pag bukas ko ng pinto.. TENTENENEN!

Thank you Lord! may nangyaring maganda sa araw ko.. haay..

oo.. alam ko na ang sasabihin mo! wag kang mag reak.. wala kang pakelam.. kumuha ka din ng mga pictures kung gusto mo!

shocks.. likod pa lang ulam na! pahingi ngang kanin!

aileen: tabihan mo na kase
gaze: ayoko nga hindi ko kaya.. nangangatog ang tuhod ko..

lol! bakit hinde? hay budj.. ikaw talaga ang superman ng buhay ko.. tamang pampagising sa nakakaantok na araw, pampangiti sa buraot kong araw sa opisina at pampadagundong sa dibdib kong matagal nang hindi tumitibok.. tayo na kase e.. now na!

Tuesday, April 08, 2008

F U R B!!!!!

Posted by Gaze at 4:37 PM
ansakit mo lang sa mata! nakakairita ka lang! wooooohhhhhhhhhh! sasabog ang buong ortigas sa init ng ulo ko ngayon!

eto lang..

--> I DON'T LIKE YOU EITHER!

etong sayo!

FURB! 100 times!

Tuesday, April 01, 2008

ang buhay ay parang videoke lang

Posted by Gaze at 8:14 PM
wow! bagong skin! maiba lang.. hehe! matagal tagal din na hindi ako nagkukwento sa blog kong ito.. madaming nangyare saken ngayong feb and march.. sa career, sa family, sa friends at sa lovelife (wow! may lovelife pa palang nagaganap!).. marami akong natutunan and isa lang ang narealize ko.. MATANDA NA NGA PALA TALAGA AKO! eto ang mga updates ko sa buhay ko ngayon..

CAREER:
--> hmm.. wala naman akong masasabe jan ngayon.. may mga plano ko pero hindi ko pwedeng sabihen.. hehe
--> sa project ko - ok naman.. happy naman ako sa kinakalabasan.. sometimes inaadmit ko na medyo napapabayaan ko sya (may pinoproblema kase ako.. sori naman.. minsan nadadamay ang trabaho..) pero maayos naman ang takbo nya sa kabuoan. maraming salamat sa butihin kong team leader naisasa ayos ang lahat.. (wow! sana nababasa mo to chrissy! ahahaha increase increase!)
--> FemaleNetwork.com --> shet wala akong masabe.. ito talaga ang nakakapag papagod saken.. pero ok lang.. baby ko to e.. hindi ko masyadong nararamdaman yung pagod dahil gusto ko yung ginagawa ko (yahoo! 80 pogi points for dora!)

FAMILY:
--> nagtapos na din sa wakas ang kapatid ko.. ngayon alam kong nakakahinga na ng maluwag ang parents ko dahil nakapatapos na kaming lahat.
--> kahit anong mangyare alam kong mahal nila ako at kahit kelan hinding hindi nila ko papabayaan..

FLASH REPORT!
kakatext pa lang saken ni daddy. naideposit na daw nya ang kanyang sustento. yahoo!!!!!!!!!!

FRIENDS:
--> ikakasal na ang pinaka mamahal kong kaibigan.. sa wakas matitikman mo na ang tinatawag nateng ...! natatandaan ko isa yan sa mga topic naten nung college.. na dapat iinform naten ang isa't isa kung ano bang feeling.. hehe! i'm glad at malapit mo nang maranasan yan.. ehehe
--> namimiss ko na kayo mga chong..
--> nag instant tagaytay din kame.. (biglaan lang dahil wala kameng makitang u-turn sa podium..)



--> pumunta nga pala kme nina gen at madam sa bataan.. sarap!!







LOVE LIFE:
--> hmm.. wala dedma lang.. madami akong iniisip ngayon wag kang magpakalat kalat jan.

ANG AKING MGA NATUTUNAN:
(sori naman mabilisan lang ako ngayon mag blog.. wala nang masyadong effort di gaya ng dati.. uber busy lang ako sa maraming bagay..)

adult na pala talaga ako. hindi na ko pwedeng chumill na lang ng chumill parati dahil iba na ngayon --> adult na ko.. iba na ang takbo ng buhay ngayon.. hindi na FN ang nakakapag paiyak saken, ibang bagay na.. ang buhay ay parang videoke lang.. ang points ay hindi nakukuha sa ganda ng boses. nasa lakas ng boses at timing lang yan. parang sa totoong buhay, diskarte at lakasan lang ng loob yan. at ang napatunayan ko ngayon sa yugtong ito ng aking buhay, marami pala talaga akong tunay na kaibigan.. :)

ay eto! lumo-LOL ako pag napapanood ko to.. haha!

PS: walang halong epekto ng alkohol yan.. tamang trip lang..

Thursday, March 27, 2008

awwww...

Posted by Gaze at 8:09 PM
me: inaantok ako
2:50 PM sheryl.agtarap: GS2 MO NDI ANTUKIN?
me: sige
anong gagawin ko para hindi antukin?
sheryl.agtarap: Cge
wait ka lang jan
may ssend ako :D
2:51 PM give me 5mins
me: haha
sige
bakit mo nga pla tinatanong kanina kung anong oras ako papasok?
sheryl.agtarap: secret haha
wait ka lang
me: hala
sige go
2:54 PM san na?
sheryl.agtarap: wait wait hehe

5 minutes
2:59 PM sheryl.agtarap: jan ka?/
3:00 PM me: yup
san na?
sheryl.agtarap: wait yan na
san ko ssend?
me: sa yahoo na lang
3:01 PM sheryl.agtarap: ano email add mo dun?
3:02 PM nasend mo na?
ano ba yan?
sheryl.agtarap: yan na :D
panoorin mo lang
me: haha
sige check ko
3:03 PM sheryl.agtarap: jan na?
me: yup
w8 open ko lang




wow parang alarm clock lang yan.. ang galing! natach ako super!

walang halong biro, hindi ko tlga inaasahan na ako ang mapipili mo she.. oo alam ko isa ako sa ento mo pero hindi ko alam na ako yung mapipili mo na pinaka importante sa lahat.. hanggang ngayon hindi ko alam kung anong irereak ko.. may proposal pang naganap! oo naman super gusto ko na ako ang maid of honor mo and super proud ako of that!

alam kong marami akong pagkukulang sayo lalo na nung lumaki tayo.. pasensya na kung hindi ako masyadong nakakareply sa mga texts mo minsan.. pasensya na din kung minsan hindi kita maupdate sa mga nangyayare saken.. busy lang ako.. pero wag mo sana iisipin na hindi ka importante saken.. shempre naman ikaw ang pinaka importante sa lahat dahil alam kong tayong 2 lang ang nagkakaintindihan parati..

masaya ako para sayo and sana magcontinue yung happiness mo.. i love you sister!

(sori naman she.. edit ko bukas.. minamadali ako ni bruno.. andito sya sa labas..)

Wednesday, February 06, 2008

yun lang..

Posted by Gaze at 9:41 AM
sana matapos na tong week na to.. nakakapagod lang.. preoccupied ako lately.. hindi ako makatulog ng maayos since last week.. i miss my dad. gusto ko na mag saturday para ma hug ko na ulit sya.. i need his embrace to assure me na hindi halimaw ang lahat ng tao sa mundo..

Friday, February 01, 2008

naisip ko lang..

Posted by Gaze at 1:08 PM
hindi ako pinatulog ng aking konsensya nung isang gabi. paulit ulit kong naiisip na ansama kong tao..

bakit?

--> kase kung hindi nyo naitatanong.. sampung taon akong pinag aral ng piano ng parents ko.. hindi ito simpleng piano lessons lang.. hindi ito piano lessons pag summer lang.. yung tipong piano lessons na karir talaga.. rain or shine, bakasyon o may pasok may piano lessons ako pag mwf!

musmos pa lang ako nung nag simula akong bumasa ng nota. mas nauna ko pang matutunan ang mag basa ng mga sharps and flats, ang staccato and slur, ang mga forte at ang fortissimo kesa matutunan ko ang multiplication table. i've spent almost half of my life playing the piano. sampung taon kong kasama sa pang araw araw na buhay ang piano ko at ang piano teacher ko..

nung isang araw, tinanong ako ng officemate ko kung ano ba ginagawa ko ngayon na something connected sa piano.. ang sagot ko.. "wala.." napaisip ako kinagabihan.. sabi ko shet.. oo nga.. dinrop ko lang yung pinag hirapan ko ng matagal na panahon. ang sama ko kase alam kong masaya ang lola ko pag nakikinig nya akong tumugtog. naisip ko ang perang ginastos ng mga magulang ko para masuportahan ang piano lessons ko.. naisip ko ang mga taong "humahanga" saken (oo naman! sa totoong buhay lang..)

natatandaan ko pa nung 9 yrs old pa lang ako, magsstart na mag lessons si yayie. kinausap ako ni mrs lector (piano teacher) na turuan ko daw si yayie ng techniques kase daw medyo hirap daw sya.. hindi daw kagaya ko, kahit na nung first lesson ko, iba na daw yung dating.. iba yung formation ng fingers ko basta may dating daw.. (sa totoong buhay lang din.. hindi ko makakalimutan yon..)

namimiss ko na yung feeling ng pinapalakpakan pagkatapos mong tugtugin ang piyesang pinadugo ang ilong mo para pag aralan at sauluhin. ang pag hanga ng mga taong nakikita at nakikinig akong tumugtog. ang mga sinasabi nila saken na "ang galing mo.." pagkatapos ng isang recital. ang mga papuri ng mga tao.. higit sa lahat, namimiss ko na yung pagkakataong napapatulog ko si lola sa rocking chair nya habang nakikinig sa pagpapraktis ko.

kailangan may gawin ako. kailangan hindi madrop yung dream saken ng lola ko. i know this is something that i'm good at.. kelangan hindi sya matapos ng ganon ganon na lang.. kailangan may gawin ako para sa kanila.. naisip kong ituloy yung pinaplano kong grand piano recital nung highschool pa lang ako.. it takes time i know.. kelangan ko ng funds and kelangan kong mag praktis!

anyway, ngayon pa lang pinag iisipan ko na kung anong mga piyesa ang tutugtugin ko sa araw na yon.. may naisip na akong finale at pinapangarap ko sya talaga sa ngayon. gusto kong matugtog kasama ang PPO ang piyesang ito..



alam kong hindi ito suntok sa bwan.. give me 2-3 yrs to prepare and raise funds. ayoko nang humingi sa parents ko ng money para dito. gusto ko sa araw na yon relaxed lang sila dahil ako lang ang mag aasikaso ng lahat. alam kong kaya ko to. tamad lang talaga ko.. pero kaya ko to. binlog ko to to remind me na meron akong goal and dapat matupad yon!

nga pala.. final na eto na yung finale piece ko (malay nyo maconvince ng daddy ko ang PPO).. sa katapusan sana may benedict pa rin na magaganap para may magbigay saken ng bulaklak ulit pagkatapos ng show (o bakit hinde? ako ang star!)..

Sunday, January 20, 2008

i miss you more..

Posted by Gaze at 8:13 PM
bago ang lahat.. happy birthday baby mel! i love you more! :D

namiss nyo ba ako? namiss ko rin kayo ng sobra.. namiss ko si mr blogger at si mushroom. it's been more than a week since i've updated my blog kaya nagdedemand na si banker saken. super flattered ako nung sinabe ni mushroom na "nakaka tanggal ng stress" daw pag binabasa nya mga posts ko. nakakatuwa naman na natutulungan kitang ibsan ang lungkot mo sa maliit kong paraan. hehe!

bakit nga ba ako hindi nagbblog?

1. wala akong isusulat.. hindi naman ako malungkot hindi rin naman ako masaya.. sakto lang.. tamang steady lang..
2. busy busihan ngayon ang lola mo.. hanggat maaari ayoko nang mag rant about work (besides. wala naman akong nakikitang ka rant rant ngayon..) gusto kong mag sori sa mga kaibigan kong hindi na ako masyadong nahahagilap sa ym at kay gen na hindi na ko masyadong nahihigit para mag shopping. sa ngayon eto muna ang priority ko. consider this as my last shot kaya tinatry kong ibigay ang 96% ko (0.. bawal mag reak.. fn is not the center of the solar system!).. don't worry hanggang april lang naman akong magpapaka bait sa trabaho so after non pwede na ulit tayong pumetiks to the max!
3. idle ang puso ko ngayon. ayoko nang mag bigay ng meaning sa mga nangyayare sa buhay pag ibig ko.. sabihin na nating napapagod na ako sa mga nangyayare ngayon.. puro testing na lang! nakakapagod lang.. hoy ikaw! kung ano man yang pinag gagagawa mo ngayon eto lang ang sasabihin ko.. "wala akong pakielam! at hinding hindi na ako magpapahulog sa bitag mo!"

ano ano ba ang gusto kong gawin?
1. gusto ko nang matapos ang project ko.. (wow! kakasimula lang nakaka sense nko agad ng pagka inip!) hindi naman ako naiinip.. actually gusto ko ang takbo ng mga pangyayare. maayos kong nakakausap at nakakatrabaho ang mga taong involved. a lot better than the last time. super! :)
2. gusto kong mag voice lessons.. (e bakit hinde?) pangarap ko talagang makanta ang fly like a bird ni mariah.. ang sarap lang pakinggan..
3. gusto kong matutong mag luto.. para syempre pag nag asawa na ako, may breakfast in bed nang magaganap!
4. i want to have a part-time job.. oo alam kong mayaman na ko.. pero gusto kong mas yumaman pa! haha chika lang.. wala lang.. para pag may nagtanong saken kung anong pinagkaka abalahan ko, sasabihin kong "2 ang trabaho ko!" taray!
5. i want to try a different world elsewhere.. basta.. kung ano man yan ang mga close and trusted friends ko lang ang nakaka alam..
--lastly--
6. i want to bring back my faith.. yes i know, alam ko na ang mga sasabihin nyo.. i do believe in Him pero hindi ko alam habang lumalaki ako....... sa mga hindi nakaka alam, pinalaki ako ng lola ko sa simbahan. lumaki ako sa sunday school, been a choir member, pianist sa church, at VBS teacher before.. basta.. name it at nagawa ko yun for Him.. masasabi kong naging servant ako before pero hindi ko alam kung bakit habang lumalaki ako bigla na lang syang natigil. but right now, im trying.. talaga.. im trying to bring it back.. one step at a time until maging ganon ulit ako.. basta mahirap iexplain.. marami kase akong questions.. basta..

so yan na naman mag didisclaimer na naman ako! haha!

DISCLAIMER:
sa mga tumaas ang kilay:
walang sinoman ang may karapatang mag judge saken hinggil sa pinost
ko sa number 6! you don't know me that much so better shut your mouth at
makakatanggap lang kayo ng pambabara saken..


ok chill!

yun lang.. hanggang sa muli! i love you all! :D

Tuesday, January 08, 2008

certificate of completion

Posted by Gaze at 8:26 PM
i was so touched when my sensei awarded me this certificate after completing my first course --> Flirting 101

ok tama na ang ingles.. nandito ako para magpatunay. mga girls! totoo sya! effective! These are the things that i've learned after taking the course:

1. the act of making friends. kaibiganin mo ang iyong minamahal. this is a win-win situation. friends nga lang kayo at first pero ayaw nyo non? kikiligin ka na, you'll get to know him better pa..
2. the art of simpleng pagpapacute. wag kang magmaganda araw araw. meaning, wag kang maging constant sa get up mo everytime magkikita kayo.. hayaan mong mamiss nya ang iyong kagandahan. balang araw pati kulay ng kuko mo sasambahin nya. promise!
3. the power of deadma. pag hindi nag work yung first two, eto na ang plan b. deadmahin mo! promise 100% effective --> magpapapansin yan sayo. pag nagtext sya, mga after 30 mins ka mag reply or wag ka mag reply at all. promise tingnan ko lang kung hindi mabaliw baliw yon kakahintay sayo.
4. the beauty of being a bitch. oo bitch ako! e bakit hinde? at least hindi ako tatanga tanga. minsan kase mas ok na mag reak ka in a way na opposite sa iniisip nyang irereak mo. in this case, iisipin nyang hindi naka depende sa kanya ang emotions mo at hindi nya maiisipang magfeeling.

after taking this course eto ang narealize ko:
--> ayoko sa lalakeng walang b*yag! ayoko sa lalakeng walang sariling desisyon. wag kang dumepende sa sasabihin ng ibang tao! kung gusto mo e di gusto mo. kung ayaw mo e di wag! mabilis akong kausap. kung ayaw mo, hayaan mo akong mag move on. kung gusto mo e di go! bakit pa naten papatagalin? ganon lang kasimple. (wow ang angst!)

to banker:
pag naging kme na mag eenroll ulit ako sayo.. pero ibang course na.. hahahahaha!


Monday, January 07, 2008

resume

Posted by Gaze at 8:05 PM
nakakabagot naman talaga.. ika nga ni chamie "the secret.." sige iaapply ko.. think of happy thoughts.. hmm.. ano kaya? wala akong maisip e.. gagawin ko na lang ang resume ko makakatulong pa saken in the future..

DISCLAIMER:
ETO AY ISANG KATUWAAN LAMANG.. KUNG KAYO AY MAKALUMA, MAGANDANG WAG NANG BASAHIN ANG MGA SUSUNOD KONG ISINULAT. WALA AKONG READER NA SARADO ANG UTAK!


--> ok chill! eto na..

gazelle alcantara


job objective

to find my better half and be an "ulirang" housewife in the future..

education

graduated in my lola's pangaral

work experience january - june 2006

worked as a part-time girlfriend

- walang kiss na naganap

- movies, dinner, hhww


may 2005 - april 2006

worked as a full time girlfriend

- movies, dinner, hhww, hugs, kisses, cuddles



-- ayoko nang ilahad ang iba.. yung 2 most recent lang.. haha! --

technical skills magaling akong kumiss!

uber sweet

thoughtful

corned beef

surprises

pet names

independent (pagdating sa love..)

at cute! (bakit hinde?)

trainings attended mushroom's flirting 101 class

september 2007 - prensent

- learned how to react in unexpected situations

- learned how to catch man's attention

seminars the break-up diaries seminar (Cosmo book seminar held in our school)

Feb-04

work-related courses Have read the following books:

1. the break-up diaries

2. men are from mars women are from venus

3. why men love bitches

4. he's just not that into you

character references will be available upon request..



--> alam kong hindi pa ko pwedeng mag asawa.. kaya nga kumukuha ko ng experience e.. hehe :D

Friday, January 04, 2008

"you're not good enough for me" --> DUH!

Posted by Gaze at 6:26 PM

"kht sabhin mo sken na you're not good enough for me.. if ganyan tingin mo, then i wanna be bad para parehas na tayo." -- gen


huwaaw! muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko nang mabasa ko yang post mo na yan pare.. i feel you sobra.. pero magkaiba tayo kung ako magsasabi nyan baliktad ang sasabihin ko --> "i wanna be good para parehas na tayo.." haha!

taenang pagmamahal yan.. tama si banker ang gusto mo may gustong iba yung ayaw mo naman hinahabol ka.. bakit nga ganon no? bakit nga ba kelangang mag nosebleed ka muna bago mo malaman ang spelling ng L-O-V-E na yan? bakit nga ba kelangang patubuin muna lahat ng pimples mo bago mo malaman ang mga kasagutan sa mga tanong mo? napaka ironic nga naman ng pag-ibig na yan. pag masaya ka, hindi ka maka kain hindi ka makatulog.. pag naman malungkot ka ganon din.. parang adik lang di ba? nakakasakit ang magmahal pero bakit ganon we keep on looking for love?

i pray for world peace.. nakakapagod magmahal.. un nman oh hahahaha joke lang. ill pray for you too.. pray for me din ah..-geni


sabi ko nga sayo kahit 3 times a day pagpepray kita. chong gagawin ko ang lahat sumaya ka lang.. mashado ka kaseng mabait e.. hay.. minsan may masamang naidudulot ang sobrang kabaitan. tingnan mo nakakatanggap ka ng ganyang speech.. haha bakit kaya wala pang nagsasabi saken ng ganyan? hindi daw kase ako mabait.. e ano ngayon? haha! eto lang chong.. isheshare ko lang ang sinabi saken ng lola ko dati sabi nya "pag mahal ka ng lalake, hindi ka nya sasaktan or gagawa ng anything na alam nya na makakasakit sayo.." napatunayan kong totoo yan nung nasubaybayan ko ang love story ni she and arman. di ba? kahit kelan hindi naman umiyak saten si she because of arman?

hay.. wag ka mag alala.. parating na sila.. nararamdaman ko.. nag pray na ako e.. malay mo hindi pa lang sila pinapanganak.. haha chika lang! basta.. chill ka lang jan.. wag mo mashado dibdibin ang mga nangyayare.. praktis lang yang mga nangyayare sayo.. pineprepare ka lang ni God for the "real thing". basta.. alam ko mas yummy pa sa kanya ang ibibigay nya sayo.. have faith!

Thursday, January 03, 2008

dear God

Posted by Gaze at 3:10 PM
nakakatuwa lang mag reak sa mga comments sa last post ko. naisipan kong gawan eto ulet ng bagong post. natatandaan ko pa nung tinext ako ni madam sabi nya "chong, lahat ay nadadaan sa dasal..". sige kung magdadasal ako, magiging specific na ko.. (e bakit hinde?)

dear God,

alam ko naman na may hinahanda ka para sa aken. pero pwde bang humingi ng kaunting wish? minsan lang naman ako mag wish.. (minsan lang kase ako mag pray.. sorry po..) pwede bang ipakilala mo na sya saken? kahit this year? kase napapagod na ako sa mga trial and error na boys. kahit na hindi muna maging kame, malaman ko lang kung anong pangalan nya. at least pag alam kong galing sayo may lifetime warranty at walang virus na kasama. pleeeeaaassseee..

ay Jesus, sana pala yung guy na papakilala mo saken sana po christian, gwapo, mayaman (aba shempre ang ganda ko namang sugar mommy pag nagkataon!), matalino, yummy, may humor, yung mamahalin nya yung family ko at mga kaibigan ko, at yung ipapamper ako ng bigtime. ay Jesus wag mo na ibigay saken yung hinihingi ko sayo last year. ayoko na sa kanya kumikirot ang puso ko pag naaalala ko sya (yun naman..) iba na lang ibigay mo saken dear God. yun lang naman po. maraming salamat in advance!

PS:
ayoko nga pala po ng lalaking papasakayin ako sa jeep. please dear God. Sana may naimbento nang koche sa buhay nya pag pinakilala nyo na sha saken.

love you more!
barbee^

"The LORD God said, It is not good for the man to be alone. I will make a helper suitable for him" (Genesis 2:18).

Wednesday, January 02, 2008

-- ex --

Posted by Gaze at 11:29 AM
baog na baog ako last friday.. bakit? kase nagkavirus ang pc ko hindi ako makapag ym! anyway hindi yon ang kwento ko. last friday pagkadating ko ng bahay may biglang nag text saken unknown number.. eto nangyare:

0905..: mushy mushy quote.
me: hu u?
0905..: how r u?
me: sino to?
0905..: kakausapin mo pa ba ko pag sinabi ko kung sino ko?
me: sino ka nga? last text na to pag hindi ka pa nagpakilala!
0905..: ros. cguro nmn sa tgal ng panahon pwde mo nko kausapin
me: wow! kelangan may ganong speech? ok lang naman ako. hndi ko lang makita yung point kng bkt kelangan naten mag usap. (walang halong bitterness yan. wala naman tlga kme dapat pag usapan e..)
0905..: bkt hindi? ang sakit mo naman magsalita
me: sge.. anong pag uusapan naten?
0905..: gusto ko lang sana na kumustahin ka? wag ka naman magsungit. sa makati ka pa ba nagwwork?
me: mabuti naman ako. wala na ko sa makati. uhm.. next question?
0905..: show ba to?
me: e bkt hinde? wala naman akong itatanong e. sabihin mo lang kng may questions ka pa. max of 9 questions lang. magpapabayad na ko sa mga succeeding questions.
0905..: hehehe. no more questions. pro wiling ako mgbayad kung sosobra ang questions ko. if ever npunta ka sa ayala triangle, dropby ka naman sa store ko para naman makapagkwentuhan tayo. sana mapagbigyan mo ko. treat ko yung coffee mo ok?
me: aok. pagisipan ko. hindi nko dumadaan ng ayala triangle e. out of the way kase. kahit wag mo na kong ilibre kahit ilang ganong kape kaya kong bilhen.
0905..: grabe ka tlga magsalita
me: o chill! ano ba dapat ko ireak?
0905..: wala naman..

... chuva chuva ..

si ros ay isa sa masusugid na nangungulit saken. hindi ko din maintindihan kung baket.. ngayon lang ako nag reply sa knya e pano kase akala ko isa sa mga friends ko, marami kase akong nawawalang numbers dahil nagpalit ako ng phone kaya nagtanong ako ng hu u.. sana pala hindi na lang ako nag hu u. hindi naman ako galit sa knya. grabe naman kung magagalit pa ko hindi na ko naka move on non. siguro nag dedate kme for almost 2 yrs (pero 1 month lang kme naging official.. hehe!) nag start yan noon nung ginawa ko syang rebound kay benedict (oo alam ko masama yon.. pero alam naman nya yon) tapos yon.. natuloy na ng natuloy yung tinatawag nateng date. but don't get me wrong.. minahal ko sya ng tunay dati. dumating lang ako sa point na ayaw ko na. nakakasawa lang ang ganong set up. ni-cut ko na lahat ng communications or kung ano ano mang churva sa knya since then.. for years reach out to the max sya, ako deadma lang. minsan naawa ako sa knya, pero kase ayoko na tlga sya makausap.

wala na talaga shang epek saken.. e bakit ko kinukwento to? dahil wala lang.. nakakatawa lang yung mga reply ko parang adik lang. haha! hindi ko alam kung anong gusto nya saken kung bakit sya ganon kakulit. pramis. feeling ko pag sinabi ko sa knyang tumambling sha tatambling sha e. naawa na din ako sa knya, ilang taon na rin ba syang ganyan? wala naman syang nakukuha saken..

mga natutunan ko sa naganap na ito sa aking buhay:
1. masarap ang feeling na hinahabol --> haha e bakit? totoo naman..
2. wag matakot magtapon ng basura.. pramis totoo yan. marerealize din nila yung worth mo pagdating ng panahon.
3. madaming masasarap na ulam sa tabi tabi --> try naten tumikim ng iba.. :D

yun lang..
 

barbee Copyright © 2010 Designed by Ipietoon Blogger Template Sponsored by Online Shop Vector by Artshare