Friday, November 10, 2006

Posted by Gaze at 7:55 PM
friday afternoon.. napagod na sa pagpoprogram.. browse ng net,, punta multiply.. checked gen's site,, kita ko pic ng college friends ko..
andon si arman, si benedict, si philip, si lester, si martin, si rc, si aileen, si mich, si gen.. wala lang.. nakakalungkot.. naalala ko yung college days namin..

sse 12,, hehe yan yung block namin nung college.. si she, sya yung una kong nakilala "you want candy?" hehe yun yung una kong sinabi kay she,, tapos nakilala namin sina gen, mich and aileen,, pumasok kme sa dorm.. ang walang katapusang kwentuhan..ang walang tulugang dorm dahil nauubos ang oras sa pagkukwentuhan at pagkukulitan,,

2nd year nag start kme maging close nila arman, benedict, lester and dustin.. hay pno kse mag ddebut si she nun.. practice ng sayaw sa paco park.. paganon ganon parati kada sabado.. after ng debut,, cards naman after class.. walang katapusang pustahan.. sobrang tawanan lahat and labasan ng strategies para matapon na lahat ng tres na hawak sa deck of cards.. hay,, ang saya saya.. dumating din ang never ending na overnights sa school.. haha i can still remember yung mukha nina neri and martin nung night ng defense namin.. haha..

mga panahon na uso yung the ring, the grudge, the phone at kung ano ano pang may "the" ang title.. naalala ko pa nung nagpa reserve pa kme ng isang room sa school para lang manood ng the ring series.. hay ang saya saya tlga.. ay! at nag concert pa pala si nina noon! naalala ko na tumakas lang ako kina mommy and daddy sabi ko pa non may project kaya ako mag oovernight pero totoo manonood lang ng concert.. hay,, ay eto pa pala! naaalala ko pa yung "bente kwatro" yun yung dance step sa pinaka baduy na pinanood na movie namin nung college! sina kristine hermosa ata ang andon.. haha!

hay,, naaalala ko pa nung pumupunta pa kme sa senado.. nakakamiss.. yung orange jeep na sinasakyan namin pag walang taxi hehe.. yung mga days na tumatambay kme sa cafe para lang hintayin matapos ang class nina she,, andon lang kme,, tamang titigan lang at kulitan.. nakakamiss yung mga panahon na yon.. pag hapon deretso glorietta,, uubusin ang pera para lang mag laro sa timezone.. hay, ang sarap sarap balik balikan,,

miss ko na sila,, miss ko na mga friends ko..

1. philip - hehe para sakin sya yung pinaka cool sa lahat.. parang lahat sa knya ok.. parang lahat sa knya nasa proper place..

2. dustin - hehe nakakamiss yung cute smile nya and yung pagkabulol nya..

3. lester - hahahaha nakakamiss yung mga quotable quotes nya and yung joke nya na kahit corny e natatawa tlga ko..

4. arman - nakakamiss yung mga pamatay nyang advices.. yung pagiging shock absorber nya pag nagbbreak kme ng bf ko.. nakakamiss yung mga encouraging words nya pag down ako.. hay,, at eto pa! nakaka miss pala yung pagka teki teki nya.. haha!

5. benedict(BIGGEST CRUSH!) - nakakamiss yung ka sweetan nya sakin.. haha! oo naman sweet sya sakin kahit hindi halata..

6. aileen - hay, nakakamiss yung mga times na magkasama tayo pag uwi and pag punta ng buendia..

7. mich - nakakamiss yung mga yosi nights namin sa dorm before..

8. gen - nakakamiss yung dating gen,, yung walang pinoproblemang boys,, yung tamang kontento na pag naglalaro kme ng freecell sa AS/400 class namin..

9. she - nakakamiss yung non-stop kwentuhan about boys, about life,, samin lahat sya lang yung talagang nakaka intindi sakin e.. nakakalungkot tapos sya pa yung umalis..

hay,, miss you all guys,, if only i could turn back time.. sana nga ganon na lang.. sana naging forever na lang tayong ganon,, bata and life seemed simple.. well, things are really different now,, minsan na lang magkita kita.. minsan na lang makapag usap,, wala nang mga pusoy dos wala nang timezone.. wala nang overnights.. nakakalungkot.. namimiss ko na kayo..
 

barbee Copyright © 2010 Designed by Ipietoon Blogger Template Sponsored by Online Shop Vector by Artshare