Thursday, December 13, 2007

Posted by Gaze at 2:34 PM
Gen: gaze
gazelle: yes bru
Gen: may nabili ako sayong dora na parang wallet pero parang handbag na parang coin purse.. walalng.. hahaha nkita ko lang knina
Gen: color purple.. cutie
gazelle: wow
gazelle: natutuwa ako sayo
gazelle: natach naman ako
gazelle: hahahaha
gazelle: salamat pare..
gazelle: hahahaha

ganyan lang kme mag usap ni gen. pareho kme --> mababaw ang kaligayahan.. mabilis patawanin at mas mabilis paiyakin. si gen ang pinaka favorite kong kasama sa mga photoshoot.. sample:

ang hindi ko lang magets.. hindi naman planado pero parati akong nasa left side.. para bang automatic alam na namen ang posisyon namen..
 


 

napansin nyo bang pare pareho kme ng ngiti sa pics? haha! sori naman praktisado yang mga yan.. siguro kaya kme nagkakasundo ni gen dahil pareho kme ng kapalaran pagdating sa trabaho at sa love life..

pareho kme ni gen.. parehong out of this world ang pag iisip.. nagkakaintindihan kme sa usapang pang adik at sa mga usapang kakulitan. masarap kasamang mag shopping si gen --> magastos.. haha may sense ba ang sinasabi ko? gusto lang kita iblog dahil natouch ako kanina.. haha! e bakit hinde? gusto ko lang ipakita ang magagandang pictures namen..

basta chong.. payong kaibigan lamang.. hinay hinay lang and always keep it safe! hahhaa! chika lang.. alam ko namang alam mo yan. basta andito lang ako sa likod mo parating may dalang pamalo para pag may umaway sayo hahampasin ko agad. naniniwala akong dadating ang panahong may magmamahal din saten ng tunay. someday.. sabi nga ni she hindi hinahanap yan kusang dumadating yan parang butterfly.. (e takot ako sa butterfly, pano pala yon?) basta. nararamdaman kong may +1 na ligal na tayong masasama sa event sa 2009. mahal kita sister kahit na minsan hindi tayo nagkakaintindihan, alam ko naman na away bata lang yun. hehe! basta sana maging happy na din sana tayong 2 kagaya ni she. wag ka mag alala ipag pepray ko kay God na sana ibigay na saten sila para hindi na tayo mahirapan. para apat na tayo sa picture. :)

Friday, December 07, 2007

naalala nyo ba ang kantang to?

Posted by Gaze at 4:40 PM
kagabi habang pauwi ako nakinig ko to sa radyo. shet lang naalala ko lang kayong dalawa.. namiss ko lang kayo ng sobra..

Monday, December 03, 2007

you want candy?

Posted by Gaze at 6:39 PM
"you want candy?" hinding hindi ko makakalimutan yang phrase na yan --> pinakaunang salitang sinabi ko sayo at pinakaunang salitang binitawan ko nung college.

hindi ko akalaing magiging super close tayo kase ibang iba tayo ng ugali. as in super different talaga. apat na taon din kitang naging seatmate sa klase, katabi ng kama sa dorm at kasama 24 hours a day.



naaalala ko pa, everynight chumichill lang tayo sa smoking area habang pinapapak tayo ng lamok. nararamdaman ko pa rin ang lamig ng aircon ng dorm at yung ym chat mo kay marko hanggang madaling araw. hindi bat nakakamiss yung mga times gumigising tayo ng 715 ng umaga at pinagmamadali mo na ko sa banyo dahil malelate tayo sa klase? dorm days.. honey glaze chicken ng jolibi, yakisoba, buttered cookies, multo sa 6th floor pag 12 am, yung ginagawang 12th floor na takutan.. yung first time kong pagsheshave ng legs.. si ikay, si mai, si raymond, si renan, si art, si marko, si anton.. hay.. those were the days..

inaway pa tayo nun ni rj bading! dun siguro unang natest ang friendship naten..


parang nung isang bwan lang at nasa paco park tayo nagpapraktis ng kotilyon. lahat tayo ay abala sa pagpili ng gown at pagpili ng theme sa debut naten. yung mga times na nagbibilang tayo ng calories para sumexy sa araw ng debut naten. parang kelan lang at baliw na baliw ka kay marko at baliw na baliw naman ako kay benedict.. naalala mo ba nung nagstruggle tayo dati sa comporg? akalain mong naka abot pa tayo ng bulacan at nagkaron pa ng usapang fx na feeling ko lahat ng tao ay nalaman na ang istorya ng buhay naten sa haba ng byahe dun...

natatandaan ko pa.. lulan tayo ng koche ni dustin papuntang laguna dahil nalulungkot ka nung gabing yon. ang mga trip naten nung college parang ewan lang. tayo ang nagpasimula ng pusoy dos pag lunch sa cafe. nanalo pa ko nun ng 50 pesos sa tong-its!

namimiss ko nang makasabay ka sa lunch at yung red iced tea sa caf! yung corn bits sa miding! yung hopia at nagaraya sa select! naalala mo ba yung usapang moving cars naten? hay shet ikaw at ako lang siguro yung nagkakaintindihan pagdating sa usapang moving cars.. naiisip ko pa yung mga panahong nagshshopping ang mga mata naten sa mga cute guys sa angelo king habang nakasakay ng taxi. yung oakwood mutiny, yung benedict heartbreak ko, yung kay ros at aaron breakup ko tayong 2 ang magkasama dun. yung walang humpay nating overnight sa intsdev, yung 8th floor, yung shower room sa 11th floor.. yung girltalk naten sa webtech, yung super mario, yung hot shots..

hanggang nakarating tayo sa smits. tayong 2 pa rin. si sir mike mo, si sir nino ko.. yung "please place your finger..", "you are authorized.." yung freestyle and truefaith concert sa san miguel.. yung usapang pag absent naten.. yung paghihintay ng 6.. yung brown walls ng smits..

masasabi kong kasama at karamay kita sa lahat ng mga naganap nung college. hanggang graduation day tayo pa rin ang magkatabi! nakaka loka lang..

hanggang dumating ang panahong kinailangan mo nang umalis at maghiwalay tayo ng landas pero hindi pa rin nawala ang kwentuhan naten. parang roommate pa rin kita sa pagka updated naten sa mga nangyayare sa buhay naten. hay, kung pwede lang ibalik ang panahon.. kung pwede lang tayo maging college ulet..

you are my soul sister.. maraming maraming salamat sa pagtanggap mo sa buong pagkatao ko. hindi naman sobrang itim ng budhi ko, color grey lang pero sa kabila ng kasamaan ng ugali ko ay kinaibigan mo pa rin ako. lahat ng bagay ay nasasabi ko sayo at alam kong iniintindi mo ko parati. pasensya na sa mga mood swings ko at sa pagka maldita ko minsan. lahat ng college memories ko ay kasama ka at sana walang magbago kahit na maging ano man ang estado naten sa buhay. mahal kita kaibigan! gogogo agtarap.com! :D

 

barbee Copyright © 2010 Designed by Ipietoon Blogger Template Sponsored by Online Shop Vector by Artshare