naaalala ko pa, everynight chumichill lang tayo sa smoking area habang pinapapak tayo ng lamok. nararamdaman ko pa rin ang lamig ng aircon ng dorm at yung ym chat mo kay marko hanggang madaling araw. hindi bat nakakamiss yung mga times gumigising tayo ng 715 ng umaga at pinagmamadali mo na ko sa banyo dahil malelate tayo sa klase? dorm days.. honey glaze chicken ng jolibi, yakisoba, buttered cookies, multo sa 6th floor pag 12 am, yung ginagawang 12th floor na takutan.. yung first time kong pagsheshave ng legs.. si ikay, si mai, si raymond, si renan, si art, si marko, si anton.. hay.. those were the days..
parang nung isang bwan lang at nasa paco park tayo nagpapraktis ng kotilyon. lahat tayo ay abala sa pagpili ng gown at pagpili ng theme sa debut naten. yung mga times na nagbibilang tayo ng calories para sumexy sa araw ng debut naten. parang kelan lang at baliw na baliw ka kay marko at baliw na baliw naman ako kay benedict.. naalala mo ba nung nagstruggle tayo dati sa comporg? akalain mong naka abot pa tayo ng bulacan at nagkaron pa ng usapang fx na feeling ko lahat ng tao ay nalaman na ang istorya ng buhay naten sa haba ng byahe dun...
namimiss ko nang makasabay ka sa lunch at yung red iced tea sa caf! yung corn bits sa miding! yung hopia at nagaraya sa select! naalala mo ba yung usapang moving cars naten? hay shet ikaw at ako lang siguro yung nagkakaintindihan pagdating sa usapang moving cars.. naiisip ko pa yung mga panahong nagshshopping ang mga mata naten sa mga cute guys sa angelo king habang nakasakay ng taxi. yung oakwood mutiny, yung benedict heartbreak ko, yung kay ros at aaron breakup ko tayong 2 ang magkasama dun. yung walang humpay nating overnight sa intsdev, yung 8th floor, yung shower room sa 11th floor.. yung girltalk naten sa webtech, yung super mario, yung hot shots..
hanggang nakarating tayo sa smits. tayong 2 pa rin. si sir mike mo, si sir nino ko.. yung "please place your finger..", "you are authorized.." yung freestyle and truefaith concert sa san miguel.. yung usapang pag absent naten.. yung paghihintay ng 6.. yung brown walls ng smits..
masasabi kong kasama at karamay kita sa lahat ng mga naganap nung college. hanggang graduation day tayo pa rin ang magkatabi! nakaka loka lang..
