Sunday, November 04, 2007

Posted by Gaze at 4:07 PM
dear mylabs,

eto na siguro ang huling beses na tatawagin kitang mylabs sa puso ko. narating ko ang finish line, wala ka don. hindi na ko nag atim na hanapin ka pa o maghintay pang muli. hindi ko alam kung nasan ka.. baka naman andon ka, ayaw mo lang magpakita saken? o baka naman naisipan mo na lang na chumill at makipagchat jan sa bahay nyo? ayoko nang maghanap pa ng kasagutan.. hindi ko alam.. ang alam ko lang dumating ako dun at wala ka.

lumipas na ang deadline ko sa sarili ko. ayoko nang bigyan pa to ng extension. nakaka gutom palang maghintay sayo mylabs! i give up! siguro hanggang dito na lang talaga tayo.. siguro wala talagang "right time" para saten.. hindi ko na kayang maghintay ng tatlo pang taon para sayo.. masakit na rin ang likod ko kakahintay..

hindi ako magpapaka plastik pag sinabi kong hindi ako umasa sayo.. you just don't know how often i dream of finally knowing what it feels like to be in your arms.. libre din naman mangarap di ba? oh well.. life's like that.. ok lang.. huhuhu

ang wish ko sayo? sana maging happy kna.. sana mahalin ka din nya at maging masaya na kayong dalawa.. at pag nangyare yon? sana hindi ko na kayo nakikita o kaya naman makayanan kong pumikit pag anjan kayo sa paligid ko. don't worry ok lang ako.. magssmile pa rin ako sayo pag nakasalubong kita..


as a little girl i believed in wands, fairies, fairytales.. then you came
and i believed in prince charming.. but u made it hard to believe in happily ever after.. so i decided to leave, not because i dont love you, but because.. little girls grow up too...

hanggang dito na lang ang pagpapaalam ko sayo.. siguro may mga bagay lang talaga na hindi na dapat pang sabihin. siguro may mga tanong na hindi na kelangan pang sagutin.. sabi nga nila "no answer is your answer.."

damang dama ko talaga tong kantang to.. para sayo to mylabs! mamimiss kita!



love,
barbee^
 

barbee Copyright © 2010 Designed by Ipietoon Blogger Template Sponsored by Online Shop Vector by Artshare