Thursday, September 27, 2007

Posted by Gaze at 10:22 AM
ang tamad ko sa work ngayon.. yun lang.. haha! deh may ginawa ako.. gusto ko pakita sa inyo.. pasensya na wala akong maisip na title.. gusto ko sana ipotoshop kaya lang naghhanggaroo ang potoshop ko e..





lungkot pala ng buhay ko dati no? puro code!

eto yung explanation..

work (72%) - ayun naman pala e.. kaya ayaw na magpabibo ng utak ko ngayon e.. imagine sham na bwan akong ganito! sham na bwang inaalmusal ko ang php at ajax sa umaga! puro echo! puro include! puro session! puro cookies! puro pregmatch! puro print_r! hoy san ka pa na master ko ang pregmatch at print_r.. panis!

chillax (5%) - since forever nga akong nagccode nung mga panahong yon.. ang tanging chillax ko na lang e yung pag tulog sa gabi.. kelangan ko pa bang iexpound to? hello! may tinatawag tayong common sense..

family & friends (3%) - oo shet eto sa lahat ang pinagsisisihan ko.. nawalan sila ng time.. since madalas pag weekends e andito ko sa opis at kasama ko si mr php at mr ajax, nawalan ako ng time sa kanila.. ang dami ko namiss grabe..

yosi (20%) - siguro eto ang bespren ng mga tulad kong programmers.. tamang taga kalma pag naiinis ka sa work.. taga clear ng mind minsan.. (ops ops ops! alam kong may mga kumokontra! blog ko to remember??)

crush (0%) - sa panahon na yon wala pang mylabs na nagaganap..

at eto naman ang chart ko ngayon.. tentenenen!





work (15%) - sori naman.. kasalukuyang naka dextrose ang utak ko ngayon.. napagod sya e.. hayaan na muna naten magpahinga.. at least may 15% pa ehehehe..

chillax (20%) - ngayon ko na natutunan ang salitang "petiks".. sa umpisa nakaka guilty pero pag nasanay kna masaya na yan.. hahaha! kasama sa chillax time ko e yung "happy hour" namen nina kors, mel and bm..

family & friends (25%) - ayan.. bumabawi! actually pramis ko yan pagkatapos ng madugo kong project.. family time pag saturday and sunday, tropa time pag friday night.. kasama na rin dito ang ritwal na komperens tuwing alas dos ng hapon araw araw at ang tradisyong shot minsan sa isang linggo.. wag kayo mag alala mga chong sabay sabay tayong mawawalan ng trabaho! ahahaha chika lang..

yosi (10%) - ganda ng epekto saken ni mylabs no? bakit 10% na lang? dahil bawal na magyosi sa umaga!

crush (30%) - aba bakit hinde? kahit na hindi ko sya parating kasama, kasama ko naman sya sa spirit.. yun naman o! dami ko palang ginugugol na oras kay mylabs? aba pang boypren na yan a! sige sige next time bawasan ko na.. 29% ok na? ehehehe..

ayan.. siguro that explains everything.. sa aking palagay, mas ok ako ngayon kesa nung first 3 quarters ng 2007.. ngayon may matatawag na akong "life".. hindi puro opis lang.. ehehehe! peace men!
 

barbee Copyright © 2010 Designed by Ipietoon Blogger Template Sponsored by Online Shop Vector by Artshare