Sunday, September 23, 2007

Posted by Gaze at 9:19 PM
malungkot ako ngayon.. shocks.. bakit ba parati kita naiisip? sana pms lang to..

last friday nakita ko kayo.. hindi naman ako nasaktan.. sakto lang.. pero wala lang.. syempre umiral na naman ang pagiging laitera ko.. hay.. actually, she's not that pretty.. yunno.. hay,, yun lang masasabi ko.. nung moment na yun, isang malaking fact ang bumulaga saken, habang tinitingnan ko sya para bang may naka dikit sa noo nya na "gaze, ASA PA U! DITO NA ME!"..

haay.. taena namang puso to o.. minsan na nga lang tumibok ulit dun pa sa alam kong hindi pwede.. actually hindi naman sa hindi pwede.. pwede rin na hinde.. basta magulo! ang gulo gulo! siguro nga mahal mo talaga sya.. (e wala akong pakelam! leche!) bakit wala naman akong ginagawa a..

ako yung taong napakadaling ipredict.. parati ko ngang sinasabi na napaka transparent kong tao.. simple lang! lahat ng naiisip ko sinasabi ko.. pag galit, ako galit ako.. pag masaya ko, masaya ko.. pag may gusto ko sabihin sinasabi ko! pero bakit ganon? hindi ko masabi sayo to? wala akong lakas ng loob shet!

alam kong bawal magtanong kung bakit pero pwede din naman maguluhan di ba? pwede ko bang sabihin na "ANG LABO MO!"?! nalalabuan ako sayo dude! ano ba? ano ba talaga? gusto mo ba ko or hinde? ano? ano! nakakabaog ka!

ayoko talaga ng feeling na may namimiss.. pag hindi kita nakikita namimiss kita.. parang ngayon.. yun! yun yon! gusto ko lang sabihin na namimiss na kita.. hay.. kung alam mo lang.. shet..

ikokowt ko lang yung comment ni madamme sa post ko..

"10. BAWAL ANG MAG FALL! (lalo na kung alam mong talo ka..) --- AM GETTING THERE! .. NYETA! PAABOT NG BASO ANG TAGAL NG SHOT MO E!"


mga friends gusto ko lang iklaro ang mga pangyayari.. hindi pa ko nagffall promise.. basta alam ko lang hindi pa.. AND I WILL NEVER GET THERE! (sana..)
 

barbee Copyright © 2010 Designed by Ipietoon Blogger Template Sponsored by Online Shop Vector by Artshare