Sunday, December 12, 2010

Pain Relievers

Posted by Gaze at 11:35 PM
Minsan naiisip ko, sana kayang makuha sa pain relievers tong nararamdaman ko. Sana isang inom lang ng gamot wala na lahat itong bigat ng dibdib ko. Ginawa ko nang lahat maging maayos lang ako. Nakakapagod nang maglakas loob. Hindi naman talaga ako ok, hindi na ko  magpepretend. Nahihirapan na talaga ko, hindi ko na alam gagawin ko.

Ayoko nang magalit pero wala akong ibang mapigang emosyon. Kinain ko na ang pride ko, ako na ang bumaba.. Ano pang kulang? Bakit ang dali dali para sa inyo na i-single out ako? Bakit gustong gusto nyo na sinasaktan ako? Sana naging masamang anak na lang ako para maintindihan ko kung bakit nyo ako ginaganito. Sana maisip nyo na nasasaktan din ako, na ako ang anak nyo.

Hindi ko na alam kung ano pang pagkocomfort ang dapat kong gawin makalimutan ko lang tong nararamdaman ko. Ayoko na. Pagod na ko.
 

barbee Copyright © 2010 Designed by Ipietoon Blogger Template Sponsored by Online Shop Vector by Artshare