Monday, December 13, 2010

Expectations

Posted by Gaze at 1:46 AM
High school pa lang ako, hindi na ko nag eexpect ng masayang pasko. Nasanay na ko sa "sakto lang" ang araw na yon. Pero iba ngayon. Sa pasko, ineexpect ko nang maging punching bag ng pamilya ko. Umuwi man ako o hinde, in one way or another, papaliguan nila ako ng emotional torture. Kahit anong gawin ko, riot pa rin ang araw na yon. Hindi naman sa napaka nega ko, hinahanda ko lang sarili ko sa mga mangyayari. Hindi ko na kayang iabsorb ang mga sorpresang drama, baka mabaliw na ako.

Hindi ko kayang bumati at mag wish ng Merry Christmas. Iniiwasan kong mag fb, ayokong makakita ng masayang pamilya. Para akong sinasaksak pag nakakakita ako ng christmas tree. Isang noise pollution saken ang makarinig ng christmas songs. Ang araw ng pasko ay isang malaking urban legend na lang para sakin. Ako ay isang malaking orphan, malapit ko nang matanggap yun.
 

barbee Copyright © 2010 Designed by Ipietoon Blogger Template Sponsored by Online Shop Vector by Artshare