Thursday, August 06, 2009

tampuhan

Posted by Gaze at 1:23 AM
itago na lang naten sya sa pangalang junior. si junior at ako ay opismates sa bundok ng mckinley. hindi ko masasabing talagang magkaibigan kame pero nakakalokohan at nakakakwentuhan ko sya. masayang kausap si junior. punong puno sya ng sense of humor.

dumating ang masaklap na balita nung hulyo. nagpaka otistik ako sa opisina.. bihira akong makipag usap sa ibang tao. naayos ang problema ko. back to normal na naman si dora. isang araw sa yosihan sa bundok...

ang drama:
dora: hi junior!
junior: deadma (masama ang mukha)
dora: o bakit?
junior: galit ako
dora: kanino? bakit?
junior: deadma
dora: saken?
junior: deadma sabay sabi sa mga kasama ng "tara na! akyat na tayo!"
supporting actor: tinapik ang likod ni dora sabay alis
dora: wow may something!

huwaw ang taray ng exit mo boi! e di ok.. ako deadma lang.. hanggang sa napansin kong hindi nga ako kinakausap ni junior.. isang hapon sa yosihan na naman....

ang drama:
dora: uy ano galit ka pa rin saken?
junior: pwede ba nag iisip ako ng trabaho dito!
dora: ok fine

kanina sa ym, ang drama: si dora nag reak sa status message..
dora: bkt?
junior: bkit ano?
dora: bkt work sucks
junior: db obvious?
dora: a..
dora: haha
dora: **** sucks
dora: *** sucks
dora: junior
dora: may problema ka ba saken
dora: ano ba issue mo
dora: tagal na kita tinatanong
dora: ok fine
dora: forget i asked

uhm.. ano to jowa? nagpapa amo ka ba? sabihin mo lang kase hindi ko hobby yun! hindi naman ako masyadong affected pero it bugs me pag alam kong may nagtatampo saken.. pero wow lang.. hindi ko gawain na mang amo.. hanggang 3 lang ang limit ko sa pagtatanong.. after nun wala na.. mabilis akong kausap.. kung ayaw mo e di fine.. saka sa usapang magkaibigang babae at lalake, parang hindi ata madalas na role ng lalake ang magtampo, madalas yang nasa script ng babae! di ba? di ba? di ba? so kung ako sayo sabihin mo na... ano ba? uhm.... may nasabi ba ko? may nagawa ba ko? binreak ko ba ang heart mo? haha chika lang.. pero ano ngaaaaaaaaa? sobrang wala akong idea... oh well.. sabi ko nga pagod na ko... kung ako sayo junior isulat mo na lang yan kay ate charo papanoorin ko na lang sa tv dahil inaantok na ko.. pagod na ko magtanong!
 

barbee Copyright © 2010 Designed by Ipietoon Blogger Template Sponsored by Online Shop Vector by Artshare