Wednesday, May 24, 2006

Posted by Gaze at 6:31 PM
shocks.. natatakot akong pumasok bukas.. natatakot akong marinig sa kanya kung anong naging result ng lakad nya... absent sya ngayon.. nag ayos ng sched sa ateneo.. pag hindi naging ok yung sched nya mapipilitan syang mag resign.. i can still remember yesterday.. nung sabi nya na pipilitin nya ayusin sched nya para maging swak sa shifting dito.. sabi nya hindi daw sya aalis ng ateneo hanggat hindi nagbabago yung class schedule nya... tapos todo explain sya na pag hindi raw na adjust yung sched nya mapipilitan daw syang mag resign.. shocks.. hindi ko alam..

oo nalulungkot ako.. ngayon pa nga lang absent lang sya namimiss ko sya agad.. masama pa hindi pa sya nagrereply sa text ko.. baka bad news na.. hay sana hindi naman.. sana matanggap ko kung anumang decision yung gagawin nya.. kse kung ako rin naman mas ipprioritize ko yung school kesa dito.. pero shocks sana.. sana.. sana maging magkasama pa rin kme..

ayoko na syang pigilan if ever.. sana matanggap ko tlga kung ano man yun... siguro kung ano man mangyari.. it's best para sa kanya.. for the both of us.. ayoko naman masanay na parati kaming ganito kase in the back of my mind, alam ko naman magkakahiwalay din kme... mag resign man sya or hindi.. ayokong mahirapan.. ayokong masaktan..

actually hindi ko alam nararamdaman ko sayo.. i do love you.. oo naman.. hindi naman ako maapektohan ng ganito kung hindi.. pero as what? hindi ko alam.. as a friend? as a man? EWAN!

touched pa rin ako na pinipili mo pa rin na kasama ako. na gumagawa ka ng paraan just to make it possible.. pero bakit ganon? bakit maraming conflict? bakit maraming concerns? bakit bumibigat loob ko?

ngayon pa lang pinipilit ko na yung sarili ko na intindihin tong situation na to.. sinasabi ko sa sarili ko na baka hanggang dito na lang tayo.. na baka hanggang thinksmart na lang to.. siguro hanggang dun na lang.. if ever maputol communication natin and hindi ka gumawa ng way, siguro the end na tlga.. siguro tapos na yung purpose mo sa life ko and ganon din naman ako sayo.. gaya ng parati kong sinasabi.. i don't want to stop the nature of things.. kung yun e di yun lang.. kung hindi tlga e di hindi tlga..

sana maging happy ako bukas.. sana maging maganda yung maririnig ko from him.. please.. nag sstart pa lang tayo.. ayoko pa muna mag end... marami pa ko pwede mabigay.. marami pa tayong memories na gagawin.. please.. please..
 

barbee Copyright © 2010 Designed by Ipietoon Blogger Template Sponsored by Online Shop Vector by Artshare