Sunday, October 24, 2010

masakit ba?

Posted by Gaze at 12:30 AM
26 years yan ng suppressed feelings. ang sakit di ba? sinabi ko naman sayo kelangan ko ng space. wag mo ko i-provoke. wag mo kong pilitin. kaso addicted ka na ata sa conflict. o hayan! kayanin mo! sa pagka bitch kong ito, buong buhay akong nanahimik. kahit kelan hindi ako lumaban. sinanay ko ang sarili ko na baliwalain ang sama ng loob. lagi kong pinipilit ang sarili kong kalimutan na nasasaktan din ako. hindi mo lang ako anak, tao din ako. napupuno. hindi ko kaya na forever ko na lang ineneglect yung feeling ng nasasaktan. ngayon, pasensya.. pasensya kung pinili kong pakinggan/intindihin ang sarili kong emosyon. after all, i owe it to myself. kelangan ko din bigyan ng break ang sarili ko sa 26 years mong panunumbat at pang guilt trip.

totoo atang gusto mo ng gulo. o eto sumabog na ko! oo na, ako na ang masamang anak. ako na ang walang utang na loob. ako na ang dahilan ng kahirapan ng pilipinas. ako na ang may gawa ng global warming! leche!


If your child is not showing you the love you are expecting, maybe it's time for you to evaluate how much you showed your love and care for your child. You reap what you sow!

 

barbee Copyright © 2010 Designed by Ipietoon Blogger Template Sponsored by Online Shop Vector by Artshare