Friday, January 30, 2009

chismis

Posted by Gaze at 11:33 AM
may pakpak pala talaga ang balita.. ambilis lang.. simula nung may naganap na chenelin kay ex pogi wala akong kinukwentuhan sa mga taong nasa circle namen dalawa.. nagulat nalang ako.. may mga may alam na pala.. at eto.. isang taong hindi ko ineexpect na maka alam dahil matagal na kme wala communication. sya pa pala ang magpapa alam saken na medyo kumakalat na ang chenelin na yun..

Pogi Konti: oi
Pogi Konti: hehhehe
gaze: ei
Pogi Konti: kaw ha
Pogi Konti: ngkikita pala kyo ni
gaze: ha?
Pogi Konti: kunyari pa sya
gaze: nino?
Pogi Konti: sino pa
gaze: sino nga?
Pogi Konti: taga ayala systems
gaze: haha
gaze: lunch lang yun adik
Pogi Konti: oi oi
Pogi Konti: how does it fil
gaze: haha
gaze: sakto lang
gaze: adik ka
Pogi Konti: ok

after ng conversation na to, biglang nag play ang boses ni gossip girl sa ulo ko..
"spotted! gaze and ex pogi constantly seeing each other. having lunch together, having coffee breaks together, going home together.. is this the beginning of blah blah blah?"


omg! feeling ko ako si blair(shempre i love headbands..) pero wait. wala lang.. ayokong bigyan ng meaning yung kung ano mang nagaganap kay ex pogi.. i don't even like the guy.. i just love bieng with him! :D saka napagod na ko sa kakaisip ng mga seryosong chenelin with a guy.. makikipag landian na lang ako ng bigtime! pero wala lang.. pinapahaba nya ang buhok ko ng konti.. ok.. back to work! i know you love me!

xoxo, Gossip Girl(joke!)

Thursday, January 29, 2009

more money.. come come come!

Posted by Gaze at 12:00 PM
kaya siguro hindi ako magkaron ng tunay na love life dahil masyado akong busy! shocks!

kamakailan, nirefer ako ni ex pogi sa company nila siguro sa pag aakalang magugustuhan ko dun at magiging mag officemates na naman kme. kinontak ako ni hr at nagsabing magpasa ako ng resume sa kanya.. nag offer ng freelance project(bakit hinde?) and yun.. hehe!

kahapon naman, si MR. PAST EMPLOYEE e kinukulit ako at nakikipaglandian sa ym.. nung tumagal tagal ang usapan, he asked if i want to work with him on a certain project.. sabi ko oo naman! we will be workmates with benefits! so bakit hinde di ba? sino makaka resist non?

at kanina.. kausap ko ang matagal ko nang kaibigan at spammer texter.. nagpipitch ng project saken.. gusto nya ako gumawa ng backend ng project nya.. php and mysql lang naman daw ang kelangan ko gawin. why not poknat!

dito naman sa current work ko, i'm working on with 3 projects.. the bomb talaga ang magtrabaho sa mga ad agencies.. the bomb ang trabaho! kelangan gisingin at paganahin ko na ang brain cells ko sa umaga!

natatandaan ko pa when i was seeing MR MASUGID, lagi syang nagrereklamo dahil masyado daw akong busy. wala akong time mag text or makipag chat or makipag usap. bakit nga ba kahit kelan hindi ko naisip na iprioritize ang love life ko? hmm.. kahapon nag ask si ex pogi kung ano daw gagawin ko sa sat.. nag invite for something(yun something!).. sabi ko tingnan ko kung pwede ako kase may plans na ko for saturday e..

** bakit ayoko sumama kay ex pogi sa saturday? sabado e.. nakakatamad lumandi pag walang pasok.. lol! **

Monday, January 26, 2009

ancient history

Posted by Gaze at 6:22 PM
ang landi ko lang.. haha.. ok ok.. mabilisan lang to.. wala akong time para mag blog

last week may isang lalaki sa nakaraan ang nag aya saken mag lunch..

gaze: chat chat chat
ex: san ka ngayon?
gaze: dito sa tabi tabi.. ikaw
ex: ayala triangle
gaze: ok..
ex: san ka?
gaze: likod ng pbcom..
ex: cityland?
gaze: nope.. chatham..
ex: oh? may office kme jan..
gaze: talaga? what flr?
ex: chenelin flr..
gaze: oh? sa chenelin flr lang ako e..
ex: lunch tayo.. daanan kita..

so yun nag lunch kme.. at pagkatapos ng lunch..

ex: anong oras out mo?
gaze: hmm.. mga 630
ex: ok.. daanan kita sabay tayo umuwi..

wala lang.. sinundo nya ko sa office.. yun.. haaaay.. hindi ako kinikilig.. adrenaline lang to.. shet..

* kanina *
ex: gaze san ka?
gaze: office bkt?
ex: daanan kita coffee tayo. labas kna papunta na ko jan..
gaze: ok.. (yun ang bilis kausap!)

masarap yung pakiramdam na may gumaganyan.. buti na lang handa ako ngayon.. buti na lang naisipan kong magmaganda kaninang umaga.. OMG! totoo ba to? hay.. kung alam ko lang na ganito pala kasarap ang feeling noon ko pa pala sya dapat pinatawad..

PS: wag ka masyado madikit! hindi ko alam kung kikiligin ako or what e.. nakakailang pero masarap haha!

Tuesday, January 20, 2009

changes

Posted by Gaze at 5:14 PM
sabi nga ng mga beauty queens.. "the only constant is change.."

dito na ko sa bagong company.. so far so good.. (ok ok.. ang geek part ko na ang magsasalita dito..) from < ?php ? > to <% %> (bakit hinde?), from prototype to jquery (wow! oo naman!) ngayon pa na narealize ko na mas magaan ang jquery..galing mo john resig! apir! oh well.. marami pa akong kelangan basahin para matutunan ng bigtime ang tinatawag nateng jquery.. astig! jquery.. haha!

ok.. hanggang dito na lang ang programming kwento..

btw.. i miss you na "ef" paramdam ka naman.. uwi kna manila..

Wednesday, January 07, 2009

mystery 'ef' files

Posted by Gaze at 5:06 PM
"kailan mo ako hahagkan? matagal na akong naghihintay.."
isang gabing punong puno ng kalungkutan ang aking puso.. kakadating ko lang ng bahay. nakaupo sa kama habang pinapahupa ang epekto ng redhorse sa aking katawan.. namumugto pa ang mga mata dala ng matagal na pag-iyak. isang gabing gulong gulo ako at hindi ko alam ang aking gagawin. nakarinig ako ng 2 tunog sa cell phone ko..

unang mensahe --> chamie

* pangalawang mensahe *
ef: text text text
gaze: haha! at napangiti mo ko sa text mong yan.. makita ko lang ang pangalan mo sa inbox ko ay nangingiti na ko.. maraming salamat pinagaan mo ang loob ko..
ef: bakit?.. chuva chuva chuva..
gaze: kwento kwento kwento..

naging makahulugan ang aming naging pag uusap ng gabing yon.. gumaan ang loob ko sa munting mong paraan. masasabi kong naging magkaibigan tayo nung gabing yon. pag uusap na walang halong bolahan at landian.. pag uusap na totoo. maraming salamat..

nag-aayos ako ng wallet kanina.. eto ang nakita ko.. ginawa ko pala to nung kaka-kilala pa lang namen.. siguro nung october..


ang mga odds, nagsasabing para tayo sa isa't isa(yun!).. sige na.. totohanin na naten to.. natatakot ako at alam ko na natatakot ka rin.. pero di ba maganda yun? parehas tayong takot habang sinusuong ang hirap at saya ng buhay?


hay, kelan kaya mawawala ang pagka misteryoso mo? kahit saken.. kahit ako.. hindi kita mabasa.. pakilala ka na samen dali! hindi na ko makahintay!

PS:
maraming salamat sa mahihiwagang kamay ni chamie.. galing mo! apir!

Monday, January 05, 2009

sori na gaze..

Posted by Gaze at 6:24 PM
sori na.. ngayon ko lang naalalang gamitin.. hehe!



thanks baby mel!


BEGIN THE NEW YEAR RIGHT WITH THESE PROSPERITY CANDLES:

At 11:30pm on Dec. 31st, place these candles in a row in a safe area in your home, away from combustibles, and preferably where children may not reach them, then light them all. Put them out at exactly 12 midnight. Arrange the burnt candles by height, from the smallest to the tallest. The candle that burnt out fastest (the smallest of the lot) symbolizes the luck you are to be given the most of in the coming New Year.


Below are the symbolisms of the candle colors:

Red = action, energy, romance, passion
Pink = health, calm, contentment, relaxation
Orange/peach = insight, vitality, creativity
Yellow = knowledge, expression, excellence at work
Green = fertility, balance, travel
Blue = peace, solace, relief, good communication
Violet = soul-enrichment, money/wealth, ascencion into leadership

** hmm.. so alam na naten kung ano yung winiwish kong unang maubos.. haha pero eto ang kinalabasan.. **


blue = peace

bago pumasok ang new year, kinausap ako ng pinsan ko regarding sa nangyare saken sa nakaraan (eto yung lagi kong sinasabing "the darkest part of my life").. 6 yrs ko nang dinadala ang hatred na to.. may mga bagay na ngayon ko lang nalaman and ngayon ko lang din naintindihan.. siguro it's about time to forgive him and to forgive myself to hurt that way..

narealize ko lang.. lagi akong humihingi kay God ng love life pero kelangan ko pala muna i-set free yung sarili ko sa pain and burden na matagal ko na ine-endure.. kung pano? hindi ko alam.. siguro one step at a time.. siguro aalisin ko muna yung galit ko sa sarili ko sa tuwing naalala ko ang mga nangyare noon.. nagkamali sya and nagkamali ako --> one day, matatanggap ko rin yan..

haay.. ang tadhana nga naman.. makalipas ng maraming taon ngayon ka pa kakatok..

Tuesday, December 30, 2008

2008 kamusta ka naman?

Posted by Gaze at 5:35 PM
bago ang lahat, ang haba ng bakasyon ko! ngayon lang ulit ako nakapag bakasyon ng ganitong kahaba! anyway, kamusta naman ang 2008 ko? hmmm..

career: hmm.. yun lang.. heheh! deh.. ok nga ang takbo ng mga bagay bagay.. bkt?
1. fn - sa wakas.. wala lang.. sobrang proud talaga ko sa site na yan.. lab na lab ko yan e.. kahit ngayon na hindi na ko konek, nirereport ko agad ang mga bugs na nakikita ko. balde baldeng luha na din ang naibuhos ko jan.. sa wakas at maganda naman ang takbo nya ngayon (sana..)
2. nakalipat na din ako ng work (at lilipat na naman ako hehe). higher position, higher salary.. yay!

target (2009):
sana tumagal na ko sa company at hindi ko na naman maisipang mag resign.. haha! namimiss ko nang magkaron ng buong 13 month pay e.. haha

family: madalas na ko nagu-goodjob nina daddy ngayon madalas na kase akong umuuwi.. oh well kase mas marami akong time after ko mag summit and mas marami rin akong pera so mas marami din akong gifts sa kanila..

target (2009): spend more time with them and try to be closer with my mom..

friends: sakto lang.. naidaos naman ng maayos ang bridal shower ni she.. namiss ko sila this year kase hindi ganon kadalas ang pag chill at pag bobonding dahil sa sched..

target (2009): wedding nina she and arman at mag enjoy at mag maganda sa bora! yahoooo!

love: at least medyo tangible naman ang love life ko this year.. salamat naman at hindi chimoi si ef hindi katulad ni ex-mylabs..

target (2009): kumarir ng bigtime! haha

my wish to my friends:
she and arman - humayo kayo at magparami.. goodjob! arman, galingan mo! haha
gen - hmm sana this year.. alam mo na.. kase magkaron kna para magkaron na din ako! haha
aiza - sana makamtan mo na ang matagal mo nang hinihintay.. keep on praying.. i'm praying with you..

***********HINDI KUMPLETO ANG 2008 KO KUNG WALA KA ********************





dude, you're such a friend.. wag kang mag alala, magkakasama tayo ulit! love you more!

Tuesday, December 23, 2008

miss you na mahal..

Posted by Gaze at 5:16 PM
sori na matagal akong hindi nag blog.. matagal kase akong bitter e..
ngayon lang ako nagkaron ng strength na mag kwento ulet..

may naganap na "bump into each other" kagabi.. hay thank you Lord! hindi
pala masyadong malungkot ang disyembre ko! haaaay.. napagod na ang mukha
ko kaka ngite pero shet i can't help it!

ef: chuva chuva.. kwento kwento..
gaze: "ef" pasayahin mo naman ang pasko ko!
ef: lika lika.. (sabay taas ng kamay para akbayan ako) hug hug hug..
(akbay)

nag-momoment kame kagabi habang nag aabang ng taxi.. nakatayo kme sa harap
ng w grill dun sa may poste.. hmm siguro mga 15 cm lang ang pagitan namen
sa isa't isa.. walang humpay na landian and body contact.. yun! body
contact! haha! kase tinutusok ko ang dede nya habang fume-flex sya nang
biglang pag angat ng mukha ko sa kanya.. tentenenen! nakatingin pala sya
saken! shet may tinginan naganap! siguro may mga 6 seconds yun.. tapos
bigla sya lumayo at napailing.. parang movie lang.. haay.. i can still
remember his face.. i can still remember his smile.. hay.. ngayon lang
ulit ako kinilig ng ganito..

ef: dito lang ako magpapasko wala naman kme probinsya
gaze: a talaga..
ef: dito lang magmumukmok.. malungkot kase ako pag pasko
gaze: aaw.. hug hug hug
ef: (smile) then hug..

finally! matagal kong pinangarap ang mayakap ka.. masarap pala.. baon ko
ang mga ala alang yan sa mahaba kong bakasyon sa probinsya.. miss you na
mahal!

Tuesday, November 25, 2008

ano? go?

Posted by Gaze at 12:39 PM
"nyak wag kna mag selos ikaw lang naman gazelle sa buhay ko" -- ef
ay kasarap naman basahin nito! hay.. sa dami ng hearts na nakapaligid saken ang heart mo ang gustong gusto kong makuha! bakit nga ba gustong gusto kita? siguro kase sabi ni chamie bagay tayo.. yihee! (yun! niloko ang sarili) but seriousely i really like you.. ikaw ang pumupuyat saken sa gabi.. ikaw ang source ng kalandian ko ngayon.. ikaw ang inaabangan kong mag online sa ym.. ikaw ang nagpapangiti sa malungkot kong araw at pag kasama kita, parang pelikulang slow motion ang paligid ko.

ilang beses akong puma-pout pag nanjan ka.. automatic e hindi ko mapigilan.. para akong hayskul na simpleng nagba-blush at kinikilig pag papalapit kna. hindi ko alam ang sasabihin ko pag nanjan kna sa harap ko ang gusto ko lang gawin is i-database lahat ng encounters naten para mabilis kong ma-select pag gusto ko nang alalahanin.

"sinu inantay mo?? andi2 nman ako" -- ef
ampanget mo lang mag type! haha! ilang beses nahulog ang panty ko last friday dahil sayo! kiber kung joke joke to or seryoso! ang mahalaga nag eenjoy ako and i'm having a great time!

"hehehe pauwe napo ako mmyang 3am.! hehe il be hitting manila na soon!!" -- ef
kung alam mo lang kung gano ko inabangan ang araw ng pagbabalik mo. sana pag punta mo ng manila e pumunta kna rin saken. tara na! totohanin na natin to!


MixwitMixwit make a mixtapeMixwit mixtapes


Wednesday, November 19, 2008

wer na u?

Posted by Gaze at 4:20 PM
nagbabasa ako ng archive ko sa ym ngayon.. napatigil ako at natawa sa isang maiksing conversation namen ni "ef"..

******************
"ef": my labs
"ef": :b
gaze: yes mylabs
gaze: wer na u?
"ef": d2 pa me
******************

huu! jan ba talaga u? hindi naman! hindi ko naman ramdam.. (ok emo alert! emo alert!) bakit ba kase hindi ka pinalaking sensitive ng nanay mo? whew!

magkasama kme nung friday.. eto ang nangyare..

******************************
"ef": gaze, bakit ka umiiyak?
gaze: hindi ako umiiyak.. masakit lang puso ko.. pagalingin mo dali..
"ef": naku magaling ako jan
gaze: huu hindi rin!
narrator: pagdating sa labas ng kapihan..
"ef": gawin mo to..(yung umiikot habang tumatalon..)
gaze: ayoko madadapa ako
"ef": wag ka mag alala sasaluhin naman kita..
"ef": bakit ka pa kase sumisiksik don e nandito naman ako para saluhin ka..
gaze: hindi na ko naniniwala sa mga ganyan.. hindi totoo yan..
narrator: end of discussion.. lol!
******************************

ang galing mo sa mga ganyan.. sana kayang mong gawin yung mga sinasabi mo.. hay.. kung alam mo lang.. ikaw ang sinisigaw ng heart ko.. lol! ahahhaa! dali na kase.. magsabi ka lang.. hindi ako mahirap kausap.. bakit hindi naten itry? yun! pwede naman yon.. pag hindi nag work e di hinde.. kung nag work e di good.. e di masaya..

i-let go mo na kase si ex! sasakalin na kita e.. miss you! mwah mwah!
 

barbee Copyright © 2010 Designed by Ipietoon Blogger Template Sponsored by Online Shop Vector by Artshare