lol! katext ko si daddy kahapon.. eto ang naging thread..
dad: anak, nasan kna? bakit hindi ka nagtetext? gaze: dito na sa bahay.. nagtext ako kay mommy kanina mga 6. sakit ng ulo ko! may bukol! (oo tatanga tanga na naman ako.. nadulas ako sa cr..) dad: ang tanga tanga mo kase. sana dika umalis may bumibisita kay yayie ngayon! nakakainis panot din cya! gaze: a talaga? nanliligaw? dad: oo anak bakit ba puro panot ang nagkakagusto sa inyo? kadiri! gaze: o e ok naman ba? dad: me istsura naman kaya lang kalbo na naman! pero naka pajero naman gaze: o e hayaan mo na.. about time na din naman.. dad: kakainis puro nalang kalbo! bwiset! gaze: yung angst mo naka abot hanggang makati.. ano, balita? may trabaho? anong natapos? dad: di ako interesado gaze: huuu! nagseselos ka lang e. nasan sila? san ka ngayon? dad: nasa sala cla gaze: mag isa lang nagpunta jan? binati mo ba? nginitian mo sana.. dad: sinamahan ng ate ethel mo. binati ko naman im polite and educated naman. gaze: yun! pumo-polite! damang dama ko ang angst mo hanggang dito dad: di naman ako affected inis lang ako sa kalbo gaze: huuu! aminin na kase.. nagseselos ka lang dad: naku hindi naiinis lang ako sa kalbo ano! gaze: bakit ba ang laki ng galit mo sa mga kalbo? dad: DAHIL KALBO ANG NAGPAIYAK SAYO gaze: aaawww... eto naman.. hayaan mo na.. magkaiba naman sila.. malay mo ok sya.. dad: BASTA KALBO GAGO!
*** aaww.. natach talaga ko.. now i understand kung bakit ka naghihigpit saken.. many thanks sa nonstop mong love at sa pagpapalit ng nasira kong bowl sa banyo.. hehe!
nagkaron ako ng phenomenal response from God regarding my email. yun lang ang binigay saken ni God is multiple choice.. siguro sabi ni God, "gaze, just choose the correct answer from the choices below: (yun naman.. feelingera lang.. gusto ko lang iblog..)"
a. MR SSH - matagal na akong chinechever ni MR SSH, magaling sya sa linux(a plus factor) and mahilig din sya sa web stuffs. parehas kme ng interes at nag "may i go out" na kme once and ok naman sya.. yun lang may sabit..
b. MR. MASUGID - define masugid and that is him! OA mag text, OA mag chat, OA din tumawag.. talagang maka-Dyos si MR. MASUGID.. hindi ko na kinakaya ang pagka banal nya.. Minsan na nya akong binasahan ng bible verse and talagang nakirinig ako ng busy tone sa tenga ko.. nag "may i go out" na din kme ni MR. MASUGID pero maaga akong napagod.. humihingi ng second chance si MR. MASUGID pero pinag iisipan ko pa kung gusto ko ulit mag "may i go out" kasama sya.
c. MR. PAST EMPLOYEE - ok naman sya para saken. maalaga at alam mong ginagalang ka. may humor din syang tinatawag kahit na hindi nya sinasadya dahil talagang nakakatawa ang mga hirit nya. siguro kung mabibigyan ng chance, magiging ok na this time kase wala nang bisayang eepal sa paligid (yun! bitterness!) dapat nag "may i go out" kme last friday kaya lang na-stuck ako sa trabaho.. kaya yun.. next time..
d. MR. EF - yun lang.. si MR. EF period. end of share. hindi ko nga alam kung kasama sya sa choices e pinipilit ko lang isama.
dear God, i really like MR. EF. pwede bang sya na? pwede bang isend mo na sya saken? hindi naman ako madalas humingi ng specific person sa inyo.. ngayon na lang ulit.. pramis i'll be nicer to him next time. sabi kase ni chamie lagi ko daw sya tinatabla.. pano, hindi kase ako marunong.. can you teach me kung pano ko sya i-handle? can you whisper my name to MR. EF? can you tell him na kaya kong pawiin ang kalungkutan nya?(kelangan ko lang ng praktis)
i really want to taste my new coffee.. but i'm still waiting for the perfect sugar to sweeten it.. and i want it to come from him..
shocks, am i getting there? hindi pa naman.. mga 2 months pa siguro.. lol
last christmas ang winish ko kay God is world peace and maraming maraming headband.. this year, eto ang christmas wishlist ko..
1. world peace and true love.. lol! bakit hinde? baka tuparin na to ni God! kase last christmas ang binigay ni God e yung maraming headband.. andami lang talaga! e oo nga naman siguro sabi ni God, nangangarap naman ako masyado kung ibibigay na yung world peace di ba?
btw may bago akong crush
dear God, hindi naman po sya yung hinihingi ko sa inyo.. alam nyo po kung sino.. hahahaha! gusto ko po yung nagsstart sa "ef" ang pangalan.. ni-post ko lang po sya kase nakukyutan ako ng bigtime sa knya..
2. world peace and continued friendship with my programmer friends..
tayo ang 3 angels ni mark (ayun sige na nga maisingit lang..) kayo ang kinoconsider kong favorite kong colleague sa totoong buhay. siguro kase we shared the same sentiments while we were in hell.. joke! haha! hinde.. kase ewan.. we are 3 people with different personalities pero nagki-click tayo. ewan ko.. or sinasakyan nyo lang ako? chika lang! love you girls! salamat sa pagtanggap sa kaartehan ko at sa pag titiis sa hobby kong pagba-brat attack. hinding hindi ko kayo makakalimutan..
dear God, isa pang happy hour.. sige na.. namimiss ko na yun e.. matagal ko nang hindi nagagawa yun.. sige na nga po isama nyo na si mark! hindi po kase kumpleto pag wala yung favorite kong balahurain..(apir! kaw pa rin ang da best supervisor for me!)
teka teka.. maishare ko lang.. lol ito.. naganap sa ym habang nagbblog ako.. dora: denis dora: may question ako dora: anong spelling ng colleague? dora: tama ba yan? BUZZ!!! BUZZ!!! Denis: Colleague dora: yan dora: thanks Denis: Yap dora: miss you Denis: Surely
**lol!**
3. world peace and friday nights with my girlfriends..
ambabata pa namin dito.. hehe
dear God, i really miss them.. sana.. there will be a friday night na magkaka pare parehas kme ulit ng schedule. sana there will be a time na magkakasama sama kme ulit lahat. i miss she, i miss madam, i miss banker, i miss mich and i miss aileen (hmm bru wag kang magtampo.. araw araw tayo nagkikita haha! labyu!)..
sana kahit one time lang.. mabalik naten ang tinawag nateng ritwal na komperens pag alas dos ng hapon. isa yan sa bumuhay sa nakakapagod kong araw sa dati kong work.. nakakamiss yung mga times na sumasakit ang chan ko kakapigil ng malakas kong tawa. yung pakikipag away naten sa guy guests naten sa chat.. yung mga hindi natatapos na workload dahil mas inuuna pa naten yung komperens sa ym..
sana magawa ulit naten yung friday night shot naten. sobrang namiss ko na tong gawin kasama kayong lahat.. sana dumating yung time na magkakasama sama ulit tayong lahat na walang nagmamadaling umuwi or pumasok sa trabaho sa isa sa atin. namimiss ko na ang maraming buckets of redhorse sa w.. ang pag suka ni madam at ang pag aalaga ni mich sa knya.. namimiss ko nang sikatan ng araw sa 6750 kasama kayo.. masakit mang tanggapin, alam kong may kanya kanyang buhay na tayong lahat at lahat tayo ay busy.. sana makagawa tayo ng paraan kahit one time lang.. yung wala tayong iisiping iba kundi mag enjoy lang at magpasahan lang ng baso hangga't mag suka ulit si madam. im on my happiest when im with you guys that's why kahit may sakit ako dinadamayan ko kayo sa pag kampay nyo. i miss you and sana maulit ulit ang mga times na yon.
dear God, hindi naman po masyadong marami yung wish ko.. masyado lang po akong mapag mahal kaya ganon.. isa pa pong wish.. good health sa mommy and daddy ko.. sana po mabili na ni dad yung gusto nyang car.. hehe! yun lang.. hindi naman po ako masyadong selfish.. iniisip ko ang lahat ng tao sa buhay ko this christmas..
dear God, sana hindi alam ni boss ang blog url ko.. please please.. gusto ko lang talaga ikwento to..
there was one time nag exam ako.. napapa lol ako habang sumasagot sa mga tanong nila. fill in the blanks ang tipo ng personality test nila. sabi ng examiner first thing that pops into your head daw.. so yun naging honest ako.. yung una talagang nag pop sa isip ko ang sinulat ko.. napapa-lol ako habang nagsasagot ng exam.. eto yung ilan sa mga natatandaan kong questions..
1. my real ambition is - to become a housewife. kidding! 2. people find me - sweet! :) 3. most women - tend to fall in love with their ears 4. at the event of - finishing my exam, i will take my lunch 5. in every office - there is an employee 6. most documentations are - done by the technical writers 7. if i have a million pesos - i would buy love.. (if i can) 8. the best supervisor for me is - MARK RENN CALUAG (pramis yan ang sinulat ko.. gusto ko nga sana pikturan e kaya lang baka mahuli ako. pramis mabaog..) 9. i have - a crush on my friend's friend 10. the worst thing is - falling and having a broken bone.. 11. the best things in life - are free.
hmm sori na friends.. hindi ko masyadong karir ang post ko ngayon gusto ko lang ikwento ang naganap na yan.. kausap ko si boss kanina.. may pinapatapos.. hmm.. more meaningful posts next time i promise..
ok sori na blogspot matagal akong hindi nag post. sa totoo lang ngayon lang ako nagkaron ng time para mag isip ng iba-blog. sa totoong buhay lang kumakartwil ako para lang mapagkasya ang lahat ng gusto kong gawin para lang mag swak sa schedule ko. i'm handling almost 5 projects at the same time so tell me about being busy and i'll tell you that is me! haha!
aside from the overflowing workload, there are other things that's running in my mind and i enjoy doing alone. (ok sabi ko nga parang loner lang..) 1. i love going to church and attending mass alone. ewan ko, mas gusto kong mag simba mag isa kesa mag simba with my fam or with my friends. im not the type who goes to church every week so siguro that's the reason why i want to attend mass alone --> to have a quality time with God. 2. my idea of a perfect weekend is to spend my "me time" in my pad watching feel good movies. 3. i enjoy walking my way home every afternoon. (ok exaj.. hanggang landmark lang.) i don't mind walking alone, actually i like it. it feels good roaming around makati with a perfect track playing on your i-pod. 4. i want to and i plan to go to a strange place, spending my precious 2-week vacation "alone" (na naman). wala lang, i just think it will be a great idea to go to a place where nobody knows you. this will be perfect for some soul searching! (naks!) hmm san kaya makapunta? sa isang country sa london! why not? haha sige libre naman mangarap..
hay, puro na lang "i"! puro na lang "me"! kelan kaya magiging "us"? kelan kaya magiging "we"? siguro sabi ni God, masyado daw akong independent lately kaya hindi pa nya pinapadala ang "yummy prince" ko. ok lang siguro, i can wait pa naman. i know and i believe that in God's perfect time, there will be someone waiting for me on the other side of the walkway with a "perfect smile" on his face, offering his hand to walk with me on my way home.. :)
isa sa mga paborito kong gawin pag pagod ako ay ang basahin ang blog archive ko. ewan ko.. nakaka-relax sya para saken. siguro natatawa ako sa mga katangahang sinusulat ko sa nakaraan at sa kasalukuyan. napapa-LOL ako minsan, minsan naman napapa aaawww nman ako.
as i was reading my posts, nagulat ako and ngayon ko lang na-realize na halos kalahating taon ko pala bina-blog yung hinayupak kong ex-mylabs! pakinangshet! ganon ko pala sya kagusto dati? i wonder why.. ano bang nagustuhan ko sa anak ng demonyo na yon? ngayon, naku! gustong gusto kong floor wax-an ang mukha nya para naman madagdagan ng shine ang cheeks nya sa pagka epal nya sa buhay ko..
(ok ok! enough of the bad ex-mylabs topic..)
so ayun nga.. nagbbrowse ako ng blog ko then natigilan ako dito sa post na to. shocks! onga no nag pray nga pala ko dati.. hanggang ngayon wala pa akong narereceive.. ni text or ym or email kay God wala! He seems to forgot my email address! shocks! kelangan kong mag follow up! kelangan ko na kulitin si God!
dear God,
pa-follow up naman po nung order kong yummy boyfriend.. please.. i can't wait dear God.. my life is almost perfect na, sya na lang po ang kulang. pa remind naman po si mr kupido para saken baka po kase nag-oover break na naman sya at nakakalimutan nya gawin yung assignment nya.. kung nakalimutan nyo na po yung email ko, comment na lang po kayo dito or itext ko na lang po sa inyo. i'll be more than willing to reply. thank you and i love you so much!
sana po paliitin nyo na yung big hips ko sige na po birthday gift nyo na saken.. i'm so depressed.. hindi ko nabili yung dress na gusto ko dahil sa big hips ko.. :( bakit ganon? life is so unfair! why do dresses like that comes in free sizes! wow! e pano na lang yung physically challenged women that has big hips like me?
after having the latest 48-hour shitty time of my life, this one really made my heart melt. last night pagdating ko sa bahay, i texted daddy.
gaze: dito na po ako sa bahay (template yan..) dad: bakit late kna anak? gaze: may ni-rush pa po kase akong work. dad: ok. kumain kna? may food kna ba? bumili ka na ba ng food mo? gaze: kakain pa lang. yup may food na ko kakabili lang. dad: ok. kain na!
hindi na ko nagreply.. hehe nood ako sex and the city.. nagtext na naman si daddy.
dad: anak gigisingin ka ba bukas? what time? gaze: yup 6. gisingin nyo ko ng 6.. (i wonder.. 6 ako nagpapagising everyday.. bkt 10 pa rin ako nakakapasok? hahahaha) dad: ok.. magpahinga kna. gaze: oker. good night! love you! dad: gudnite taba! love you!
aaaw.. after reading the last text napasmile ako.. alam ko mababaw pero natuwa ako. then i realized.. this is the first time that i felt good since wednesday!
dear God, you really know how to balance things for me. thank you for giving me wonderful parents. they always love me unconditionally. sa kanila walang network timeout na nagaganap. they are always there for me kahit na madalas akong mag brat attack. parati silang naka 777 sa lahat ng kelangan ko. and kahit na hindi kme magkasama alam kong anjan sila, isang server na nakaopen 24/7 para saken. sila ang ssh ng buhay ko.
nagsimula ang lahat ng ito sa paloko lokong chat lang.. hmm can't say if i like him.. all i know is that masarap sya kausap and gusto ko sya i-goodmorning everyday.
J.Y. : http://eddtong.tripod.com/ gaze: ano yan? J.Y.: ano yan gallery ng mga boylets gaze: hahahhahaa gaze: san mo nakuha yan? J.Y.: ewan sinend lng sakin J.Y.: kya sinend ko syo J.Y.: alam ko kc mahilig ka sa boylets hehehe gaze: hahahaha gaze: adik gaze: dapat anjan ka para matuwa namna ako J.Y.: hehehe anjan naman c sony gaze: hahahahaha gaze: hinde.. gusto ko si zaldy gaze: hahaha J.Y: hahaha tlgang naghanap ka pa e noh hehehe gaze: hahahahaa gaze: ikaw e gaze: dapat nag send kna lang saken ng malaking picture mo para mas masaya J.Y: hhehehe yan n lng baby pic ko hehe J.Y: asan k n ngyon J.Y: kala ko tutuloy ka d2 J.Y: so san k n ngyon gaze: dito sa makati gaze: ibang company
** dec 2006 ko nakilala si JY. bago pa lang ako sa trabaho nang nagulat na lang ako may isang doding dagang nag pop sa skype ko.. he seems friendly and when i asked him who he is, sabi nya "lingon ka sa likod mo.." pag lingon ko.. shet! ang cute nya lang.. **
gaze: si carlo madalas ko nakakachat e J.Y: ahhhh J.Y: astig J.Y: officially dating n b kau hehee gaze: hahahaha gaze: tayo officially dating na gaze: hahahahaha J.Y: haha J.Y: sa greenbelt un J.Y: c carlo gaze: yan kna naman e gaze: tinatawanan mo na naman ako gaze: ano ba yan ang hirap mo naman ligawan! gaze: hahaha J.Y: hehe langya 2, u are still your daddy's princess gaze: onga gaze: pero hindi naman bawal manligaw di ba? gaze: dali ligawan na kita go! gaze: hindi joke to gaze: mag start na ko ligawan ka ngyaon tapos sagutin mo ko after 2 months J.Y: hehhee, parang set-up ba yan J.Y: hehehe J.Y: 2 months gaze: oo gaze: hahahaha gaze: ako naman manliligaw e wag ka mag alala gaze: ako naman ang manliligaw ngayon.. maiba lang gaze: ano go kna?
** ikaw kase e.. kung mabilis bilis lang ang mga pangyayare dati e di wala nang paul na naganap.. nagcecelebrate na sana tayo ng anniv ngayon.. oh well.. keri lang..**
gaze: tumaba ka J.Y: oo nga e J.Y: san mo nakita gaze: sa multiply J.Y: mascot n nga ako ng langgunisang hubad gaze: hindi kna masyadong yummy gaze: di ba mas gumanda ko ngayon? gaze: para sayo yang pagpapaganda ko e J.Y: oo nga mejo pumayat k nga ngyon J.Y: nag jjogging ka ba gaze: hinde.. hindi lang ako makatulog at maka kain kakaisip ayo gaze: nag aaral na nga ako mag make up para matuwa ka naman J.Y: hehe as if naman dati nde ka nakamakeup J.Y: e halos punuin mo ng foundation ung mkha mo gaze: wow hindi ako nagmmake up gaze: natural yan gaze: hahaha gaze: ano ba mas gusto mo nagmemake up o hinde? J.Y: cmpre ung nde gaze: yay! kase hindi ako nagmemake up gaze: wagka mag alala sweetie.. gaze: wow may pet name na tayo! gaze: sweetie! gaze: sweeeeeeeeeeeeeeeeeeeet!
** onga nanliligaw ako.. ano ngayon? haha! i have the guts! maiba lang! sayang ang pagka sweet ko kung hindi ko gagamitin sa magandang paraan. bakit hinde? **
gaze: sana by christmas sagutin mo na ko J.Y: hahaha
-- haay sweetie.. sagutin mo na ko.. malinis naman ang intensyon ko sayo (yun naman!) bakit ba hindi mo sineseryoso ang offer ko? muka ba kong clown? masarap akong magmahal.. bakit hindi mo itry?
Some people misunderstood my attitude...
Some people got hurt with the way i talk..
Some people got angry because of my indifference...
But that's the real me... And i don't need to pretend just to please anybody!