Tuesday, April 08, 2008
F U R B!!!!!
eto lang..
--> I DON'T LIKE YOU EITHER!
etong sayo!
FURB! 100 times!
Tuesday, April 01, 2008
ang buhay ay parang videoke lang
CAREER:
--> hmm.. wala naman akong masasabe jan ngayon.. may mga plano ko pero hindi ko pwedeng sabihen.. hehe
--> sa project ko - ok naman.. happy naman ako sa kinakalabasan.. sometimes inaadmit ko na medyo napapabayaan ko sya (may pinoproblema kase ako.. sori naman.. minsan nadadamay ang trabaho..) pero maayos naman ang takbo nya sa kabuoan. maraming salamat sa butihin kong team leader naisasa ayos ang lahat.. (wow! sana nababasa mo to chrissy! ahahaha increase increase!)
--> FemaleNetwork.com --> shet wala akong masabe.. ito talaga ang nakakapag papagod saken.. pero ok lang.. baby ko to e.. hindi ko masyadong nararamdaman yung pagod dahil gusto ko yung ginagawa ko (yahoo! 80 pogi points for dora!)
FAMILY:
--> nagtapos na din sa wakas ang kapatid ko.. ngayon alam kong nakakahinga na ng maluwag ang parents ko dahil nakapatapos na kaming lahat.
--> kahit anong mangyare alam kong mahal nila ako at kahit kelan hinding hindi nila ko papabayaan..
FLASH REPORT!
kakatext pa lang saken ni daddy. naideposit na daw nya ang kanyang sustento. yahoo!!!!!!!!!!
FRIENDS:
--> ikakasal na ang pinaka mamahal kong kaibigan.. sa wakas matitikman mo na ang tinatawag nateng ...! natatandaan ko isa yan sa mga topic naten nung college.. na dapat iinform naten ang isa't isa kung ano bang feeling.. hehe! i'm glad at malapit mo nang maranasan yan.. ehehe
--> namimiss ko na kayo mga chong..
--> nag instant tagaytay din kame.. (biglaan lang dahil wala kameng makitang u-turn sa podium..)
--> pumunta nga pala kme nina gen at madam sa bataan.. sarap!!
LOVE LIFE:
--> hmm.. wala dedma lang.. madami akong iniisip ngayon wag kang magpakalat kalat jan.
ANG AKING MGA NATUTUNAN:
(sori naman mabilisan lang ako ngayon mag blog.. wala nang masyadong effort di gaya ng dati.. uber busy lang ako sa maraming bagay..)
adult na pala talaga ako. hindi na ko pwedeng chumill na lang ng chumill parati dahil iba na ngayon --> adult na ko.. iba na ang takbo ng buhay ngayon.. hindi na FN ang nakakapag paiyak saken, ibang bagay na.. ang buhay ay parang videoke lang.. ang points ay hindi nakukuha sa ganda ng boses. nasa lakas ng boses at timing lang yan. parang sa totoong buhay, diskarte at lakasan lang ng loob yan. at ang napatunayan ko ngayon sa yugtong ito ng aking buhay, marami pala talaga akong tunay na kaibigan.. :)
ay eto! lumo-LOL ako pag napapanood ko to.. haha!
PS: walang halong epekto ng alkohol yan.. tamang trip lang..
Thursday, March 27, 2008
awwww...
| 5 minutes |
wow parang alarm clock lang yan.. ang galing! natach ako super!
walang halong biro, hindi ko tlga inaasahan na ako ang mapipili mo she.. oo alam ko isa ako sa ento mo pero hindi ko alam na ako yung mapipili mo na pinaka importante sa lahat.. hanggang ngayon hindi ko alam kung anong irereak ko.. may proposal pang naganap! oo naman super gusto ko na ako ang maid of honor mo and super proud ako of that!
alam kong marami akong pagkukulang sayo lalo na nung lumaki tayo.. pasensya na kung hindi ako masyadong nakakareply sa mga texts mo minsan.. pasensya na din kung minsan hindi kita maupdate sa mga nangyayare saken.. busy lang ako.. pero wag mo sana iisipin na hindi ka importante saken.. shempre naman ikaw ang pinaka importante sa lahat dahil alam kong tayong 2 lang ang nagkakaintindihan parati..
masaya ako para sayo and sana magcontinue yung happiness mo.. i love you sister!
(sori naman she.. edit ko bukas.. minamadali ako ni bruno.. andito sya sa labas..)
Wednesday, February 06, 2008
yun lang..
Friday, February 01, 2008
naisip ko lang..
bakit?
--> kase kung hindi nyo naitatanong.. sampung taon akong pinag aral ng piano ng parents ko.. hindi ito simpleng piano lessons lang.. hindi ito piano lessons pag summer lang.. yung tipong piano lessons na karir talaga.. rain or shine, bakasyon o may pasok may piano lessons ako pag mwf!
musmos pa lang ako nung nag simula akong bumasa ng nota. mas nauna ko pang matutunan ang mag basa ng mga sharps and flats, ang staccato and slur, ang mga forte at ang fortissimo kesa matutunan ko ang multiplication table. i've spent almost half of my life playing the piano. sampung taon kong kasama sa pang araw araw na buhay ang piano ko at ang piano teacher ko..
nung isang araw, tinanong ako ng officemate ko kung ano ba ginagawa ko ngayon na something connected sa piano.. ang sagot ko.. "wala.." napaisip ako kinagabihan.. sabi ko shet.. oo nga.. dinrop ko lang yung pinag hirapan ko ng matagal na panahon. ang sama ko kase alam kong masaya ang lola ko pag nakikinig nya akong tumugtog. naisip ko ang perang ginastos ng mga magulang ko para masuportahan ang piano lessons ko.. naisip ko ang mga taong "humahanga" saken (oo naman! sa totoong buhay lang..)
natatandaan ko pa nung 9 yrs old pa lang ako, magsstart na mag lessons si yayie. kinausap ako ni mrs lector (piano teacher) na turuan ko daw si yayie ng techniques kase daw medyo hirap daw sya.. hindi daw kagaya ko, kahit na nung first lesson ko, iba na daw yung dating.. iba yung formation ng fingers ko basta may dating daw.. (sa totoong buhay lang din.. hindi ko makakalimutan yon..)
namimiss ko na yung feeling ng pinapalakpakan pagkatapos mong tugtugin ang piyesang pinadugo ang ilong mo para pag aralan at sauluhin. ang pag hanga ng mga taong nakikita at nakikinig akong tumugtog. ang mga sinasabi nila saken na "ang galing mo.." pagkatapos ng isang recital. ang mga papuri ng mga tao.. higit sa lahat, namimiss ko na yung pagkakataong napapatulog ko si lola sa rocking chair nya habang nakikinig sa pagpapraktis ko.
kailangan may gawin ako. kailangan hindi madrop yung dream saken ng lola ko. i know this is something that i'm good at.. kelangan hindi sya matapos ng ganon ganon na lang.. kailangan may gawin ako para sa kanila.. naisip kong ituloy yung pinaplano kong grand piano recital nung highschool pa lang ako.. it takes time i know.. kelangan ko ng funds and kelangan kong mag praktis!
anyway, ngayon pa lang pinag iisipan ko na kung anong mga piyesa ang tutugtugin ko sa araw na yon.. may naisip na akong finale at pinapangarap ko sya talaga sa ngayon. gusto kong matugtog kasama ang PPO ang piyesang ito..
alam kong hindi ito suntok sa bwan.. give me 2-3 yrs to prepare and raise funds. ayoko nang humingi sa parents ko ng money para dito. gusto ko sa araw na yon relaxed lang sila dahil ako lang ang mag aasikaso ng lahat. alam kong kaya ko to. tamad lang talaga ko.. pero kaya ko to. binlog ko to to remind me na meron akong goal and dapat matupad yon!
nga pala.. final na eto na yung finale piece ko (malay nyo maconvince ng daddy ko ang PPO).. sa katapusan sana may benedict pa rin na magaganap para may magbigay saken ng bulaklak ulit pagkatapos ng show (o bakit hinde? ako ang star!)..
Sunday, January 20, 2008
i miss you more..
namiss nyo ba ako? namiss ko rin kayo ng sobra.. namiss ko si mr blogger at si mushroom. it's been more than a week since i've updated my blog kaya nagdedemand na si banker saken. super flattered ako nung sinabe ni mushroom na "nakaka tanggal ng stress" daw pag binabasa nya mga posts ko. nakakatuwa naman na natutulungan kitang ibsan ang lungkot mo sa maliit kong paraan. hehe!
bakit nga ba ako hindi nagbblog?
1. wala akong isusulat.. hindi naman ako malungkot hindi rin naman ako masaya.. sakto lang.. tamang steady lang..
2. busy busihan ngayon ang lola mo.. hanggat maaari ayoko nang mag rant about work (besides. wala naman akong nakikitang ka rant rant ngayon..) gusto kong mag sori sa mga kaibigan kong hindi na ako masyadong nahahagilap sa ym at kay gen na hindi na ko masyadong nahihigit para mag shopping. sa ngayon eto muna ang priority ko. consider this as my last shot kaya tinatry kong ibigay ang 96% ko (0.. bawal mag reak.. fn is not the center of the solar system!).. don't worry hanggang april lang naman akong magpapaka bait sa trabaho so after non pwede na ulit tayong pumetiks to the max!
3. idle ang puso ko ngayon. ayoko nang mag bigay ng meaning sa mga nangyayare sa buhay pag ibig ko.. sabihin na nating napapagod na ako sa mga nangyayare ngayon.. puro testing na lang! nakakapagod lang.. hoy ikaw! kung ano man yang pinag gagagawa mo ngayon eto lang ang sasabihin ko.. "wala akong pakielam! at hinding hindi na ako magpapahulog sa bitag mo!"
ano ano ba ang gusto kong gawin?
1. gusto ko nang matapos ang project ko.. (wow! kakasimula lang nakaka sense nko agad ng pagka inip!) hindi naman ako naiinip.. actually gusto ko ang takbo ng mga pangyayare. maayos kong nakakausap at nakakatrabaho ang mga taong involved. a lot better than the last time. super! :)
2. gusto kong mag voice lessons.. (e bakit hinde?) pangarap ko talagang makanta ang fly like a bird ni mariah.. ang sarap lang pakinggan..
3. gusto kong matutong mag luto.. para syempre pag nag asawa na ako, may breakfast in bed nang magaganap!
4. i want to have a part-time job.. oo alam kong mayaman na ko.. pero gusto kong mas yumaman pa! haha chika lang.. wala lang.. para pag may nagtanong saken kung anong pinagkaka abalahan ko, sasabihin kong "2 ang trabaho ko!" taray!
5. i want to try a different world elsewhere.. basta.. kung ano man yan ang mga close and trusted friends ko lang ang nakaka alam..
--lastly--
6. i want to bring back my faith.. yes i know, alam ko na ang mga sasabihin nyo.. i do believe in Him pero hindi ko alam habang lumalaki ako....... sa mga hindi nakaka alam, pinalaki ako ng lola ko sa simbahan. lumaki ako sa sunday school, been a choir member, pianist sa church, at VBS teacher before.. basta.. name it at nagawa ko yun for Him.. masasabi kong naging servant ako before pero hindi ko alam kung bakit habang lumalaki ako bigla na lang syang natigil. but right now, im trying.. talaga.. im trying to bring it back.. one step at a time until maging ganon ulit ako.. basta mahirap iexplain.. marami kase akong questions.. basta..
so yan na naman mag didisclaimer na naman ako! haha!
DISCLAIMER:
sa mga tumaas ang kilay:
walang sinoman ang may karapatang mag judge saken hinggil sa pinost
ko sa number 6! you don't know me that much so better shut your mouth at
makakatanggap lang kayo ng pambabara saken..
ok chill!
yun lang.. hanggang sa muli! i love you all! :D
Tuesday, January 08, 2008
certificate of completion
i was so touched when my sensei awarded me this certificate after completing my first course --> Flirting 101ok tama na ang ingles.. nandito ako para magpatunay. mga girls! totoo sya! effective! These are the things that i've learned after taking the course:
1. the act of making friends. kaibiganin mo ang iyong minamahal. this is a win-win situation. friends nga lang kayo at first pero ayaw nyo non? kikiligin ka na, you'll get to know him better pa..
2. the art of simpleng pagpapacute. wag kang magmaganda araw araw. meaning, wag kang maging constant sa get up mo everytime magkikita kayo.. hayaan mong mamiss nya ang iyong kagandahan. balang araw pati kulay ng kuko mo sasambahin nya. promise!
3. the power of deadma. pag hindi nag work yung first two, eto na ang plan b. deadmahin mo! promise 100% effective --> magpapapansin yan sayo. pag nagtext sya, mga after 30 mins ka mag reply or wag ka mag reply at all. promise tingnan ko lang kung hindi mabaliw baliw yon kakahintay sayo.
4. the beauty of being a bitch. oo bitch ako! e bakit hinde? at least hindi ako tatanga tanga. minsan kase mas ok na mag reak ka in a way na opposite sa iniisip nyang irereak mo. in this case, iisipin nyang hindi naka depende sa kanya ang emotions mo at hindi nya maiisipang magfeeling.
after taking this course eto ang narealize ko:
--> ayoko sa lalakeng walang b*yag! ayoko sa lalakeng walang sariling desisyon. wag kang dumepende sa sasabihin ng ibang tao! kung gusto mo e di gusto mo. kung ayaw mo e di wag! mabilis akong kausap. kung ayaw mo, hayaan mo akong mag move on. kung gusto mo e di go! bakit pa naten papatagalin? ganon lang kasimple. (wow ang angst!)
to banker:
pag naging kme na mag eenroll ulit ako sayo.. pero ibang course na.. hahahahaha!
Monday, January 07, 2008
resume
DISCLAIMER:
ETO AY ISANG KATUWAAN LAMANG.. KUNG KAYO AY MAKALUMA, MAGANDANG WAG NANG BASAHIN ANG MGA SUSUNOD KONG ISINULAT. WALA AKONG READER NA SARADO ANG UTAK!
--> ok chill! eto na..
| job objective | to find my better half and be an "ulirang" housewife in the future.. |
| education | graduated in my lola's pangaral |
| work experience | january - june 2006 |
| worked as a part-time girlfriend | |
| - walang kiss na naganap | |
| - movies, dinner, hhww | |
| may 2005 - april 2006 | |
| worked as a full time girlfriend | |
| - movies, dinner, hhww, hugs, kisses, cuddles | |
| -- ayoko nang ilahad ang iba.. yung 2 most recent lang.. haha! -- | |
| technical skills | magaling akong kumiss! |
| uber sweet | |
| thoughtful | |
| corned beef | |
| surprises | |
| pet names | |
| independent (pagdating sa love..) | |
| at cute! (bakit hinde?) | |
| trainings attended | mushroom's flirting 101 class |
| september 2007 - prensent | |
| - learned how to react in unexpected situations | |
| - learned how to catch man's attention | |
| seminars | the break-up diaries seminar (Cosmo book seminar held in our school) |
| Feb-04 | |
| work-related courses | Have read the following books: |
| 1. the break-up diaries | |
| 2. men are from mars women are from venus | |
| 3. why men love bitches | |
| 4. he's just not that into you | |
| character references | will be available upon request.. |
--> alam kong hindi pa ko pwedeng mag asawa.. kaya nga kumukuha ko ng experience e.. hehe :D
Friday, January 04, 2008
"you're not good enough for me" --> DUH!
"kht sabhin mo sken na you're not good enough for me.. if ganyan tingin mo, then i wanna be bad para parehas na tayo." -- gen
huwaaw! muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko nang mabasa ko yang post mo na yan pare.. i feel you sobra.. pero magkaiba tayo kung ako magsasabi nyan baliktad ang sasabihin ko --> "i wanna be good para parehas na tayo.." haha!
taenang pagmamahal yan.. tama si banker ang gusto mo may gustong iba yung ayaw mo naman hinahabol ka.. bakit nga ganon no? bakit nga ba kelangang mag nosebleed ka muna bago mo malaman ang spelling ng L-O-V-E na yan? bakit nga ba kelangang patubuin muna lahat ng pimples mo bago mo malaman ang mga kasagutan sa mga tanong mo? napaka ironic nga naman ng pag-ibig na yan. pag masaya ka, hindi ka maka kain hindi ka makatulog.. pag naman malungkot ka ganon din.. parang adik lang di ba? nakakasakit ang magmahal pero bakit ganon we keep on looking for love?
i pray for world peace.. nakakapagod magmahal.. un nman oh hahahaha joke lang. ill pray for you too.. pray for me din ah..-geni
sabi ko nga sayo kahit 3 times a day pagpepray kita. chong gagawin ko ang lahat sumaya ka lang.. mashado ka kaseng mabait e.. hay.. minsan may masamang naidudulot ang sobrang kabaitan. tingnan mo nakakatanggap ka ng ganyang speech.. haha bakit kaya wala pang nagsasabi saken ng ganyan? hindi daw kase ako mabait.. e ano ngayon? haha! eto lang chong.. isheshare ko lang ang sinabi saken ng lola ko dati sabi nya "pag mahal ka ng lalake, hindi ka nya sasaktan or gagawa ng anything na alam nya na makakasakit sayo.." napatunayan kong totoo yan nung nasubaybayan ko ang love story ni she and arman. di ba? kahit kelan hindi naman umiyak saten si she because of arman?
hay.. wag ka mag alala.. parating na sila.. nararamdaman ko.. nag pray na ako e.. malay mo hindi pa lang sila pinapanganak.. haha chika lang! basta.. chill ka lang jan.. wag mo mashado dibdibin ang mga nangyayare.. praktis lang yang mga nangyayare sayo.. pineprepare ka lang ni God for the "real thing". basta.. alam ko mas yummy pa sa kanya ang ibibigay nya sayo.. have faith!
Thursday, January 03, 2008
dear God
dear God,
alam ko naman na may hinahanda ka para sa aken. pero pwde bang humingi ng kaunting wish? minsan lang naman ako mag wish.. (minsan lang kase ako mag pray.. sorry po..) pwede bang ipakilala mo na sya saken? kahit this year? kase napapagod na ako sa mga trial and error na boys. kahit na hindi muna maging kame, malaman ko lang kung anong pangalan nya. at least pag alam kong galing sayo may lifetime warranty at walang virus na kasama. pleeeeaaassseee..
ay Jesus, sana pala yung guy na papakilala mo saken sana po christian, gwapo, mayaman (aba shempre ang ganda ko namang sugar mommy pag nagkataon!), matalino, yummy, may humor, yung mamahalin nya yung family ko at mga kaibigan ko, at yung ipapamper ako ng bigtime. ay Jesus wag mo na ibigay saken yung hinihingi ko sayo last year. ayoko na sa kanya kumikirot ang puso ko pag naaalala ko sya (yun naman..) iba na lang ibigay mo saken dear God. yun lang naman po. maraming salamat in advance!
PS:
ayoko nga pala po ng lalaking papasakayin ako sa jeep. please dear God. Sana may naimbento nang koche sa buhay nya pag pinakilala nyo na sha saken.
love you more!
barbee^
"The LORD God said, It is not good for the man to be alone. I will make a helper suitable for him" (Genesis 2:18).
