Friday, February 01, 2008

naisip ko lang..

Posted by Gaze at 1:08 PM
hindi ako pinatulog ng aking konsensya nung isang gabi. paulit ulit kong naiisip na ansama kong tao..

bakit?

--> kase kung hindi nyo naitatanong.. sampung taon akong pinag aral ng piano ng parents ko.. hindi ito simpleng piano lessons lang.. hindi ito piano lessons pag summer lang.. yung tipong piano lessons na karir talaga.. rain or shine, bakasyon o may pasok may piano lessons ako pag mwf!

musmos pa lang ako nung nag simula akong bumasa ng nota. mas nauna ko pang matutunan ang mag basa ng mga sharps and flats, ang staccato and slur, ang mga forte at ang fortissimo kesa matutunan ko ang multiplication table. i've spent almost half of my life playing the piano. sampung taon kong kasama sa pang araw araw na buhay ang piano ko at ang piano teacher ko..

nung isang araw, tinanong ako ng officemate ko kung ano ba ginagawa ko ngayon na something connected sa piano.. ang sagot ko.. "wala.." napaisip ako kinagabihan.. sabi ko shet.. oo nga.. dinrop ko lang yung pinag hirapan ko ng matagal na panahon. ang sama ko kase alam kong masaya ang lola ko pag nakikinig nya akong tumugtog. naisip ko ang perang ginastos ng mga magulang ko para masuportahan ang piano lessons ko.. naisip ko ang mga taong "humahanga" saken (oo naman! sa totoong buhay lang..)

natatandaan ko pa nung 9 yrs old pa lang ako, magsstart na mag lessons si yayie. kinausap ako ni mrs lector (piano teacher) na turuan ko daw si yayie ng techniques kase daw medyo hirap daw sya.. hindi daw kagaya ko, kahit na nung first lesson ko, iba na daw yung dating.. iba yung formation ng fingers ko basta may dating daw.. (sa totoong buhay lang din.. hindi ko makakalimutan yon..)

namimiss ko na yung feeling ng pinapalakpakan pagkatapos mong tugtugin ang piyesang pinadugo ang ilong mo para pag aralan at sauluhin. ang pag hanga ng mga taong nakikita at nakikinig akong tumugtog. ang mga sinasabi nila saken na "ang galing mo.." pagkatapos ng isang recital. ang mga papuri ng mga tao.. higit sa lahat, namimiss ko na yung pagkakataong napapatulog ko si lola sa rocking chair nya habang nakikinig sa pagpapraktis ko.

kailangan may gawin ako. kailangan hindi madrop yung dream saken ng lola ko. i know this is something that i'm good at.. kelangan hindi sya matapos ng ganon ganon na lang.. kailangan may gawin ako para sa kanila.. naisip kong ituloy yung pinaplano kong grand piano recital nung highschool pa lang ako.. it takes time i know.. kelangan ko ng funds and kelangan kong mag praktis!

anyway, ngayon pa lang pinag iisipan ko na kung anong mga piyesa ang tutugtugin ko sa araw na yon.. may naisip na akong finale at pinapangarap ko sya talaga sa ngayon. gusto kong matugtog kasama ang PPO ang piyesang ito..



alam kong hindi ito suntok sa bwan.. give me 2-3 yrs to prepare and raise funds. ayoko nang humingi sa parents ko ng money para dito. gusto ko sa araw na yon relaxed lang sila dahil ako lang ang mag aasikaso ng lahat. alam kong kaya ko to. tamad lang talaga ko.. pero kaya ko to. binlog ko to to remind me na meron akong goal and dapat matupad yon!

nga pala.. final na eto na yung finale piece ko (malay nyo maconvince ng daddy ko ang PPO).. sa katapusan sana may benedict pa rin na magaganap para may magbigay saken ng bulaklak ulit pagkatapos ng show (o bakit hinde? ako ang star!)..
 

barbee Copyright © 2010 Designed by Ipietoon Blogger Template Sponsored by Online Shop Vector by Artshare