Tamang bigat lang ng araw ko kahapon..
narrator: kakadating ko lang sa opisina.. mga bandang 10.. (ehem hindi ako late..)
gaze: (action to..) tamang chumichill..
sysad: (action din ito..) nag pm kay mark.. at sinabing "chever chever.. migration eklat eklat.."
mark: (action din ito..) kinalabit si gaze at sinabing "may migration tayo ngayon di ba?"
gaze: wow! anong migration?
mark: fn
gaze: fn?! wow hindi ko alam yun.. ok..
narrator: sa madaling salita, naubos ang buong maghapon ko kaka debug at kakabantay ng site.. kapagod! may usapan kameng magkakaibigan. kelangan namen damayan ang isa pang kaibigan. pag dating ng hapon sumakay ako ng tren papuntang q ave. wow! ang dami lang tao! ang init! ang sikip! akalain mong nakita ko yung nepa q mart na karaniwang sa bandila ko lang napapanood? bumaba ako ng q ave, hinintay sina bruno (antagal lang..) at sumakay ng jip.. malayong malayo.. hindi ko na alam kung saang place na yon.. basta ang alam ko nun lang ako nakatuntong don.. dumating kme sa paroroonan namen.. pag bukas ko ng pinto.. TENTENENEN!
Thank you Lord! may nangyaring maganda sa araw ko.. haay..
oo.. alam ko na ang sasabihin mo! wag kang mag reak.. wala kang pakelam.. kumuha ka din ng mga pictures kung gusto mo!
shocks.. likod pa lang ulam na! pahingi ngang kanin!
aileen: tabihan mo na kase
gaze: ayoko nga hindi ko kaya.. nangangatog ang tuhod ko..
lol! bakit hinde? hay budj.. ikaw talaga ang superman ng buhay ko.. tamang pampagising sa nakakaantok na araw, pampangiti sa buraot kong araw sa opisina at pampadagundong sa dibdib kong matagal nang hindi tumitibok.. tayo na kase e.. now na!
by CCC | Charmaine C Castillo
8 years ago