Monday, November 26, 2007

e wala akong maisip na title..

Posted by Gaze at 1:52 PM
wow! ayoko na! nakakapagod na talaga.. aysus ilang beses ko na ba to sinabi? mga chong try naman naten wag pansinin ang mga lalake sa buhay naten! try kaya naten wag mag reply sa mga text nila? or wag pansinin ang pagpapacute nila? wow ang lakas ng loob ko na naman magsalita hindi ko naman mapangatawanan! e pano kayo ba kaya nyo bang hindi bumigay sa temtasyon?

parang kagabi lang nag iimagine ako, what if bumagyo kaya ng cute guys dito sa ortigas? wow pag ganon hindi ako magpapayong wala akong pakelam kahit sipunin ako sa ulan.. hahaha! don't get me wrong.. naglalaro lang ang utak ko kagabi.. e pano nga kaya kung ganon? ang saya lang sana..

baka meron akong tatawaging date this week or next week.. maiba lang.. malay nyo sya na.. malay nyo madivert na yung attention ko this time.. pero leche kase e parang parati na lang ganon.. parating sa simula lang.. hay.. ano kaya isusuot ko? go! suggest!

Friday, November 23, 2007

shot! shot!

Posted by Gaze at 8:23 PM
maraming nagtatanong saken kung bakit hindi pa ko nag uupdate ng blog.. wala kase ako maisip na iblog e.. malamang ang papatakan sa knya na naman ang isusulat ko.. kung alam nyo lang mga chong.. tinatry kong maging parang tropa lang ang tingin ko sa knya.. yung tipong mag kumpare lang pag magkasama kame.. oh well.. kung hindi nyo naitatanong, in a way tanggap ko na na olats talaga..

anyway kaya ako nag blog ngayon, marami kase sa mga kaibigan ko ang namomroblema sa pag ibig ngayon.. sinusuportahan ko kayo sa mga nagiging desisyon nyo sa buhay sa paniniwalang matanda na kayo at alam nyo na ang ginagawa nyo. sino ba naman ako para pigilan ang kaligayahan nyo? and i am happy that you are happy! parati nyo lang tandaan na nasa likod nyo lang ako.. sabi ko nga sa inyo marami akong baong tissue araw araw so when you feel like crying alam nyo na kung kanino tatakbo. alam ko naman na alam nyo na mahal na mahal ko kayong lahat at ako ay isang kaibigan. adik man ako madalas kausap pero tandaan nyo na naiintindihan ko ang sitwasyon nyo. at kaylanman ay hindi ko kayo ijjudge sa mga desisyong ginagawa nyo. kung marami saten ang bigo sa pag ibig ngayon, eto lang ang tatandaan nyo at ikokowt ko ang sabi ni banker saken and isheshare ko rin sa inyo.. "mga etits lang yan! pekpek still rules!" ang bastos lang pero totoo yun! mga lalake lang yan mga chong! we can be happy without them..

kung meron man tayong ineenjoy ng lahat yun e yung pag shot! eto yung isa sa mga shot sessions naten sa beach.. mga pakshet hindi ko alam na ako pala ang kinukunan dun! ahaha!


Wednesday, November 14, 2007

Just One Dance

Posted by Gaze at 3:19 PM



sorry.. ilang araw na talaga ako malungkot.. pinipilit ko lang maging hindi.. mga pare sori naman hayaan nyo na lang na maramdaman ko to para pag dating sa saturday baka ubos na ang kalungkutang ito.. maraming salamat sa mga nagcomment sa multiply ko.. super nakaka uplift promise.. pero sorry talaga.. im in pain right now.. don't worry i know it will pass..

Tuesday, November 13, 2007

announcement! announcement!

Posted by Gaze at 2:41 PM
mga pakshet kayo! hahahaha nakakapagod pala mag asikaso! hahahaha! e kamusta naman nababasa ng boss ko ang mga pinaggagagawa ko dito sa opisina? pero since love ko kayo ok lang.. so eto nag come up kame ni gen ng revised list ng mga kelangan natin bilhin para sa food naten.. approximately magkano kaya magagastos naten for food?

things to buy:
1. plastic spoons, fork, plates and cups
2. tissue
3. bbq sticks
4. dishwashing liquid
5. pork --> liempo
6. fish --> tilapia?
7. corned beef (for the pasta)
8. onions
9. garlic
10. palm oil (hehe)
11. hotdog (cheese dog purefoods)
12. marshmallow
13. chips
14. pasta noodles (1/2 kilo)
15. uling
16. kamatis
17. itlog na maalat
18. bigas
19. 2 century tuna (1 spicy, 2 regular) in vegetable oil
20. saging! (sori naman gusto ko nyan!) -->lakatan
21. beef tapa
22. lumpia wrapper
23. eden cheese
24. spaghetti sauce
25. ground pepper
26. saba
27. brown sugar
28. toyo
29. suka
30. kalamansi
31. sugar
32. coffee
33. creamer
34. milo
35. mama sitas bbq marinate

hahahaa! ay gen sori naman gusto ko mag reak.. kelangan talaga palm oil? hahahaha! so eto na yung updated list.. kung meron kayong objections, violent reactions or kung meron kayong gustong ipadagdag kindly include na lang sa mga comments nyo. divide na lang naten yung expenses pag dating dun.. magggrocery na kme ni gen sa friday. ok?

--> ay she sabihin mo kung ilang kilong pork and ilang kilong tilapia yung bibilhin namen.. pwede bumili non sa supermarket di ba?

LAHAT NG KASAMA AY REQUIRED MAG COMMENT! MAG LAGAY NG APRUB KUNG APRUB AT I OBJECT KUNG TUTOL? OK? AY WAG KAKALIMUTANG MAG LEAVE NG PANGALAN SA COMMENTS.

love you all! mwah!

Monday, November 12, 2007

trip na trip with college friends

Posted by Gaze at 10:13 AM
wow! akala ko hindi ko na matitikmang mag beach ngayong 2007! uhm.. as promised eto na yung list of plans, menus, tasks and assignments nating lahat..

so here's the plan:
1. magmmeet kme ni gen ng friday night para mag grocery at bumili pa ng ibang kailangan..
2. mimeet namen si arman sabay deretso sa airport para sunduin si she..
3. punta na kme laguna.. (arman's house)
4. sat morning magmmeet na sina madam, rc and aileen sa makati..
5. punta na arman's house para imeet kme..
6. go na! punta na sa destination..

things to buy:
1. plastic spoons, fork, plates and cups
2. tissue
3. mineral water? --> wala pa ba dun?
4. dishwashing chuva
5. pork --> liempo
6. fish --> tilapia?
7. potatoes
8. onions
9. garlic
10. mantika
11. hotdog
12. marshmallow
13. chips
14. pasta noodles
15. uling
16. kamatis
17. itlog na maalat
18. bigas
19. tuna
20. saging! (sori naman gusto ko nyan!)
21. barbeque sticks
22. paminta
23. toyo
24. suka
25. kalamansi
26. sugar
27. coffee
28. creamer

menus:
sat lunch: chicken and pork adobo --> fresh from hong kong + saging
sat dinner: grilled liempo + grilled tilapia + kamatis + itlog na maalat + saging (sori naman bawal saken ang seafoods hahha!)
sun bfast: corned beef with onions and potatoes (ako na lang magluluto nun please.. specialty ko yun e..) + luncheon meet + siningag + saging (wow super heavy!)
sun lunch: menudo + saging

PS. may special request si rc.. gusto daw nya ng spaghetti.. yes daw sabi ni cook!

activities:
uhm bahala kayo kung anong gusto nyo gawin.. basta ako go lang ako kahit san.. pero may requirement ako.. kelangan naten mag videoke dahil gusto ko kumanta ng dancing queen! hahaha bakit hinde?

tasks:
eto ang assignments nyo na dapat sundin.. ang hindi sumunod may parusa!
rc: driver, taga ihaw
aileen: taga punas ng pawis ni driver.. inspirationg ng driver.. taga hain..
she: cook!
arman: taga paypay kay cook.. taga ihaw..
madam: taga bantay ng sinaing.. since madali lang naman ang task ni madam, uutusan kita magdala ng kutsilyo para may pang hiwa si cook.. ibalot mo na lang sa papel..
gen: taga hugas ng pinggan..
gaze: mayordoma.. taga utos.. hahaha bakit hinde?

so ok na? basta kitakits na lang.. wag kalimutan ang mga assignments nyo! try namen bilhin ni gen ang ibang kaya namen dalhin.. ok?

gen, kelangan naten mag meet siguro ng mga bandang 7.. kelangan naten mag grocery..

she, sabihin mo kay manong airplane na bilisan nyang mag drive para makarating kna agad ng pilipinas..

arman, bilisan mong mag program ng friday nang may kasama kme ni gen pagbubuhat..

aileen and rc, kontakin nyo si madam regarding sa tagpuan nyo..

madam, try mo matulog ng mga 2 am sa office para hindi ka masyadong pagod.. hahaha! nothing to lose last day mo na jan nun e..

ay isa pa pala.. sa mga lovers out there bawal ang masyadong sweet! baka mainggit kme.. hahaha! buti naman sumama si madam.. akala ko kme na naman ni gen ang magkadate e.. hahaha!

oks na lahat! i can't wait shet! namimiss ko na kayo ilang weeks ko na kayo hidni nakikita! see you! mwah mwah mwah!

Sunday, November 04, 2007

Posted by Gaze at 4:07 PM
dear mylabs,

eto na siguro ang huling beses na tatawagin kitang mylabs sa puso ko. narating ko ang finish line, wala ka don. hindi na ko nag atim na hanapin ka pa o maghintay pang muli. hindi ko alam kung nasan ka.. baka naman andon ka, ayaw mo lang magpakita saken? o baka naman naisipan mo na lang na chumill at makipagchat jan sa bahay nyo? ayoko nang maghanap pa ng kasagutan.. hindi ko alam.. ang alam ko lang dumating ako dun at wala ka.

lumipas na ang deadline ko sa sarili ko. ayoko nang bigyan pa to ng extension. nakaka gutom palang maghintay sayo mylabs! i give up! siguro hanggang dito na lang talaga tayo.. siguro wala talagang "right time" para saten.. hindi ko na kayang maghintay ng tatlo pang taon para sayo.. masakit na rin ang likod ko kakahintay..

hindi ako magpapaka plastik pag sinabi kong hindi ako umasa sayo.. you just don't know how often i dream of finally knowing what it feels like to be in your arms.. libre din naman mangarap di ba? oh well.. life's like that.. ok lang.. huhuhu

ang wish ko sayo? sana maging happy kna.. sana mahalin ka din nya at maging masaya na kayong dalawa.. at pag nangyare yon? sana hindi ko na kayo nakikita o kaya naman makayanan kong pumikit pag anjan kayo sa paligid ko. don't worry ok lang ako.. magssmile pa rin ako sayo pag nakasalubong kita..


as a little girl i believed in wands, fairies, fairytales.. then you came
and i believed in prince charming.. but u made it hard to believe in happily ever after.. so i decided to leave, not because i dont love you, but because.. little girls grow up too...

hanggang dito na lang ang pagpapaalam ko sayo.. siguro may mga bagay lang talaga na hindi na dapat pang sabihin. siguro may mga tanong na hindi na kelangan pang sagutin.. sabi nga nila "no answer is your answer.."

damang dama ko talaga tong kantang to.. para sayo to mylabs! mamimiss kita!



love,
barbee^

Monday, October 29, 2007

site revamp.. (again?!)

Posted by Gaze at 7:20 PM
di ba? nagimbal din ba kayo? for the nth time mag rerevamp na naman ako ng site ko! woohoo! last friday big boss told me that not-so-shocking news.. kung baga hindi na ko masyadong nagulat.. i was expecting for it.. kase naman si bm nagpahiwatig nung nakaraang linggo about the site.. so i expected the worse.. and shoot! ayun nga!

first reaction was.. uhm.. blangko.. ewan.. na immune na siguro ko sa ganon.. it's my third time and naubos na siguro lahat ng luha ko sa site na yun.. yes mga friends.. iniiyakan ko sya dati.. syempre baby ko yun e.. maraming beses ko tong pauulit ulitin it's really a dream come true to be working on that site.. i can still remember nung college sabay pa kme ni she na nagbabasa sa forum non and of all the sites ng company ko, sya lang talaga yung vinivisit ko kahit na nung dati pa.

pangalawa.. maaantala ang mga plano ko sa buhay dahil sa revamp na yan.. shempre.. gusto kong maging maayos ang site ko bago ang lahat.. at hindi ko hahayaang iba ang hahawak ng site na yon.. my baby is my baby.. ok?

last friday hindi ko pa naabsorb lahat ng mga sinabi saken ng boss ko.. may kasalanan pa nga ako kay boss chief.. ehehe hindi ko kase nilive yung pinapalive nya saken that day.. sori naman.. feeling ko kase that time hindi na ko makahinga sa opisina so i decided na mag log out na and next week ko na lang iuup.. sori naman.. don't worry iuup ko sya first thing in the morning bukas.. hay..

am i doomed to fail? good Lord! i've worked my ass off for that site pero bakit ganon pa rin ang nangyayare? parang cycle na lang parati.. akala ko ok na then all of a sudden may mga ganong pangyayare.. hindi ako nagagalit.. nakakadown lang minsan.. :(

ganon pa man.. nag iisip pa rin ako ng something positive sa mga pangyayaring ito.. although sa ngayon hindi ko pa sya ma figure out but don't worry i'll still do my job.. syempre papabayaan mo ba ang baby mo? wag kayong mag alala hindi ako gagawa ng desisyon hanggat hindi ok ang site ko.. kelangan ko lang talaga ng maraming maraming chocolates para matabunan ang kalungkutang ito..

pag may nagtanong saken.. "ano ang favorite past time mo?" ang sagot ko.. "uhm.. mag revamp ng site??" hahaha chika lang..

Friday, October 26, 2007

big day

Posted by Gaze at 12:46 PM
ang gaan ng pakiramdam ko ngayon gabe.. nag meet kme ni madam kanina.. pinapag usapan namen ang mga magaganap bukas.. hay shet mylabs.. can't wait to see you again.. nung monday ko pa to naiisip.. hindi nga ako nakatulog nung isang araw kaka isip lang ng mga magaganap ngayong friday.. hay shet bakit ba hindi ako masyadong nakapag prepare.. pero ok lang.. ang mahalaga, maganda pa rin ako.. hahaha

ok lang naman mag maganda minsan di ba? mga pare hindi pa naman ako lumalabag sa mga batas ng sweet girls club di ba? ay sa mga hindi pa nakakaalam, ako ang PRO ng sweet girls club.. hay shet, ano kaya magaganap bukas? woohoo i can't wait..

gusto kong magsuot ng headband na color gold.. para mukhang mahinhin.. hay shet.. umeeffort ako para sayo mylabs! nakakatawa lang kase kagabi natulog akong naka headband para if ever makita kita sa panaginip ko maganda pa rin ako.. ahahaha! nagpapraktis na ko.. kase minsan sumasablay ang talent ko sa pagpapacute e.. ayoko naman umeffort ng masyado kase baka isipin mo excited ako.. hindi naman.. sing haba lang ng express way ang preparation ko para lang sa araw na to..

umaasa akong madadaan kita sa ngite at sa kuko kong kulay dilaw. minsan kase gusto kong isipin mo na dalaga na ko.. leche kase parang ako lang naman ang nagsisilbing clown ng buhay mo.. wag naman ganon kase minsan kinikilig ako pag kasama kita tapos yun naman pala in the back of your mind gusto mo lang mag laf trip! ang olats di ba?

anyway.. uuwi na ko mga chong.. marami pa akong gagawin.. ang bukas ay isang magandang araw para saken.. wish me luck!

Sunday, October 21, 2007

i'm on my way..

Posted by Gaze at 7:55 PM
hay shet.. akalain mong sa tagal ko nang blogger ngayon ko lang nalaman kung san mo iseset ang title? ang chimoi e no? hehe..

BABALA:
ANG AKDANG ITO AY PUNO NG KABADUYAN SUBALIT PUNO NG KATOTOHANAN AT DAMDAMIN.. (inuunahan ko na kayo dahil alam kong maraming magrereak jan na nakakadire lang yung post ko..)


sino pa nga ba ibblog ko? sino pa ba? e di si mylabs.. hay.. bakit hinde?

i miss you more mylabs.. para kelan lang ay magkasama tayo.. nagtatawanan.. naglalambingan (ayun naman! asa pa u gaze!) chika lang.. ilang araw pa lang ang nakakalipas at hinahanap hanap na agad kita (sabi ko sa inyo e.. nakakadire lang..) busy ka ba? umalis ka ba nung weekend? naiisip mo din ba ko? siguro sugat sugat na yung dila mo dahil ikaw parati ang bukang bibig ko e.. (yikes! erase erase!)

hay.. onti na lang.. im almost there.. isang hakbang na lang mahuhulog na talaga ko.. ayoko ng ganito dahil alam kong olats naman ako sayo.. masarap yung feeling ng nagmamahal pero di ba mas masarap yung feeling na alam mong mahal ka din ng minamahal mo? ayun lang naman.. malapit na kase yung deadline ko.. so naisip ko, kung pwede.. bago man ako humakbang paharap,pwede bang maupo muna ko sa isang tabi at ienjoy yung feeling? malapit na ko.. hindi ko alam kung anong mangyayare pag sapit ko sa finish line.. marami ako iniisip.. pag dating ko ba dun naghihintay ka ba saken para sabihin yung 3 magic words? o ang madadatnan ko lang ay isang banner na may nakasulat na "transaction unavailable, please try again later.."

sa pag upo kong ito wala akong ibang iniisip.. ineenjoy ko lang lahat.. wala akong pakielam sa iba.. basta ikaw at ako lang.. yun lang.. i don't care of whatever people think of me.. basta alam ko ok tayo.. shet para kang butong pakwan.. ang sakit mo sa ngipen.. haha! hinde joke lang.. nakaka adik ka lang.. tara na! pasok kna sa bag ko! iuuwi na kita!

Wednesday, October 17, 2007

Posted by Gaze at 12:28 PM
"why do birds suddenly appear everytime you are near.. just like me they long to be close to you.." huuu! arman namimiss na kita! naalala mo ba yang song na yan? kanina kase nagparamdam ka sa friendster.. shet nalungkot ako.. namimiss kita bigla..

lam mo armantot, nung tinitingnan ko yung friendster mo kanina biglang bumalik saken yung mga moments naten nung college.. yung mga pagtambay naten sa caf non.. yung mga times na natatalo ka sa tong its.. yung boxing sa timezone kada hapon.. yung mga kulitan moments naten sa as400 class.. yung mga times na parati tayo sabay umuuwi.. yung mga moments na tawang tawa ko dahil pinagseselosan ako ng ex mo.. yung mga times na pinapag selosan ka ng ex ko.. yung mga chat naten hanggang madaling araw.. yung mga kabaduyan conversations naten.. yung pagdadrama mo saken.. yung pagdadrama ko sayo.. yung pag ccomfort mo saken.. yung pag ccomfort ko sayo.. hay arman jay namiss ko lahat lahat sayo..

naalala ko pa yung parati mo tinatanong saken dati.. "ano kaya tayo 5 years from now.." hehe non hindi ko masagot yun e.. hindi ko kase alam isasagot.. ngayon.. eto.. ngayon na yung "5-years-from-now" mo.. eto.. chill lang.. ganon pa rin..

hay arman.. baduy man sabihen pero hindi na ko makakakita ng friend na kagaya mo.. whoo! parati ko nga sinasabi sayo dati na ikaw yung best buddy ko.. you are one of the few people na kilalang kilala ako.. shet mga tingin ko pa lang alam mo na kung naiinis ako e.. alam mo kung kelan ako mababad trip.. alam mo kung kelan ako sisinggahin ng allergy ko.. hay.. if i can only turn back time..

arman, you are the master of all masters! ikaw ang pinaka magaling na programmer sa balat ng lupa! walang stir.. wala pa ko namimeet na mas magaling or kasing galing mo! ampunin nyo na lang ako ni she.. ahahaha! sana makapag bond tayo one of these days.. kase nung last time na nagkita tayo hindi kita masyadong nakausap.. sori naman may benedict kase na nagaganap non..

basta.. alam ko naman kahit na hindi tayo masyado nakakapag usap alam ko na anjan ka lang.. one text away.. one pm away.. hay.. basta stay happy and andito lang din ako.. i love you arman jay! :D
 

barbee Copyright © 2010 Designed by Ipietoon Blogger Template Sponsored by Online Shop Vector by Artshare