minsan.. maja-justify mo talaga kung bakit humihingi ng malaking sweldo ang mga programmers..
number 1:
naging hobby mo na ata ang magpa dugo ng ilong araw araw.. hanggang pagtulog, hanggang panaginip.. nadadala mo ang sinusulat mong pending application. kasama na sa buhay mo ang bumuo ng logic at mag troubleshoot ng errors.
number 2:
inaasahan ng lahat na alam mo ang lahat basta may koneksyon sa tinatawag nating "computer" at "internet". hello, hindi einstein ang pangalan namen.. may mga bagay na hindi pa rin namen alam at pag aaralan pa lang.
number 3:
ikaw ang pinaka huli sa sistema sa project.. pag mabagal ang designer mo, lagot ka.. ikaw ang tatambling pagcocode sa huli. at pag nagpapa check ka na ng finished product, pag may nakitang ayaw ang iba sa layout.. naku.. recode ka cheng.. (kahit pa sabihin mong nagpa approve na ng layout bago mo umpisahang mag code)
number 4:
kahit mali na ng data encoder/designer, sayo pa rin maba-badtrip. (bwisseeeeyt!)
number 5:
paghihirapan mong magawa ang isang effect.. bandang huli nagbago na pala ng isip ang client mo.. (sayang ang hilo mo pagccode) --> bawal mag reklamo
number 6:
nakakasalo ka ng "not-so-ganda" code/project..
number 7:
ikaw ang nag aadjust sa pakikipag usap/deal sa isang not so techie na tao.. ang hirap laaaaang.. minsan hindi mo maintindihan kung anong gusto pero sige pa rin.. kahit mga limang tamblings ang kelangan tatambling ka masunod mo lang gusto nya..
number 8:
babatuhan ka ng maraming projects at the same time.. maliit na mistake, malaki na sa iba..... hindi mo pwedeng sabihin na "gumagana pa rin yan.. nasobrahan lang sa margin.." o kaya naman hindi mo masasabi na "hindi pa naman na-aadvertise, beta pa lang.. pwede pa magkamali, madali lang ayusin yan.."
number 9:
programmer ka na, QA ka pa.. alam kong kasama sa trabaho ng programmer ang mag test, pero bilang isang programmer may makakaligtaan ka talagang i-test.. lalo na pag ikaw ang gumawa.. naka set kase sayo na ganito ganyan ang mangyayare.. minsan.. hindi mo maiwasan na makalimutang tumingin sa "out of the box" mistake na maaring mangyare (lalo na kung loaded ka)..
number 10:
kahit anong laki ng sahod mo, hindi pa rin matumbasan ang pagod mo sa trabaho... ibang klase.. ibang level ang sakit sa ulo...
--> naka abot ba hanggang jan? bawal ang negative reactions.. mainit ulo ko! yun! chika lang..
by CCC | Charmaine C Castillo
8 years ago